Last Cloudia Review

Ang Last Cloudia ay inilabas noong Abril 15, 2019. Ito ay isang role-playing game na puno ng mahiwagang pakikipagsapalaran at kapanapanabik na storyline. Sa kasalukuyan, ang game app na itong mula sa AIDIS ay nakapagtala ng mahigit sa 500,000 downloads sa Google Play Store. Kung gusto mo ng bago at exciting na larong pwedeng gawing libangan, baka eto na ang hinahanap mo. 

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro sa action game na ito ay ang pigilan ang paglaganap ng kasamaan at kaguluhan sa mahiwagang lupain ng Granzelia. Sa tulong ng makapangyarihang Arks at magigiting na characters, kailangan nilang labanan ang kampon ng God of Ruin. Ang mga kaaway dito ay patuloy na dumarami at lumalakas habang nagle-level up sa laro.

Paano I-download ang laro?

Ang Last Cloudia ay available sa parehong Google Play Store at App Store. Pwede itong laruin gamit ang mga Android at iOS device. Kung gusto mo namang maglaro gamit ang laptop o desktop ay pwede rin. I-download lang ang app at gumamit ng lehitimong emulator upang i-run ito. Para hindi ka na maabala pa, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Last Cloudia on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aidis.lastcloudiaen&hl=en&gl=US

Download Last Cloudia on iOS https://apps.apple.com/ph/app/last-cloudia/id1473588527

Download Last Cloudia on PC https://pcmac.download/app/1473588527/last-cloudia

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Dadalhin ka ng larong ito sa isang mahiwagang pakikipagsapalaran sa kaharian ng Granzelia. Simula nang pabagsakin ng hero na si Adel at ng diyosa na si Lilah ang mapaniil na God of Ruin, ang mga mamamayan ay nanirahan na nang mapayapa at matiwasay. 

Subalit, ang mapayapang kahariang ito ay muli na namang nalagay sa panganib dahil sa mga mahihiwagang nilalang na umaatake sa mga nayon. Upang mapigilan ang nagbabantang panganib, ang 12th Order Knight na si Kyle, kasama ang kanyang mahiwagang hayop na si Rei, ay ipinadala sa isang misyon upang tuklasin at talunin ang puno’t dulo ng lahat. 

Sa pamamagitan ng kakaiba at nakakatuwang mga game character, pixel art at 3D playpaces visual design at nakamamanghang sound effects ng laro, mararanasan mo ang isang pambihirang gaming experience. Kung sa tingin mo ay handa ka para rito, hayaan mong tulungan ka ng Laro Reviews sa iyong paglalakbay. Ang mga impormasyon na tatalakayin sa mga sumusunod na bahagi ay makakatulong sa iyong magdesisyon kung sulit nga ba itong subukan o hindi. 

Bago simulan ang iyong adventure, kailangan mong mag-sign up sa laro. Para magawa ito, maaari mong i-link ang iyong Google o Facebook account upang makatiyak na ang iyong game data ay mase-save. Sa ganitong paraan, mababalikan mo rin ang iyong game progress kahit na gumagamit ka pa ng ibang gaming device.


  • Character Build System

Ang Character Build System ng Last Claudia ay hindi katulad ng sa karaniwang mga RPG. Ang game characters dito ay hindi inuuri batay sa class at rarity kung saan may isa o dalawang mas lamang sa iba. Sa halip, ang bawat game character dito ay nagsisimula sa pinaka-basic na level. Maaaring i-upgrade at i-level up ang mga ito habang sumusulong sa laro. Mas mainam na diskarte rito ang paggamit at pag-level up sa mga piling character lamang kaysa magkaroon ng napakaraming mapagpipilian. Maaari mong i-train ang mga ito at mangolekta ng rewards upang gamitin sa pagle-level up.

Isa rin sa mahahalagang sikreto upang manalo sa bawat laban ay ang pagpili ng angkop na skill set para sa iyong characters. Upang ma-activate o ma-deactivate ang partikular na skill, i-click lang ang Equip Skills Menu. Alalahanin na hindi mo basta-basta magagamit ang bawat skill upgrade dahil ang mga ito ay may takdang Skill Cost.

  • Game Resources

Maraming game resources na ginagamit sa larong ito tulad ng Blue Orbs, Red Orbs, Gold, Zell at iba pa. Hindi rin gumagamit ng stamina o energy system ang larong ito, hindi katulad sa karamihang mga RPG. Kinakailangan mong mangolekta ng Blue Orbs at Red Orbs mula sa Orb Spots na makikita sa iba’t ibang bahagi ng game map. Ang Blue Souls ay karaniwang ginagamit sa pagpapahusay ng Ark stamina, skills, at iba pa. Sa kabilang banda, ang Red Orbs naman ay ginagamit para sa mga mas bihirang uri ng Arks. Ang Gold naman ang pangunahing ginagamit sa pag-upgrade ng game characters at para makakuha ng karagdagang Blue Orbs at iba pang game items. Samantala, ang Zell ay ginagamit para i-level up ang buong Unit, bilang pambili sa mga port at bayan at sa pag-upgrade ng tank capacity.

  • Arks

Ang Arks sa larong ito ay tumutukoy sa mahihiwagang items na ginagamit para palakasin ang game characters. Ang bawat Ark ay may iba’t ibang pakinabang at epekto. Maaari nitong pataasin ang character stats o kaya ay bigyan ang mga ito ng karagdagang skills at equipments.

Pros at Cons ng Last Cloudia

Isa sa maraming nagustuhan ng mga manlalaro tungkol dito ay ang nakaka-enganyo at nakakaaliw nitong storyline. Ang combat system nito ay interactive at kapanapanabik din. Marami rin itong game features na hindi karaniwang makikita sa karamihang role-playing games. Mabilis ang gameplay nito kaya siguradong mae-enjoy ng mga manlalaro ang action-pack adventure na dala nito. Nakamamangha ang de-kalidad na graphics at animations na ginamit sa laro, pati na rin ang makatotohanang sound effects. Takaw-pansin ang 2D side scroller at 3D setting dito. Maraming manlalaro at kritiko ang pumuri sa kakaibang konsepto nitong hindi paggamit ng energy system sa isang role-playing game. Ginawa kasi nitong mas madali at hindi gaanong kumplikado ang laro.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may ilang hindi kaaya-ayang aspeto rin at mga problemang kailangang matugunan. Isa na rito ay ang Character Build System na nagbibigay sa mga manlalaro ng labis-labis na pagkakataong mag-upgrade ng game characters. Ang sistemang ito ay masyado ring nakakapagod, paulit-ulit at madaling makaubos ng resources. May ilang manlalaro rin ang nawalan ng access sa kanilang game account at hindi na naibalik pa dahil ang data recovery system nito ay hindi gumana nang maayos. Ang story mode nito ay medyo boring at nakalilito rin dahil ang instructions at translations nito ay mali-mali. Hindi patas ang gameplay nito at nagla-lag din ang app paminsan-minsan.

Konklusyon

Sa kasalukuyan, ang Last Cloudia ay may average rating na 3.9 stars mula sa mahigit 13,000 reviews sa Google Play Store. Samantala, ito ay may mas mataas na rating sa App Store na 4.7 stars mula sa halos 200 reviews. Sa kabuuan, ang larong ito ay isa sa mga itinuturing na hindi gaanong sikat na laro ngunit may napakalaking potensyal. Para sa Laro Reviews, hindi mo dapat palampasin ang isang ito lalo na kung mahilig ka sa RPGs.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...