Ode To Heroes Review

Ang Ode To Heroes ay isang uri ng idle role-playing game na may oriental theme mula sa DH-games. Sa pamamagitan ng paglalaro nito, mararanasan mong makabalik sa nakaraan at sumabak sa mga kakaibang labanan. Dadalhin ka nito sa isang mahiwagang mundong puno ng pantasya at nakakaakit na game characters. 

Gaganap bilang Destiny Lord ang mga manlalaro rito. Ang pangunahing layunin nila ay i-summon at i-upgrade ang hero characters. Kailangan din nilang bumuo ng malakas na hero line up upang matalo ang mga kaaway sa isang turn-based strategy match. 

Paano i-download ang laro?

Ang game app na ito ay available sa Google Play Store at sa App Store. Pwede itong i-download sa Android at iOS devices. Hanapin lang ang app gamit ang search bar at i-click ang Install button. Kung nais mo namang laruin ito sa iyong laptop o desktop, maaari mong i-download ang app sa computer device at gumamit ng isang lehitimong emulator upang ito ay i-run. Para hindi ka na mahirapan pa, maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Ode to Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.droidhang.ad2.official.android&hl=en&gl=US

Download Ode to Heroes on iOS https://apps.apple.com/us/app/ode-to-heroes/id1469022442

Download Ode to Heroes on PC https://pcmac.download/app/1469022442/ode-to-heroes

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Para matulungan kang magpasya kung dapat mo nga ba talagang subukan ang laro o hindi, basahin ang maikling game walkthrough na ito mula sa Laro Reviews: 

  • Paano Magsimula sa Laro

Sa unang beses na pag-launch mo ng game app, kinakailangan mong i-click ang I Agree button bilang pagsang-ayon sa Terms of Service at Privacy Policy ng laro. Pagkatapos nito ay babatiin ka ng isang kaakit-akit na game character na nagngangalang Xi Shi. Siya ang nagsisilbing gabay sa maikling tutorial. Hangga’t maaari, bigyang pansin ang bahaging ito upang malaman ang mga mahalagang impormasyon. Huwag kalimutang mag-sign in gamit ang iyong email address para masigurong ang iyong game data ay mase-save. 

  • Game Modes

Ang Campaign mode ang itinuturing na primary game mode ng karamihang role-playing games. Sa Ode to Heroes, dito rin ginaganap ang mga maaksyong tunggalian. Subalit, hindi katulad sa karaniwang campaign modes, wala ritong farming o mini-games para makakuha ng karagdagang loots. Ang tanging gagawin mo lamang dito ay talunin ang mga kalaban para makapag-level up.

Upang manalo sa laban, dapat mong regular na i-upgrade ang iyong hero unit at tiyaking may sapat na items ang mga ito. Habang sumusulong ka sa laro, magkakaroon ka rin ng pagkakataong i-unlock ang iba pang game modes at features. 

Kung nais mong makakuha ng mas maraming resources sa mas mabilis na paraan, huwag magdalawang isip na subukan ang ibang game modes tulad ng King’s Club, Government at Sky Tower. Maaari mong ma-enjoy ang iba’t ibang PvP matches sa loob King’s Club mode tulad ng Martial Meeting at Battle Meeting. Samantala, kailangan mo namang sumabak sa mga labanang naka-set sa isang piitan sa Government mode. Kung gusto mo namang subukin kung hanggang saan ang galing mo, bagay sa’yo ang Sky Tower mode. Sasabak ka rito sa mga labanang patuloy na tumataas ang difficulty level.

  • Hero Star Level, Class, at Faction System

Sa kabuuan, may 200 heroes na pwedeng pagpilian sa larong ito. Maaari ka ring bumuo ng iba’t ibang hero units depende sa iyong diskarte. Ang bawat unit ay binubuo ng hanggang sa anim na heroes. Upang makabuo ng malakas na line up, dapat mong isaalang-alang ang star level ng bawat hero. Ang mga ito ay nahahati sa limang star levels, mula Level 1 hanggang 5. Kapag ang isang hero ay may mataas na star level, ibig sabihin ay mainam itong gamitin sa mga labanan. Habang umuusad ka sa laro ay magagawa mo ring i-level up ang mga hero na pagmamay-ari mo. Magkakaroon ka pa ng pagkakataong makakuha ng rare heroes. Malaki ang papel na ginagampanan ng pagkolekta ng game resources sa pagbuo ng isang mahusay at malakas na hero line up.

Maliban sa star levels, gumagamit din ng hero class system ang larong ito. Ang heroes ay kabilang sa limang class system: Emperors, Scholars, Specialists, Assassins at Priests. Pinakaangkop na gamitin bilang frontline unit ang Emperors dahil sa kanilang mataas na HP at defense stats. Ang Specialists naman ay kilala sa kanilang special skill set. Samantalang ang Scholars ay may matataas na DPS at AoE subalit may mabababang defense stats. Ang Priests ay bagay sa support roles dahil sa kanilang healing abilities. Ang Assassins naman ang may pinakamataas na critical at speed stats. Sa pagpili ng heroes kailangan mong tiyaking mapupunan ang pangunahing roles tulad ng tank, healer at damage dealer. 

Sa kasalukuyan, may anim na hero factions din sa laro: Earth, Water, Wind, Fire, Yin at Yang. Sa pamamagitan ng faction system na ito, matutukoy kung ano ang mga kahinaan o kalakasan ng bawat hero. Halimbawa ang Earth heroes ay mas epektibong pantapat sa Water heroes, subalit, lugi sila laban sa Wind heroes.

Pros at Cons ng Ode to Heroes

Maraming manlalaro ang nagustuhan ang gameplay ng larong ito dahil kahit madali itong matutunan ay challenging pa rin ito. Ang proseso sa pagle-level up ng heroes ay hindi kumplikado. Hindi rin ito magastos dahil hindi napipilitang gumamit ng in-app purchases ang mga manlalaro maliban na lamang kung talagang nanaisin nila. Kapansin-pansin din ang maraming game modes na pwedeng pagpilian. Nakakahumaling din ang features nito tulad ng iba’t ibang heroes, special items at kapanapanabik na game events. Ang graphics at animations nito ay de-kalidad, pati na rin ang background music at sound effects na ginamit. Higit sa lahat, beginner-friendly din ang laro dahil sa simple ngunit komprehensibong tutorial at accessible game guide nito.

Sa kabilang banda, marami rin itong technical issues na kailangang masolusyunan tulad ng paulit-ulit na lags at biglaang pag-freeze ng app. Sa kasamaang palad, ilang manlalaro ang nawalan ng access sa kanilang game account dahil hindi accessible ang data recovery system ng laro. Marami na rin ang nagrereklamo sa madalas na pagkakaroon nito ng loading issues. 

Konklusyon

Ang Ode To Heroes ay may average rating na 4.6 stars mula sa mahigit 100,000 reviews sa Google Play Store. Sa kabilang banda, mayroon itong 4.8-star rating mula sa mahigit 2,000 reviews naman sa App Store. Kahit na ito ay nakatanggap ng matataas na ratings, inirerekomenda pa rin ng Laro Reviews na huwag masyadong taasan ang expectations para rito. Katulad nga ng mga nabanggit, mayroon din itong ilang cons. Mas mainam na gumamit ng angkop na gaming device at siguraduhing may sapat itong memory space upang mabawasan ang posibilidad ng technical problems habang naglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...