Tower Clash Review

Para sa mga manlalarong nais ng mabilis at maaksyong laro, tutuparin ng Tower Clash ang labang hanap mo. Ito ay nilikha ng Fastone Games HK, isang android game developer na aktibong gumagawa ng laro mula pa noong 2018. Matagumpay silang nakagawa ng mga sumikat na puzzle, action at strategy games na maaari mong makuha ng libre sa Google Play Store, App Store at kahit sa iyong personal computer o PC.

Ang Tower Clash ay isang strategy game. Ito rin ay isang stylized at casual game na may competitive multiplayer mode. Opisyal itong inilabas noong Nobyembre 2020 at ngayon ay patuloy na nakikilala ng mga manlalaro. Nitong Mayo 2022, naglabas ang Fastone Games HK ng bagong update. Nadagdagan ito ng features at nagkaroon ng bagong update ang mga game mode sa laro.

Sa larong ito, kailangan mong mag-iisip at bumuo ng sariling diskarte upang maprotektahan ang iyong teritoryo sa pag-atake ng kalaban. Ikaw ang dapat na lumusob at sumakop sa base ng kalaban upang manalo sa laro. Tuklasin ang iyong talento at maging isang magaling na manlalaro ng Tower Clash. Handa ka na bang lumaban at sakupin ang teritoryo ng iyong kaaway? Kung oo, basahin pa ang artikulong ito upang malaman ang ibang impormasyon na makakatulong sa iyong paglalaro.

Features ng Tower Clash

Game modes – Ang Tower Clash ay may tatlong game modes, ang Battle, Campaign at Arena. Kung nais mong makipaglaban sa ibang manlalaro, piliin ang Battle mode. Ngunit kung gusto mo namang maglakbay at kumpletuhin ang kabanata sa kwento ng laro, maaari mong laruin ang Campaign mode. Sa mode na ito, maaari kang mamili sa pagitan ng normal o hard level. Ang ilan sa mga lugar na maaari mong puntahan ay ang Training Camp, Fertile Prairie, Frozen Pinnacle, Fury Volcano at marami pang iba. Samantala, ang Arena mode ay maaari mo lang malaro at mabuksan pagkatapos mong malagpasan ang maraming level.

Daily quests – Bukod sa pakikipaglaban, ang larong ito ay mayroon ding mga misyon na dapat mong maisakatuparan. Basahin at gawin ang mga nakasaad sa daily quests upang makakuha ng iba’t ibang papremyo. 

Events – Sa larong ito, maaari kang dumalo ng iba’t ibang events. Mayroong daily challenge, play with friends at play with online players. Sumali at maglaro depende sa iyong nais upang makakuha ng maraming gantimpala at premyo.

Shop – Ang larong ito ay mayroong sariling game shop. Bumili ng mga item at heroes na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong paglalaro. Ang ilan sa heroes na maaari mong bilhin ay ang Priest Mage, Iron Guard at marami pang iba. Maaari ka ring bumili ng mga item katulad ng Sapphire Chest, Ruby Chest, Diamond Chest at iba pa. Pati na rin ang mga coin at gems ay maaari mo ring bilhin gamit ang totoong pera.

Saan pwedeng i-download ang Tower Clash?

Kung nais mong makuha ang larong ito, i-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download depende sa ginagamit na device:

Download Tower Clash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.addictive.strategy.tower

Download Tower Clash on iOS https://apps.apple.com/ph/app/tower-clash/id1542992503

Download Tower Clash on PC https://www.gameloop.com/game/strategy/com.addictive.strategy.tower

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Tips kung Nais Laruin ang Tower Clash

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Tower Clash, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Ituturo sa iyo sa tutorial mode kung tungkol saan ang laro at kung paano ito laruin. Sa ganitong paraan, maiintindihang mong mabuti ang daloy ng laro.

Sa umpisa ng laro, kailangan mo muna mag-login, pumili lang sa tatlong opsyon, kung Google Account, Facebook o mag-login bilang Guest sa laro. Kung nais mong ma-save ang progreso ng iyong paglalaro piliin ang Google Account o Facebook. Para kahit i-unistall mo man ang laro o gumamit ka ng ibang device, maaari mong ipagpatuloy ang level na iyong natapos. Pwede mo ring baguhin ang iyong player profile depende sa iyong nais. 

Ang inirerekomenda para sa mga bagong manlalaro ay laruin muna ang battle mode. Sa larong ito matututunan mo ang iyong sariling istilo sa pakikipaglaban lalo na kapag malapit ka nang matalo ng kaaway. Mag-isip at bumuo ng iba’t ibang estratehiya sa laban dahil magagamit mo ito sa laro. Ang isang tip na dapat mong tandaan sa paglalaro ng Tower Clash, unahin mo munang sakupin ang maliliit na kaharian bago mo lusubin ang pinakamalaking teritoryo. Kapag nasakop mo na ang mga maliit at napanatili ang iyong mga kawal sa loob nito saka ka magplano ng pag-atake sa huling teritoryo. Dapat mong pag-isipang mabuti ang mga plano at hakbang na iyong gagawin dahil dito nakasalalay ang iyong pagkapanalo. Huwag ring kalimutang kuhanin at kolektahin ang mga premyong napanalunan dahil maaari mo itong gamitin upang makabili ng mga magagandang item. 

Ilan lamang ito sa tips na maaari mong magamit sa paglalaro ng Tower Clash. Ang pagkapanalo mo sa mga laban ay nakasalalay pa rin sa istilo ng iyong paglalaro. Isakatuparan ang iyong misyon at ibigay ang lahat ng iyong makakaya.

Pros at Cons ng Tower Clash

Para sa Laro Reviews, ang Tower Clash ay nakakaadik at masayang laruin. Simple lang ang mechanics at gameplay ng laro kaya mabilis mong matututunan kung paano maglaro nito. Mabilis lang rin ang bawat level ng laro kaya hindi ka maiinip dito. Sigurado akong magugustuhan ito ng lahat lalo na ng mga manlalarong gusto ng fast-paced game.

Dagdag pa rito, maganda rin ang disenyo ng graphics ng laro. Malinaw at maayos ang visual effects, sound effects at background music na ginamit sa laro. Angkop ang larong ito sa lahat ng edad dahil walang itong nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Tiyak akong kagigiliwan itong laruin ng mga bata, kabataan at kahit ng mga matatanda.

Nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, isa ito sa magagandang tower game na kanilang nalaro. Marami ang nagsabing maganda at nakakaadik ang larong ito dahil madali itong laruin. Pinuri rin nila ang kagandahan ng laro pagdating sa disenyo ng graphics. Subalit may mga problema ring nararanasan ang iba sa paglalaro nito. Ayon sa kanila, may lag, glitch at bug ang laro. Hindi rin mai-link ng iba ang kanilang Google Account. Gayunpaman, umaasa pa rin ang iba na maaayos ng Fastone Games HK ang mga isyung naranasan ng mga manlalaro. Nagbigay naman ng mensahe ang developer ng laro, humingi ng paumanhin at sinagot ang kanilang mga alalahanin sa Tower Clash.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app products gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱50 hanggang ₱4,850 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon na itong 4.4/5 ratings sa Google Play Store. Umabot na sa mahigit 1 milyong downloads ang larong ito at may mahigit 15,000 reviews na rin makalipas ang dalawang taon simula noong opsiyal itong inilabas. Kung gusto mong malaman ang mga bagong updates at iba pang impormasyon tungkol sa larong ito, i-download mo na ang Tower Clash sa iyong device!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...