World Warfare Review

Kung babalikan natin ang kasaysayan, taong 1939 nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na tumagal hanggang noong taong 1945. Kung alam mo na ang mga naganap sa pangyayaring ito, marahil tulad ng marami ay nagimbal ka rin sa mapait na dinanas ng maraming bansa sa buong mundo kagaya na lamang ng bansang Japan na isa sa naging sentro ng digmaan sa pagitan ng bawat alyansa noong mga panahong iyon. Sa larong World Warfare, muli kang babalik sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan gagampanan mo ang character ng isang Amerikanong Commander-in-Chief na ipapadala sa bansang Japan upang lipulin ang mga kalabang Hapon at kanilang mga ka-alyansa roon.

Bilang pagsisimula ng laro, kailangan mong lusubin ang lungsod ng Kin, sakupin ito, at itaboy ang mga kalaban. Upang maisakatuparan ang unang misyon, kailangan mong gamitin ang iyong Air Force upang pasabugin ang nasabing lungsod hanggang sa wala ng gusaling matatagpuan ang mga kaaway roon. Pagkatapos mong maagaw ang kontrol ng pamamahala mula sa mga Hapon, kailangan mong magpatayo ng isang military base upang masigurong hindi na muling makakabalik pa ang mga kaaway. Ang pagkakaroon ng Base Militar ay nagsisilbi ring proteksyon ng iyong buong hukbo laban sa mga magtatangkang salakayin sila sa Kin.

Sa karagdagan, hindi magiging sapat ang pagkakaroon ng Military Base kung wala kang sapat na bilang ng Anti-craft gun, kaya gamit ang iyong XP na natatanggap sa laro, huwag mag-atubiling gamitin ito upang maging mas malakas pa lalo ang pwersa ng iyong hukbo. Ang Anti-craft gun din ang tatapos sa iba pang natitirang kalaban sa paligid ng iyong military base, at upang manalo naman sa larong ito, kailangan mo lamang na masakop ang malaking bahagi ng bansang Japan at wasakin ang mga alyansa ng mga kalaban.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Maliban sa iyong Military Base, kailangan mo pang dagdagan ang iyong depensa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng maraming Turrets at pagbili ng iba’t ibang uri ng armas kagaya ng missiles, war-tank, at mga karagdagang bilang ng mga sundalo. Gayundin, maliban sa iyong air force, kinakailangan mo rin ang tulong mula sa Naval Force at Army. Ang Naval Force ay mamamahala sa pagsira sa mga kampo ng mga kalaban na malapit sa dagat, habang ang Army naman ang iyong magiging kaagapay sa pagtapos sa mga kalaban na nagtatago sa highlands.

Sa laro, kailangan na alam mo rin kung ano ang iyong mga dapat gawin upang magawa ang mga nakasaad sa iyong Primary at Secondary Objective. Ang pagkumpleto sa mga task ang siyang magbibigay sa iyo ng XP na iyong magagamit upang magpatayo ng marami pang military base at mga Turret. Kailangan mo rin palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pag-atake sa mga low-ranking territory na malapit sa iyong League City.

Sa karagdagan, bilang ang World Warfare ay isang uri ng military strategy game, dapat mo ng asahan na iikot ang daloy ng laro sa kaliwa’t kanang mga digmaan, kaya sa pag- usad mo sa laro, marapat na ihanda mo na ang iyong sarili at buong hukbo upang talunin ang iba pang manlalaro sa bawat mapa na iyong sasalihan. Higit sa lahat, sa larong ito, maaari ka ring sumali sa isang alyansa kasama ang ibang mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang wasakin ang ibang base militar at kampo ng iba pang mga manlalaro, at maaari ring maging target ng iba ang iyong kampo, kaya dapat upgraded ang iyong mga sandata, at lagi kang handa sa mga posibeng pag-atake.

Saan maaaring i-download ang Laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user. I-download naman ang laro sa AppsPlayground para malaro ito sa PC. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download World Warfare on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.joycrafter.worldwarfare.gp

Download World Warfare on iOS https://apps.apple.com/us/app/world-warfare-3d-mmo-wargame/id1035495958

Download World Warfare on PC https://appsplayground.com/world-warfare-pc/

Features ng Laro

  • Daily Gift – Kapag araw-araw mong nilalaro ang ang World Warfare, makakaasa kang araw-araw ka ring makakatanggap ng mga premyo kagaya ng free diamonds, extra weapons, additional XP at marami pang iba.
  • World Map – Gamit ang mapang ito, magkakaroon ka ng pagkakataon na pumili ng League City ng ibang manlalaro na gusto mong atakihin at sakupin.
  • Log in Gift – Kung gusto mo naman na makatanggap ng instant prize nang walang kahirap-hirap, maaari mong imbitahan ang iyong mga Facebook friends upang laruin ang World Warfare. Bilang kapalit, makakatanggap ka ng malaking halaga ng diamonds at XP.
  • Chat – Lubhang napakahalaga ng feature na ito ng laro, dahil ito ang magsisilbing plataporma upang makapag-plano ng mga estratehiya ang bawat alyansa ng mga manlalaro. Sa feature ring ito makakakilala ng mga bagong kaibigan.
  • Ranking – Makikita rin sa larong ito ang iyong Personal Ranking, Battle Ranking at League Ranking kung kaya’t mas lalo kang gaganahan na mas galingan pa sa paglalaro upang maisama ang iyong pangalan sa listahan ng pinaka magagaling na manlalaro.

Pros at Cons ng Laro

Kung matagal ka ng naghahanap na isang simulation game na umiikot sa mundo ng military, nakakatiyak ang Laro Reviews na hindi mo lamang magugustuhan ang larong ito, kung hindi ay maiibigan din. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa sa napakaraming in-game features ng larong ito, lalo pa na maaari mong makasama sa paglalaro ang iyong mga kaibigan. Tunay na mamamangha ka rin sa ganda ng gameplay ng laro, lalo na pagdating sa bakbakan ng bawat manlalaro.

Hindi rin ipagkakait sa iyo ng laro ang pagkakataon na makakolekta ng napakaraming XP at in-game currency, gayundin ng mga weapon at upgrades sa iyong hukbo, kaya kailangan mo na lang talaga ng isang mahusay na estratehiya upang manalo sa laro, o makipagtulungan sa mga high-ranking player.

Sa kasamaang palad, may karamihan din ang mga negatibong katangian ng larong ito. Una, maaaring wasakin ng ibang manlalaro ang iyong League City sakaling naka-offline ka, kaya lahat ng iyong pinaghirapan sa laro ay sa isang iglap lang ay maaari nang masira ng iba. Gayundin, hindi masyadong makatotohanan ang graphics ng laro dahil kahit nagsisimula ka pa lamang sa laro, mapapansin mo na kaagad na hindi maayos ang detalye ng mga sasakyang pandigma kagaya ng warplanes, mga war tank at mga gusali na iyong makikita sa loob ng mga League City.

Madalas rin ang pagkakaroon ng matagal na loading sa laro lalo na kang sumasabak ka na sa battlefield. Hindi rin smooth gamitin ang control ng laro dahil bukod sa mga delayed movement, minsan kailangan mo pang pindutin ng paulit-ulit ang isang tab sa screen para lamang mabuksan ito.

Konklusyon

Kung bago ka pa lang sa mundo ng military strategy game, iminumungkahi ng Laro Reviews na subukan mo muna ang larong ito upang maging pamilyar ka sa gameplay. Maaari mo itong gawing training ground bago ka maghanap ng isang strategy game na mayroong mas magandang graphics at mas maayos na control.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...