Wild Gunner – Rogue Adventure Review

Gagampanan sa larong ito ang isang mandirigmang character na naglalakbay upang labanan ang iba’t ibang uri ng mga kalaban. Kagaya ng mga sikat na Rogue games na Hades – 95, Crypt Of The Necrodancer (Metascore 92), Dead Cells (Metascore 91) at Spelunky (Metascore 90), kailangan lamang kontrolin ang napiling character sa laro upang pagalawin ito. Awtomatiko na ring bumabaril ito kaya hindi na kailangan pang pumindot ng attack button.

Ang gameplay ng Wild Gunner- Rogue Adventure ay nagsisimula sa unang game episode, ang The Forest. Sasalang sa sampung levels ang manlalaro kung saan makakaharap nito ang iba’t ibang uri ng kalaban mula sa maliliit na mga nilalang kagaya ng mga mabibilis lumipad na mga insekto, baboy ramo hanggang sa isang higanteng Toro. Ang pangunahing layunin sa laro ay manatiling buhay ang character hanggang sa dulo ng bawat game episode.

Paano laruin ang Wild Gunner – Rogue Adventure?

Maraming kalaban ang sabay-sabay na umaatake kaya gamit ang revolver, dapat na mapatamaan mo ang mga kalaban. May mga kalabang agad na namamatay sa isang tira lamang at mayroon din namang kailangang barilin ng makailang ulit upang ganap na maglaho ang mga ito. Upang hindi mabawasan ang health percentage, kailangang dumistansya sa mga kalaban upang hindi ma-corner at magtamo ng mga pinsala. Kapag nagapi na ang lahat ng mga kalaban sa bawat level, may lalabas na isang portal kung saan dapat na pumasok upang makapunta sa panibagong game level.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Wild Gunner – Rogue Adventure

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

  • Bago sumabak sa isang labanan, dapat na makapili ng angkop na upgrade upang higit na mas maging malakas.
  • Kapag nakitang mababa na ang level ng health percentage, piliin ang health na upagrade upang muling tumaas ang mga ito.
  • Huwag kalimutang pindutin ang shockwave kapag napapaligiran na ng mga kaaaway upang tumilapon ang mga ito at mabigyan ng pagkakataong makahanap ng ligtas na pwesto.
  • Mag-ingat na hindi matamaan ng mga toro dahil malakas ang kanilang destruction ability, sa loob lamang ng dalawa o hanggang tatlong atake nito ay agad na mamamatay ang character na gamit sa laro.
  • Ang mga insekto ay maliliit man ngunit sila ang pinakamabibilis kumilos sa lahat ng mga kalaban. Kailangang patamaan sila agad upang hindi na maabutan ng kanilang atake.
  • Hangga’t maaari ay magpalipat-lipat ng pwesto dahil lahat ng kalaban ay nagmumula sa iba’t ibang direksyon.

Saan maaaring i-download ang Wild Gunner – Rogue Adventure?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user, sa App Store para sa mga iOS user at kailangang gumamit ng NoxPlayer para naman sa mga PC user. O ‘di naman kaya’y i-click lamang ang mga link sa ibaba:

Download Wild Gunner- Rogue Adventure on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.redantz.game.wild.gunner

Download Wild Gunner- Rogue Adventure on iOS https://apps.apple.com/us/app/wild-gunner-rogue-adventure/id1576176709

Download Wild Gunner- Rogue Adventure on PC https://www.ldplayer.net/games/wild-gunner-lost-lands-adventure-on-pc.html

Mga Feature ng Laro:

  • Melee Armor Sa halagang 350 coins, mababawasan ang damage na maaaring maibigay ng melee na kalaban.
  • Maximum HP -Sa pamamagitan ng upgrade na ito, magkakaroon ng maximum 200 base HP ang character sa laro.
  • Stage Restoration Para muling ibalik ang 100 HP na nabawas sa bawat katapusan ng game level, gamitin lamang ito sa halagang 450 coins.
  • Revival Rate Sakaling mamatay ang gamit na character, gamitin ang Revival Rate upang muli itong buhayin.
  • Equipment Enhancement Upang higit na mapataas ang kalidad ng mga base equipment sa laro, maaari itong gamitin upang gawin silang mas makapangyarihan.
  • Hire a Mount Para higit na maging mas bilis, maaaring sumakay sa isang hayop upang magkaroon ng mas malaking tyansang hindi maabutan ng mga kalaban.
  • Rocket launcher Isa sa maituturing na pinakamalakas na armas sa laro dahil bukod sa revolver, kusa ring matatamaan ng mga nagliliparang rocket ang kumpol-kumpol ng mga kalaban.
  • Smart Bullet Naiiba ito sa pangkaraniwang bala na lumalabas sa revolver. Higit itong mas makapangyarihan at sa isang putok lang ay agad na mapapatumba ang mga kalaban.

Mga game episode sa laro:

  • The forest Ang pinakauna at pinakamadaling episode sa lahat. Mayroon lamang itong sampung game level na dapat malampasan.
  • Into the woods Ang kasunod ng The Forest kung saan mayroon itong labinlimang game levels. Higit na malalakas ang mga kalabang makakaharap dito kung ikukumpara sa naunang game episode.
  • The colony Pagkatapos na makumpleto ang lahat ng game levels sa Into the Woods, maaari nang makapaglaro rito. Ginaganap ang laro sa mismong kuta ng mga kaaway.
  • The outer wall Ang pinakaunang episode bago marating ang The Fortress. Ginaganap ang labanan sa labas ng pader ng isang palasyo.
  • The ward Kapag naman nagtagumpay sa laban sa The Outer Wall, makakapasok na sa The Ward kung saan puro malalakas na ang makakalaban.
  • The fortress Ang pinakahuling episode kung saan makakasagupa ang mga kalabang halos imposible nang matalo.

Mga Pagpipiliang Character sa Laro:

  • Shiba Kung ikukumpara sa lahat ng characters, ito ang may pinaka basic na mga katangian. May kakayahan itong lumikha ng shockwave na magtutulak palayo sa mga kalaban.
  • Neko Pinakamagandang katangian ng karakter na ito ay ang kakayahan niyang umatake sa lahat ng mga nakapalibot na mga kalaban nang tuluy-tuloy sa loob ng ilang sandali.
  • Shadow Ang pinaka nakakamangha sa lahat dahil may kakayahan itong maging invisible sa loob ng ilang sandali.

Pros at Cons ng Wild Gunner – Rogue Adventure

Para sa Laro Reviews, ang isa sa pinaka nakakamanghang katangian ng Wild Gunner- Rogue Adventure ay ang pagkakaroon ng kalayaan ng mga manlalarong makapili ng higit sa isang armas at ilan pang mga armor. Hindi ito kagaya sa ibang Roguelike games na may limitasyon sa paggamit ng mga armas ang mga manlalaro. Bukod pa rito, lahat ng weapons sa laro ay maaaring ma-upgrade gamit lamang ang mga gem at gintong makokolekta sa laro. Hindi na kailangang gumastos ng totoong pera ang mga manlalaro para lamang makabili ng upgrade.

Sa karagdagan, bubusugin ka ng laro sa dami ng aksyon at adventures dahil bawat game episode ay mayroong pagkakaiba pagdating sa kapaligiran, uri ng makakalaban, mga armas at mga armor. Ang graphics ay maayos naman, hindi man ito 3D, ngunit ang bawat detalye sa laro ay nakikita pa rin nang malinaw at maging ang musika ng laro ay kanais-nais ding pakinggan.

Sa kabilang banda, marami sa mga button sa laro ang hindi nabubuksan kagaya ng shop nito at mga masasakyang hayop. Isang malaking problema rin ang laging pagkakaroon ng lag sa laro kung saan laging naaantala ang mga manlalaro sa kalagitnaan ng pakikipaglaban. Sa mga huling game episode, halos wala ring pag-asang matalo pa ang mga kalaban dahil kahit gumamit pa ng pinaka upgraded na mga weapon ang mga manlalaro, hindi agad-agad na namamatay ang mga ito. Sa halip, mas lalo pa silang dumarami hanggang sa masaid ang health percentage ng game character at matalo sa laro.

Konklusyon

Ang mga Rogue Game ay kabilang sa mga larong kinawiwilihan ng mga manlalaro. Hindi maaaring itanggi na maraming magagandang features ang mga larong ito. Kung maghahanap ka sa mga gaming store, tiyak na mapapagod ka sa pagpili sa mahabang listahan ng mga Rogue game, at kung sakali mang nais mong subukang maglaro, inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong Wild Gunner- Rogue Adventure. Hindi man nabibilang sa top 10 most downloaded Rogue Games, tiyak na magkakaroon ka pa rin ng magandang karanasan sa paglalaro nito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...