Word Lots Review

Ang Wordscapes ng PeopleFun ay isang big hit dahil mayroon itong mahigit 50 million downloads. Maraming players ang nasiyahan sa kakaibang gameplay at relaxing ambiance nito. Ang tagumpay na ito ay nagbigay inspirasyon sa maraming developer na lumikha ng parehong laro, at isa na rito ang LazyDog Game. Ang kanilang larong Word Lots ay isang casual word game na maaari mong laruin sa iyong mobile phone. Maaari mong mapagkamalan itong Wordscapes dahil sa mga katulad na mechanics nito, subalit magiging kasing ganda kaya ito ng orihinal?

Dahil ito ay katulad ng Wordscapes, ang laro ay may parehong mga layunin tulad ng sa orihinal. Kailangan mong hanapin ang lahat ng mga nakatagong salita sa word puzzle sa pamamagitan ng pag-swipe ng mga titik upang lumikha ng isang salita. Bilang karagdagan, maaari mo itong laruin sa sarili mong pace dahil wala itong time limit.

Features ng Word Lots 

Word Puzzle – Ito ang puzzles na kailangan mong lutasin sa pamamagitan ng pag-swipe ng mga titik. Bilang karagdagan, ang iyong brilliance ay tataas, at maaari kang lumipat sa isa pang yugto kung mananalo ka sa laro.

Levels – Mga listahan ng kasalukuyan at nakalipas na stages na iyong nakumpleto. Ang bawat isa ay may iba’t ibang tema, at mag-a-unlock ka ng higit pang mga feature habang tinatapos mo ang mga ito.

Definitions – Naglalaman ito ng mga kahulugan ng mga salitang nahanap mo sa loob ng word puzzles matapos manalo sa stage. Gayunpaman, hindi nito kasama ang Bonus Words.

Bonus Words – Ito ang mga salitang natuklasan mo ngunit hindi kasama sa puzzle. Bilang karagdagan, ang mga ito ay mako-convert sa coins kapag natapos mo ang stage.

World Ranking – Ang lugar kung saan maaari mong ipakita ang iyong galing sa laro dahil ang brilliance points ng mga manlalaro ang tutukoy sa kanilang posisyon sa leaderboard.

Academic Title – Ito ang title na makukuha mo base sa brilliance points na naipon mo. Magsisimula ka bilang isang Rookie na may isang daang points lamang at maabot ang Immortality kapag nakakuha ka ng dalawang daang libong points.

Quote Challenges – Ito ang special stages na maaari mo lang laruin kapag natapos mo na ang kinakailangang level. Sa mode na ito, ang mga salitang dapat mong malutas ay bahagi ng quotes mula sa mga pelikula o sikat na tao.

Shuffle – Ang feature na babaguhin ang ayos ng mga titik na kailangan mong i-swipe. Bilang karagdagan, libre lamang itong gamitin.

Hint – Isa pang feature na nagpapakita ng isang letra sa word puzzle. Hindi tulad ng shuffle, nagkakahalaga ito ng isang daang coins sa tuwing gagamitin mo ito.

Saan pwedeng i-download ang Word Lots?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Word Lots sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Word Lots on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=wordcross.wordscapes.wordconnect.lots.free

Download Word Lots on iOS https://apps.apple.com/us/app/word-lots/id1588098340

Download Word Lots on PC https://www.bignox.com/appcenter/wordcross-wordscapes-wordconnect-lots-free-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang NoxPlayer emulator mula sa kanilang https://www.bignox.com Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Normal lang na ma-stuck sa ilang stage, kaya tutulungan ka ng Laro Reviews na umusad sa laro at makakuha ng mas maraming coins.

I-shuffle ang mga titik.

Wala ka bang mahanap na salita? Kung gayon ay gamitin ang shuffle feature upang muling ayusin ang mga titik. Dahil libre lamang ito, maaari mo itong gamitin nang maraming beses.

Gamitin ang hints nang mabuti.

Hindi tulad ng shuffle feature, nagkakahalaga sila ng isang daang coins. Gamitin lang ang mga ito kapag wala ka pa ring mahanap na salita, kahit gaano mo pa ayusin ang mga titik.

Lumikha ng mga salita sa loob ng mga salita.

Minsan maaari mong matuklasan ang mahahabang salita, at may higit pang mga salita sa loob ng mga ito. Kaya dapat mong laging isipin kung maaari kang lumikha ng isang salita sa pamamagitan ng pag-aalis ng isang titik mula sa kanila. Halimbawa, nakakita ka ng SLOTS sa puzzle. May maiisip ka bang salita kung aalisin mo ang isang titik mula rito?

Gawing plural form.

Kung nakakita ka ng isang noun sa puzzle at may titik na ‘s’ sa mga pagpipilian, palaging may pagkakataon na maaari mong isama ang kanilang plural form sa iyong sagot.

Gawing past tense.

Ang strategy na ito ay kapareho ng pagpalit sa kanilang plural form. Kung makakita ka ng verb sa puzzle at may letrang ‘d,’ maaari mo itong baguhin sa past tense.

Unahin ang Bonus Words.

Dahil wala kang ideya kung sila ay nasa puzzle, magpasok ng maraming random na salita. Makakatulong ito sa iyo na madagdagan ang pagkakataong mahanap ang mga salitang ito. Bilang karagdagan, bibigyan ka nila ng coins kapag natapos mo ang stage.

Pros at Cons ng Word Lots 

Ang time limits sa word games a ay maaaring hamunin ang players dahil kailangan nilang gumawa ng strategy sa pagsagot sa pinakamaikling panahon. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng incentives kapag naabot ang requirements ay naghihikayat sa kanilang laruin muli ito. Gayunpaman, maaari nitong alisin ang saya dahil maaari kang ma-pressure na hanapin ang mga nakatagong salita. Buti na lang walang time limits ang Word Lots. Maaari mong lutasin ang puzzles sa sarili mong bilis nang hindi nababahala sa kahit na anong countdown. Makakatulong ito sa iyong mag-enjoy sa laro dahil mas marami kang oras para mag-isip.

Ang Word Lots ay isang therapeutic game dahil sa nakakarelaks na background music at nakakatuwang mga visual. Ang hidden words ay hindi mahirap hanapin, ngunit maaari ka pa ring hamunin habang umuusad ka sa laro. Bukod dito, hindi mo kailangan ng isang kumplikadong strategy upang laruin ito.

Sa kabila ng magagandang katangian, ang larong ito ay walang gaanong pagkakaiba sa orihinal. Kinopya nito ang halos lahat ng feature ng Wordscapes ngunit may ibang visuals. Iisipin mong iisa lamang ang mga laro dahil sa nakaka-relax na ambiance hanggang sa paghahanap ng hidden words sa pamamagitan ng pag-swipe ng mga letra. Gayunpaman, mayroon itong Quote Challenges na maaari mong malaro kung matapos mo ang required levels. Kaya naman hindi nito lubusang kinopya ang buong laro.

Konklusyon

Sa unang tingin, maaari mong isipin na ito ay isang Wordscapes game ng PeopleFun. Ang mechanics, sound effects, at karamihan sa mga feature ng Word Lots ay pareho sa orihinal. Kung wala itong original game mode tulad ng Quote Challenges, iisipin mong isa itong carbon copy. Mabuting nagdagdag ang developer ng isang bagay upang gawin itong iba sa orihinal, at ang mga salitang dapat i-solve ay hindi katulad ng sa iba pang mga laro. Mas inirerekomenda ng Laro Reviews ang Wordscapes, ngunit maari mo pa rin itong laruin kung nasagot mo na ang lahat ng puzzle mula sa orihinal.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...