Wordfeud Review

Bago pa nauso ang word games sa mobile phone, marami na ang nakapaglaro ng Scrabble. Kaya hindi maipagkakailang maraming laro sa Google Play Store o Apple App Store ang hango rito. Ang Wordfeud ay isang competitive multiplayer word game ng Bertheussen IT. Ang larong ito ay free version ng Wordfeud Premium, kaya limitado lamang ang feature na magagamit mo. Magiging kasingganda ba ito ng orihinal? Para malaman mo, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa.

Ang layunin ng larong ito ay pareho sa klasik na Scrabble. Kailangan mong bumuo ng isang salita gamit ang mga titik sa iyong deck at makakuha ng score na mas mataas kaysa sa iyong kalaban. Maaaring ilagay ang mga salitang ito nang pahalang o patayo hangga’t valid ang mga ito. Maaari ring ilagay sa tabi ng iba pang mga titik hangga’t ang mga salita ay tumutugma sa nasa dictionary. Bilang karagdagan, ang puzzle board ay magkakaroon ng mga parisukat na may kulay at katumbas na points. Ikaw ang masusunod kung anong strategy ang gagamitin mo para manalo sa laro.

Features ng Wordfeud 

Puzzle Board – Isang 15×15 grid kung saan mo inilalagay ang iyong tiles upang makabuo ng isang salita. Maaari kang pumili ng isang normal na board kung saan nakaayos ang mga may kulay na parisukat o isang random na board kung saan nakakalat ang mga ito. Ang mga may kulay na parisukat ay may kaukulang points depende sa tile na iyong inilagay.

  • DL (Double Letter) – dodoble ang score ng letter na nakalagay dito.
  • TL (Triple Letter) – gagawin nitong triple ang points ng letter na nakalagay dito.
  • DW (Double Word) – ito ay magdodoble ng score ng salita, alinmang letter ang matapat rito.
  • TW (Triple Word) – papadamihin ng tatlong beses ang score ng salita kung dito mailalapag ang tiles.

Tiles – Ito ang mga pirasong kailangan mong ilagay sa iyong puzzle board para makagawa ng salita. Ang bawat isa sa mga ito ay naglalaman ng letters na may kaukulang scores.

Blank tiles – Ang mga pirasong walang letters o points. Gayunpaman, maaari mong itakda ang anumang letter dito kapag inilagay mo ang mga ito sa puzzle board.

Shuffle – Inaayos nitong muli ang tiles sa iyong deck.

Pass – Nilalaktawan ng feature na ito ang iyong turn at ipapasa ito sa iyong kalaban.

Swap – Papalitan nito ang tile na hindi mo gustong gamitin, ngunit magagawa mo lang ito ng isang beses kapag ikaw na ang dapat tumira.

Saan pwedeng i-download ang Wordfeud?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman ang iyong gamit. I-type ang Wordfeud sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lang ito at hintaying matapos ang pagda-download. 

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Wordfeud on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hbwares.wordfeud.free

Download Wordfeud on iOS https://apps.apple.com/us/app/wordfeud/id428312806

Download Wordfeud on PC https://wordfeud-windows-10.en.softonic.com/

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Hindi mo kakailanganin ng instructions dahil madaling matutunan ang laro. Ang tips na maibibigay rito ay makakatulong sa iyong makakuha ng higit pang scores upang matalo ang iyong mga kalaban.

I-shuffle ang mga titik.

Malawak man ang iyong bokabularyo, magkakaroon pa rin ng pagkakataong hindi ka makakabuo ng anumang salita. Kaya kapag nangyari ito, muling ayusin ang mga titik sa iyong deck sa pamamagitan ng pag-click sa shuffle button. Makakatulong ito sa iyong pag-iisip ng mga salita kapag binago mo ang pagkakaayos ng tiles. Bukod dito, magagawa mo ito nang maraming beses hangga’t gusto mo, hindi tulad ng iba pang features.

I-swap ang iyong tile kung kinakailangan.

Hindi mo na maibabalik ang nai-swap na titik sa sandaling palitan mo ito, kaya gawin lang ito kung wala na talagang mahanap na anumang salita mula sa available na tiles.

Kailan gagamitin ang blangkong tiles?

Ipinapayong ipunin mo muna ang blangkong tiles. Ang pinakamahusay na paraan upang magamit ang mga ito ay kapag ang iyong sagot ay magkakaroon ng mataas na score, ngunit kulang ka ng isang titik. Halimbawa, ang pinakamagandang salita na maaari mong ilagay ay PODS na may siyam na points, ngunit wala kang letter ‘d.’ Gamitin ang isang blangkong tile bilang proxy ng letter na ito.

Unahin ang may kulay na mga parisukat.

Pangparami ng points ang iba’t ibang kulay ng mga parisukat sa game board. Kapag nakabisado mo na ang point system ng bawat kulay, mag-focus sa paggawa ng mga salita at pag-isipan mabuti kung saan mapupunta sa mga may kulay na parisukat ang mga titik.

Pros at Cons ng Wordfeud 

Hindi tulad ng ibang mga laro, wala itong anumang microtransactions na nagbibigay ng advantage sa players. Kakailanganin mo lamang ang iyong katalinuhan at malawak na kaalaman sa bokabularyo upang manalo. Hindi kailangang gumamit ng pera upang talunin ang iyong kalaban. Dahil free version ito, maaaring hindi mo ma-access ang lahat ng features. Gayunpaman, hindi ito masyadong big deal. Mae-enjoy mo pa rin ang laro. Ang pagkakaiba lang nito kapag premium version ang iyong nilalaro ay makikita mo ang statistics at scores at wala itong anumang mga ad.

Ang pakikipaglaro sa ibang players o iyong mga kaibigan ay nagdaragdag ng thrill sa laro. Dahil hindi sila AI, hindi predictable ang kanilang moves. Maaari silang magdagdag ng challenge sa pamamagitan ng paglalagay ng salita sa letter na pinaplano mong dugtungan o bigyan ka ng advantage sa pamamagitan ng paglaktaw sa kanilang turn. Mas nakaka-challenge ang paglalaro ng scrabble kung totoong tao ang iyong kalaban dahil may flaws ang mga ito. Bilang karagdagan, maaari kang umalis sa laro pagkatapos ng iyong turn dahil ino-notify ka nito kung nakapaglagay na ang ibang player ng kanilang sagot sa pamamagitan ng push notifications. Gayunpaman, hindi ka masisiyahan sa larong ito kung hindi active ang iyong kalaban.

Hindi nakatagpo ang Laro Reviews ng anumang mga problema habang naglalaro, kahit na ito ay isang online game. Ngunit asahan mong makakita ng ads sa larong ito dahil ito ay free version lamang. Ito ay isa sa mga paraan para kumita ng pera ang mga developer. Gayunpaman, sa pagkakaroon nito ng mga video ad break sa kalagitnaan ng paglalaro na minsan ay lalabas matapos mong ilagay ang tiles sa boardmaaari itong maging sagabal, lalo na kung kailangan mong mag-concentrate sa iyong susunod na move.

Konklusyon

Kahit na ito ay isang free version lamang, masisiyahan ka pa rin sa laro dahil magagamit mo ang karamihan sa features nito. Wala itong anumang pagkakaiba sa premium maliban sa ads at access upang makita ang statistics at iyong scores. Ito ay isang larong tumutulong sa iyong maranasan ang paglalaro ng Scrabble kahit nasaan ka man at mayroon pang additional features.Ito ay isa ring mahusay na paraan upang makipag-bonding sa iyong mga kaibigan dahil maaari mo itong laruin kasama sila. Ngunit kahit pa solo ka, masisiyahan ka pa rin sa paglalaro nito. Inirerekomenda ito ng Laro Reviews sa players na gustong maranasan ang Wordfeud ngunit hindi kayang makabili ng bilihin premium version.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...