World Building Craft Review

Ang World Building Craft  ay isang mobile game na may pagkakatulad sa Minecraft. Nilikha ang larong ito ng game developer na Candy Mobile. Bukod dito, ito ay isang open world sandbox game kung saan maaaring makapagpatayo ng kahit anong imprastraktura ang mga manlalaro gamit ang makukulay na mga block. Pwedeng-pwede ring magdagdag ng mga dekorasyon kagaya ng mga halaman, magagandang mga bulaklak, at mga alagang hayop sa palibot ng itinayong gusali.

Mayroong ding dalawang paraan sa pagpapatayo ng mga gusali. Kapag nagsisimula ka pa lamang sa laro, ang tanging pagpipilian mo lamang ay pindutin ang build option sa kanang bahagi ng screen ng iyong device. Ngunit kapag tuluy-tuloy na ang iyong laro at naaabot mo na ang matataas na game levels, maaari ka nang mabigyan ng pahintulot upang ma-access ang iba pang gusaling maaari mo nang tapusing itayo kagaya ng Fair, Ancient City, Park, Mansion at marami pang iba. Subalit magagawa mo lamang makapagpatayo ng mga pangarap mong gusali kapag mayroon kang sapat na in-game currency tuad ng gold, diamonds, at XP. Maaari ring gamitin ang mga ito upang mabuksan ang mga pre-designed building, bumili ng karagdagang blocks, o bumisita sa iba pang mga lokasyong pwedeng pagtayuan ng isang gusali.

Kung gusto mo namang magtayo ng sarili mong gusali gamit ang iyong sariling ideya at imahinasyon, pindutin lamang ang makikitang block sa pinakailalim na bahagi ng iyong screen at pagkatapos mong pumili ng iyong blocks na gagamitin, pindutin lamang ang ground upang makapagsimula ka na. Higit sa lahat, kailangang gamitin mo ang iyong pagiging malikhain upang makagawa ka ng mga kahanga-hangang mga gusali at ma-unlock ang iba pang mga feature sa ilang game levels.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para sa matagumpay na paglalaro, narito ang mga tip at tricks na dapat isaalang-alang ng isang manlalaro:

Kapag nagsisimula na sa paglalaro sa pre-designed building, pindutin lamang ang Build button na makikita sa kanang bahagi ng inyong device, pumili kung anong building ang iyong itatayo at magsimula na sa paglalagay ng mga block upang mabuo ito. Ngunit kung gusto mong matapos kaagad ang building na iyong pinili nang hindi mo na kailangan pang isa-isahing pindutin ang mga block, maaari mong gamitin ang iyong mga coin sa laro. Ngunit kapag ginawa mo ito, maaaring kulangin ang iyong pera upang makapag-unlock ng mga bagong building na itatayo.

Maliban sa coins, ang diamonds ang mayroong pinakamataas na value sa lahat ng in-game currency. Gamitin ito upang makabili ng mga aalagaang hayop kagaya ng mga baboy, pato, Hippopotamus, mga lobo, Giraffe, at iba’t ibang uri ng mga pananim. Sa kabilang banda, ang XP naman ay lubhang kinakailangan upang makapag-level up sa laro.

Sa kabilang banda, upang makatanggap ng Diamonds, Gold coins, at XP, kailangan mong tapusing gawin ang mga pre-designed na mga gusali sa laro dahil sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga gusali ka maaaring makatanggap ng mga nabanggit na in-game currency.

Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang World Building Craft  ay isang open world game para sa mga mobile device kaya maaari mong bisitahin ang iba’t ibang lokasyon upang magtayo doon ng sarili mong mga gusali. 

Maaari ka ring magpalit, mag-alis, at mag-refill ng block kung kinakailangan. Kung gusto mong mag-alis ng block sa building na naitayo na, i-long press lamang ito at i-hold pababa. Kung gusto mo namang magpalit ng block, pumunta lamang sa iyong inventory upang makapili ng gusto mong block na ipapalit. Samanta, sa pagre-refill naman ng mga block, kailangan mong mag-ipon ng coins upang magkaroon ka ng sapat na stock nito.

Mga Feature ng Laro

  • Map Sa pamamagitan ng feature na ito ng laro, maari mo nang mabisita ang iba’t ibang lokasyong balak mong pagtayuan ng iyong gusali.
  • Sprint Upang magkaroon ka naman ng kakayahang makatakbo nang mabilis, pindutin lamang ang sprint button upang mabilis na makatakbo sa ground.
  • Fly Mode Hindi lamang bilis ang maaari mong makuhang feature sa larong ito dahil sa tulong ng fly mode, magagawa mong makalipad upang mapadali ang pagpapatayo mo ng mga gusali lalo na kapag mataas ang mga ito.
  • Daily log-in Reward Hindi lamang sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga gusali ka maaaring makakuha ng mga reward dahil pupunta ka lamang sa main screen ng laro at pindutin ang calendar icon, makakakuha ka na araw-araw ng mga reward.

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar, hanapin lamang ang larong ito sa Google Play Store para sa mga Android user at i-download ang NoxPlayer sa PC para malaro ito. Samantala, hindi pa available ang larong ito para sa mga iOS user. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download World Building Craft on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hsyecheng.blockworldcraft

Download World Building Craft on PC https://www.bignox.com/appcenter/com-hsyecheng-blockworldcraft-pc.html

Pros at Cons ng Laro

Sa lahat ng mga craft building na larong maaaring nasubukan mo na, masasabi ng Laro Reviews na ang World Building Craft  na ata ang isa sa pinakamaganda na maaaring ikumpara sa tanyag na larong Minecraft. Sa karagdagan, sa larong ito mo lamang mararanasang magtayo ng kahit anong gusaling gusto mo nang hindi na kinakailangan pang gumastos ng pera. Napakaraming features ring tinataglay ang larong ito kaya hindi ka agad magsasawa sa paglalaro. Maliban pa rito, nakakatuwa ring pagmasdan ang mga alagang hayop sa iyong bakuran.

Sa larong ito, may kalayaan ka ring isakatuparan ang matagal mo nang pinapangarap na mga gusali kaya mas lalo itong nagbibigay sa’yo ng motivation upang magpatuloy sa paglalaro. Mainam din ang larong ito para sa mga bata upang mas lalong mahasa ang kanilang pagiging malikhain. Ngunit ang larong ito ay pwede rin sa kahit anong edad at kasarian dahil isa itong magandang pampalipas-oras na talaga namang magpapangiti sa iyong mga labi.

Sa kabilang banda, malayo pa sa pagiging perpekto ang larong ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Una, ang mga alagang hayop ay bigla na lamang nawawala pagkatapos mong i-exit ang laro. Pangalawa, totoong katamtaman lamang ang dami ng ads sa larong ito, ngunit ang glitching ay madalas namang nangyayari lalo na kapag naglalaro ka na sa ibang lokasyon.

Sa karagdagan, may mga pagkakataon ring sobrang bagal kumilos ng iyong in-game character kahit pa ginagamit mo ang feature na sprinter. Gayundin, nakakasagabal na rin ang labis-labis na mga puno sa paligid kaya minsan ay nahihirapan kang maglagay ng mga block.

Konklusyon

Naghahanap ka rin ba ng isang larong hindi lamang isang pampalipas-oras, ngunit magbibigay rin sa iyo ng motivation upang magsumikap sa buhay? Kung oo, walang pag-aalinlangang iminumungkahi ng Laro Reviews ang larong ito para sa iyo. Ilabas na ang iyong pagiging malikhain at itayo na ang matagal mo nang pangarap na bahay.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...