Zombie Towers Review

Isa ka sa huling grupo ng mga survivors sa buong planeta kaya ang layunin ninyo ay depensahan ang castle mula sa zombies. Ikaw ang magsisilbing lider ng army force. Kailangan niyo agad na makapagtayo ng towers upang magsilbing defense at proteksyon laban sa mga zombie. Handa ka na ba sa mabigat at matrabahong responsibilidad na ito?

Ang Zombie Towers ay isang strategy game na ginawa ng game developer na Edenap. Kung ang hilig mo ay ang human vs. zombies na mga laro, tamang-tama ito sa iyo. Sapagkat tulad ng nabanggit kanina, ang tungkulin mo ay palakasin ang depensa ng inyong army laban sa maraming waves ng zombies na pilit kayong inaatake. Pagpatuloy na basahin ang article na ito mula sa Laro Reviews upang malaman ang detalye tungkol dito.

Features ng Zombie Towers 

Merging System – Bukod sa pag-upgrade ng towers at workers, isa sa paraan upang lalong palakasin ang defense ng inyong army ay sa pamamagitan ng pag-merge ng towers. Kapag pinag-merge ang dalawang towers na nasa parehong level, magreresulta ito sa panibagong tower sa mas mataas na level. Habang nakikipaglaban sa zombies, pwede kang patuloy na mag-merge at magtayo ng panibagong towers.

Easy Gameplay – Napakadali ng gameplay at mechanics ng laro kaya hindi mahihirapan ang lahat ng manlalaro na matutunan ito. Ang kailangan lamang gawin ng manlalaro ay ihanda ang defense ng army laban sa maraming waves ng zombies sa pamamagitan ng pag-merge, pagtayo, at pag-upgrade ng towers. Maaari ka ring gumamit ng power-ups para lalong maging epektibo at malakas ang inyong depensa.

High-Quality Graphics – Isa sa maipagmamalaki ng laro ay ang maganda nitong graphics. Hindi nakakaduda ang pagiging creative ng disenyo nito kung saan kasama na rito ang animations sa laro. Bukod pa rito, nakakadagdag din sa kabuuang dating ng laro ang sound effects nito. Mas nakakalibang ang gameplay sapagkat sinamahan ito ng magandang background music.

Saan Pwedeng I-download ang Zombie Towers?

Sa bahaging ito ng article ituturo kung saan at paano i-download ang Zombie Towers. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede ka nang magsimula sa paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Zombie Towers on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.edenap.z2

Download Zombie Towers on iOS https://apps.apple.com/ph/app/zombies-vs-towers/id1545660538

Download Zombie Towers on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.edenap.z2

Tips at Tricks sa Paglalaro

Para makapagtayo ng towers, ang gagawin lamang ay i-tap ang markers. Pagkatapos nito, pupunta ang workers sa bawat tower para punuin ito ng ammo. Makikita mo ang status ng ammo sa progress bar na matatagpuan sa itaas ng tower. Sa umpisa ng iyong paglalaro, ilang towers pa lamang ang mayroon ka kaya kailangan mong magtayo ng mas marami pa bilang paghahanda sa labanan. Kapag natapos ka na sa lahat ng preparasyon, i-click lamang ang Start Wave sa ibabang bahagi ng screen upang magsimula ang laban. Makikita sa gilid nito kung ilang waves ang mayroon sa level na iyon.

Upang palakasin ang inyong force, ang isang paraan nito ay ipag-merge ang dalawang towers na may parehong level. Nang sa gayon ay mas magiging malakas at maganda ang stats nito dahil magiging mas mataas ang level ng panibagong tower. Halimbawa, kapag pinagsama ang dalawang may magkaparehong level na tower, mula sa isang gun ay magiging dalawang guns na ito. Pagdating naman sa storage, madadagdagan din ito mula sa 10 ammo ay magiging 20 ammo na ang mayroon ito.

Importante rin ang pag-upgrade ng iyong towers. Para magawa ito, i-click ang armory na nasa gitna ng outpost kung saan maaari mong i-upgrade ang iyong towers at workers. Sa bawat upgrade, mayroon itong kailangan na karampatang coins at gems. Magiging kulay gray lamang ang upgrades na hindi kayang bayaran ng iyong kasalukuyang coins at gems. May apat kang pagpipilian sa upgrades ng towers: Tower Range, Tower Damage, Tower Accuracy, at Tower Headshot. Isa-isahin natin ang epekto ng bawat upgrades sa lahat ng towers. Madadagdagan ang meter range sa Tower Range, pataasin naman ang HP sa Tower Damage, tataas ang percentage ng hit chance sa Tower Accuracy, at madadagdagan ang headshot chance sa Tower Headshot. Pagdating naman sa workers, maaari mong dagdagan ang kanilang bilang, speed, at carry. Tataas ang speed ng workers kada m/sec sa pag-upgrade nito, samantalang ang ammo naman ang madadagdagan sa pag-upgrade ng Carry.

Bukod sa pag-upgrade, makakatulong din sa iyong performance ang paggamit ng Power-ups. Kailangan mong ipagpatuloy ang paglalaro para ma-unlock ang lahat ng powerups. Mayroon kang apat ng powerups na pagpipilian na matatagpuan sa ibabang bahagi ng screen. Una, ang Tower Frenzy ay nagpapataas ng accuracy kung saan nagiging headshot ang bawat tira. Ang ikalawa naman ay ang Battle Drums na nagbibigay abilidad na maging triple ang tower damage. Ikatlo ay ang Nuke the Zombies kung saan pinapasabog nito ang zombies na dumarating. Pinakahuli ay ang Emp na binubuo ng Duration at Cooldown. 

Pros at Cons ng Zombie Towers 

Maganda ang graphics ng laro at hindi maipagkakaila ang pagiging creative ng disenyo nito. Dinagdagan din ito ng magandang sound effects. Mas nakaka-enganyo ang pakikipaglaban sa zombies dahil sa background music na iyong maririnig habang naglalaro. Nakaka-enjoy ang gameplay ng Zombie Towers lalo na kung ang hilig mo ay larong hindi gaanong komplikado. Nakakadagdag sa pagiging unique nito ay ang kakayahang mag-merge ng towers at upgrading systems. 

Gayunpaman, may mga ilang manlalaro na hindi ito nagustuhan dahil nakakapagod ang pag-merge lalo na’t may mga pagkakataon na sa iba ito napupunta kapag nai-drag mo ito bandang gitna ng dalawang towers. May iba namang gustong magkaroon ng feature na automatic merging dahil halos lahat ng gagawin mo sa laro ay ang pagmi-merge ng towers. Asahan din ang maraming ads na mararanasan habang ikaw ay naglalaro. Dagdag pa rito, mayroon ding chance na mainip ka sa paglalaro dahil wala gaanong variety na ino-offer ito sapagkat ang pagmi-merge at pag-a-upgrade lamang ang ginagawa mo rito.

Bukod pa rito, mayroon itong feature na offline mode kaya available pa rin ang laro kahit na hindi ka konektado sa Wi-Fi o mobile data. Tamang-tama itong laruin kung ikaw ay nasa labas habang naghihintay sa pila dahil hindi ganoong kakumplikado ang gameplay nito at tiyak na malilibang ka rito. 

Konklusyon

Kung hilig mo ang human vs. zombies games, siguradong mapupukaw ng Zombie Towers ang iyong interes at atensyon. Ang tungkulin ng manlalaro rito ay palakasin ang depensa ng army base laban sa napakaraming waves ng zombies sa pamamagitan ng merging system, upgrades, at power-ups nito. Mayroon din itong magandang graphics at sound effects. Kaya kung nakapasa ito sa iyong panlasa habang binabasa ang article mula sa Laro Reviews, i-download na ito sa iyong device! Pwede mo rin itong laruin kahit hindi konektado ang iyong mobile device sa Wi-Fi o mobile data dahil mayroon itong offline mode.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...