80 Days Review

Ang 80 Days ay halaw mula sa nobela ni Jules Verne na may pamagat na “Around the World in Eighty Days”. Umiikot ang istorya kay Phileas Fogg nang siya ay nakipagpustahan sa kanyang mga kasamahan sa Gentleman’s Club. Ang usapan ay dapat kayanin ni Fogg na libutin ang buong mundo at ligtas na makabalik sa London sa loob lamang ng 80 na araw. Bilang manlalaro, bubuhayin mo ang pagkatao ng isa sa pinakatapat niyang lingkod na si Passepartout. Dahil dito, gampanin mong tugunan ang mga pangangailangan ng iyong master. Subalit ang pinakalayunin ng laro ay tumuklas ng iba pang mga rutang maaari ninyong tahakin sa paglalakbay.

Mula rito, unti-unti mong makikilala ang iyong master. Kailanman ay hindi ka niya minaltrato o pinagsalitaan ng anumang masasamang salita, ngunit natuklasan mong wala siyang ideya kung paano maglakbay. Nakasalalay na sa iyo, bilang kanyang kanang-kamay, ang lahat ng desisyon. Gayunpaman, batayan pa rin ang kasiyahan at kaligtasan ni Fodd para masabing matagumpay ang inyong paglalakbay.

Features ng 80 Days

Dahil tungkulin mong gabayan si Fogg sa kanyang paglalakbay sa daigdig, mayroong Intuitive Map na magsisilbing gabay sa itinakda mong paglalakbay habang pinipili ang mga susunod na destinasyon. Madalas ding isalaysay ang kwento sa pamamagitan ng mga simpleng text upang bigyan ka ng ideya sa kapaligiran at mga nangyaring kaganapan. Ang lahat ng ito ay nasa perspektibo ni Passepartout na nakatala sa kanyang talaarawan. Paminsan-minsan ay nagbibigay rin siya ng bakas bilang konotasyong siya ay may isinusulat. Nasa iyong mga kamay kung paano dadaloy ang takbo ng istorya. Bukod pa rito, maaari mo ring mabago nang bahagya ang pananaw ni Passepartout sa ilang mga bagay-bagay. Pwede itong magdulot ng maliit o malaking pagbabago sa laro. Habang lumalalim ang iyong paglalakbay, mas marami kang matutuklasan tungkol sa nananaig na kaisipan sa politika, teknolohiya, at giyera. 

Madalas ay makararanas ka rin ng Side Stories habang binabagtas ang mundo. Maaari kang tumulong sa iba o kaya naman ay magkaroon ng maiksing interaksyon sa ibang tao habang hinihintay na makarating sa susunod na destinasyon. Ngunit tandaan na ang mga ito ay hindi makabubuti para sa iyo at kay Fogg. Mabuti na lamang, isa sa feature ng laro ay hindi masyadong delikado kung sakali mang masangkot ka sa mga hindi inaasahang pangyayari. Halimbawa ng isang Side Quest na maaari mong maranasan ay ang pagkahuli ng iyong karakter na ginagamit ng grupo ng mga bandit. Dahil ikaw ay isang dayuhan, hindi ka pamilyar sa kinagawian at kultura ng bansang inyong pinuntahan. Ang tinutukoy ng Laro Reviews na hindi ito masyadong magiging panganib ay dahil may mga pamamaraang makakatakas kayo sa nakaambang panganib. Sa sitwasyong ito, ang babaeng naatasang bantayan kayo ay nahumaling sa iyong boss dahil sa pagiging maginoo at marespeto ito. Dahil diyan, nakonsensya ang babae at nagpasyang kayo ay palayain.

Saan Pwedeng I-download ang 80 Days? 

Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store naman para sa iOS users. Ilagay ang 80 Days sa search bar at hanapin ang laro sa search results. Dahil isa itong premium game, kailangang magbayad ng aktwal na pera bago makapagsimula. Nagkakahalaga ito ng $5.99 para sa Android users, samantalang mas mura ang babayaran ng mga iOS user na nagkakahalaga ng $4.99. Hintaying matapos ang pag-download tsaka buksan ang app. Kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-in details. Kapag nagawa mo na ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download 80 Days on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.inkle.eightydays&gl=US

Download 80 Days iOS https://apps.apple.com/us/app/80-days/id892812659

Download 80 Days on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/80-days-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng 80 Days, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang official website. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Dahil sa kawalan ng aktwal na panganib pagdating sa Side Stories, hinihikayat ng Laro Reviews na kunin ang oportunidad na ito ng mga manlalaro na maging sangkot sa mga kaguluhan. Huwag mag-alala dahil magiging ligtas ang iyong karakter at si Fogg anuman ang mangyari. Kung mapapansin sa mga tipikal na palabas, kahit anong panganib na suungin ng bida ay magiging ligtas ito kinalaunan. Ganoon din sa 80 Days, kaya mapanatag ka lamang at pasukin ang lahat ng posibleng adventure para sa mas kapanapanabik na gaming experience. 

Siguraduhin ding laging mayroong ekstrang perang nakatago. Bagama’t mayaman si Fogg at hindi isyu ang pera, napakamahal pa rin ng magagastos upang malibot ang buong mundo. Ang bawat siyudad na inyong mabibisita ay mayroong market kaya tiyaking puntahan ang mga ito. Dito mo mabibili ang mga kagamitang sa tingin mo ay magagamit ninyo sa paglalakbay. Bukod pa rito, ito rin ang lugar kung saan maaaring ibenta ang kagamitang mayroon ka kapalit ang mas malaking kita. Laging tandaan na may mga ruta at may mga transportasyon na mas mahal kumpara sa iba kaya laging maging handa sa mga hindi inaasahang gastos. Dagdag pa rito, may mga pagkakataon ding kailangan mong magbigay ng suhol para magtagumpay. 

Huwag ding magmadali masyado na maabot ang 80 na araw dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari, kakaiba ang takbo ng oras sa tuwing ikaw ay naglalakbay sa pagitan ng mga destinasyon. Mas mainam kung i-enjoy mo ang laro at tuklasin ang mga nakatagong scenarios. Siguraduhin mo lamang na kunin ang lahat ng mga posibleng gamit na maaari mong maitago sa iyong luggage. Halimbawa na lamang kapag pumunta kayo ng North Pole. Matinding kalamigan ang mararanasan dito at posibleng ma-frostbite. Bababa ang enerhiya ni Fogg at malalagay ka sa alanganin dahil hindi mo nagagampanan nang maayos ang iyong responsibilidad. Ngunit, halimbawang may alak kang nakuha mula sa mga nakaraang lugar na iyong napuntahan, makatutulong ito upang mapanatili ang init sa inyong mga katawan. 

Pros at Cons ng 80 Days

Pinapalawak ng 80 Days ang imahinasyon ng mga manlalaro nito. Dahil nakaangkla ang kalakhan ng laro sa sulat o text, binubuksan nito ang isipan na kagaya rin ng isang nobela. Halimbawa nito ay ang moda ng transportasyon at kung paano ito ipinaliwanag sa laro. Mayroong iba’t ibang pamamaraan para kayo maglakbay. Nariyan ang tren, barko, o minsa’y may magarbong mekanikal na elepante na pinapagana ng isang makapangyarihang crystal. Makikita rito ang isang mundong labas sa reyalidad ng buhay dahil hinaluan din ito ng pantasya. 

Isa sa mga hindi magandang dulot sa pagiging minimalist ng 80 Days ay ang simple rin nitong graphics na tipong nahihirapan na sa pagtukoy ang mga manlalaro kung nasaan nga ba ang kanilang aktwal na lokasyon sa Intuitive Map. Gayunpaman, kapag ikaw ay lilipat na sa susunod na destinasyon ay makikita mo na ang inyong lokasyon sa mapa at mga na-unlock na ruta mula sa mga napagdaanang lugar. Ngunit hindi pa rin magiging madali ang pagtukoy kung saan kayo susunod na mapupunta dahil magkasingtulad ang itsura ng lupa at dagat. Lalo na sa mga hindi kilalang lokasyon sa bansa, mas mahirap matukoy kung nasaang lupalop ka na ng mundo. 

Wala rin masyadong hamong naibibigay ang 80 Days dahil anuman ang mga hindi inaasahang pangyayari ay mauuwi pa rin ito sa pagiging ligtas ng inyong mga karakter. Bagama’t nagdudulot ito ng pagiging kampante na suungin ang lahat ng Side Stories sa laro, nawawala ang esensya ng aktwal na paglalakbay. Dahil dito, maaaring matapos ang laro sa loob lamang ng tatlo hanggang limang oras. 

Konklusyon 

Mayroong kalayaang matatamasa sa paglalaro ng 80 Days na tila ba ikaw ang may kontrol sa iyong kapalaran. Bagama’t may mga hindi inaasahang pagkakataon, makikitang nakaangkla pa rin ang takbo ng istorya sa nobelang pinagbasehan nito. May mga siyudad na mapapansing malaki ang naging impluwensya sa nobela at kung paano ang magiging daloy nito. Sa kabilang banda, dahil madaling malampasan ang mga nakaambang panganib, wala masyadong hamong naidudulot ang laro. Madali lang din itong matapos. Mairerekomenda ng Laro Reviews ang 80 Days para sa mga manlalarong nais ng chill at mahilig sa mga larong punung-puno ng istorya. Kung sa tingin mo ay swak ang mga nabanggit na kwalipikasyon para sa iyo, i-download na ang 80 Days!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...