Carrom Friends: Board Game Review

Pamilyar ka ba sa larong Carrom? Isa itong tabletop game na nagmula sa South Asia, partikular na sa India at alam mo bang ang kahulugan ng salitang carrom ay strike at rebound. Kilala rin ito bilang Karrom o Caram, kung saan ito ang Indian version ng pool billiards. Maituturing itong bahagi ng tradisyon sa maraming pamilya. Magkakasamang naglalaro ng Carrom ang magkakamag-anak, kahit ang mga bata. Kaya naman kung isa ka sa mga kinalakihan ang paglalaro nito, tiyak na masisiyahan kang laruin itong muli gamit lamang ang iyong mobile phone!

Kung interesado ka pang malaman ang tungkol sa larong ito, siguraduhing basahin hanggang dulo ang article na ito. Bukod sa pagtalakay kung ano ang features, pros, cons, at kung paano i-download ang laro, magbibigay rin ng eksklusibong tips at tricks ang Laro Reviews. 

Features ng Carrom Friends: Board Game 

Three Game Modes – Mamili sa magkakaibang game modes na maaaring ma-enjoy ng manlalaro. Narito ang detalye sa bawat game mode:

  • Carrom Mode – Ito ang classic Carram board game kung saan kailangan mong mai-pocket ang queen at takpan ito gamit ang isa sa iyong pucks sa Caram dice pool.
  • Pool Disk – Maaari kang maglaro ng Carram board game ng wala ang queen. Kaya naman sa mode na ito, pwedeng diretso nang mai-pocket ang lahat ng pucks upang agad na manalo.
  • Point Game – Paramihan dito ng pucks na mai-pocket ng dalawang manlalaro. May katumbas na puntos ang bawat kulay ng pucks. Ang unang makaka-score ng 120 points ang mananalo.
  • 2 vs. 2 Mode – Makipaglaban ng Carrom board game sa multiplayer game mode. Binubuo ang laban ng dalawang teams na may dalawang manlalaro.

Multiple Lobbies – Sari-saring lugar ang maaari mong mapuntahan sa paglalaro. Narito ang lobbies mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na kabilang sa laro: Delhi, Riyadh, Dubai, Las Vegas, Singapore, London, Sydney, at Mumbai.

Customize Your Carrom Board – Kabilang sa laro ang pagkakataong i-customize ang gagamitin sa paglalaro ng Carrom board. Maaaring mamili ang mga manlalaro mula sa anim na magkakaibang boards, pucks, at striker. Ikaw ang bahala sa pagpili nang ayon sa iyong kagustuhan. Dagdag pa rito, mayroong 36 strikers at pucks ang pwedeng ma-unlock sa laro.

Offline Mode – Walang makakahadlang sa paglalaro dahil kahit hindi konektado sa Wi-Fi o mobile data, libre pa ring makakapaglaro nito kahit nasaan ka man. Mamili kung alin sa apat na game modes ang lalaruin sa pamamagitan ng offline mode nito, kabilang dito ang Black and White, Pool Disk, Point Game, at Practice. Maaari itong magsilbing pagsasanay sa mga bagong manlalaro bago sumabak sa online na labanan. Tamang-tama rin itong laruin para magsilbing libangan kapag naghihintay sa pila sa labas at walang internet connection. 

Saan Pwedeng I-download ang Carrom Friends: Board Game?

Narito ang Laro Reviews upang ituro kung saan at paano i-download ang Carrom Friends: Board Game sa mobile phone. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS at PC devices. Pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Ayan, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Carrom Friends: Board Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.yoozoogames.carromfriendsboardgames

Download Carrom Friends: Board Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/carrom-friends-board-game/id1481469111

Download Carrom Friends: Board Game on PC https://www.gameloop.com/game/sports/com.yoozoogames.carromfriendsboardgames

Tips at Tricks sa Paglalaro

Binubuo ang laro ng dalawang manlalarong magkalaban, kung saan nakapwesto sa gitna ng board ang labindalawang pirasong pucks na nakapalibot sa kulay pulang Queen na nasa sentro nito. Mayroong tig-anim na pucks ang bawat manlalaro, kadalasang itim at puti ang batayan ng kulay nito. Tuluy-tuloy lang ang tira ng manlalaro kapag nai-pocket ng striker ang Queen o kahit isang pucks sa kulay na naka-assign sa kanya. Matatapos lamang ang turn niya kapag walang nai-pocket na kahit anong piraso o kapag nakagawa ng foul. Importanteng matutunan muna kung paano ito laruin, lalo na para sa mga manlalarong unang beses pa lamang itong malalaro. Kaya ang una nating tatalakayin ay ang rules nito. 

Sa pag-strike, kontrolado ng manlalaro kung saan niya ipoposisyon ang striker, kung sa pagitan ng baseline o alinman sa dalawang bilog na nasa magkabilang dulo ng baseline. I-adjust ang pwesto ng striker gamit ang slider na nasa ibaba ng screen. Pindutin ang striker tsaka ito i-drag para mai-target ang nais mong tirahin. Pagkatapos ay i-release ito para tuluyang makatira ang striker kung saan ito itinapat. Maaari mong kontrolin ang magiging power ng pagtira mo depende sa layo ng iyong pag-drag sa striker.

Kapag isang piraso na lang ng pucks ang natitira sa iyo, ang susunod na kailangang mai-pocket ay ang Queen. Kapag nagawa ito, dapat ay sunod na ma-cover kaagad ang Queen gamit ang kahit anong kulay ng pucks. Ang unang makakagawa nito ang tatanghaling panalo sa laban. Kapag naman nai-pocket mo ang Queen ngunit hindi mo ito na-cover, maibabalik muli ito sa Carrom board. 

Iwasang gumawa ng kahit anong foul. Bukod pa rito, maikokonsiderang foul kapag nai-pocket ang striker. Magreresulta ito sa karagdang pucks sa tuwing makakagawa ka ng foul. Kapag ganito, mahihirapan kang manalo dahil parami ng parami ang piraso na kailangan mong i-pocket lalo na kapag dikit ang labanan. Dagdag pa rito, iwasang i-pocket ang pucks ng kalaban dahil mapupunta lamang ang puntos sa kanila at maaaring maging sanhi pa ito para mas mabilis silang manalo.

Pros at Cons ng Carrom Friends: Board Game 

Nakaka-enjoy laruin ang Carrom Friends: Board Game. Nakakatuwa rin ang sound effects sapagkat makatotohanan itong pakinggan. Nakakadagdag-kasiyahan ang maraming game modes nito dahil hindi nalilimitahan ang mga manlalaro sa pagpili kung alin ang lalaruin. Gayundin, magkakaiba ang mechanics ng bawat mode kaya mas nakakadagdag-challenge ito sa paglalaro ng Carrom. Bagaman nakakatulong ang tutorial sa simula, masasabi kong masyado itong maiksi at hindi naipaliwanag ng maayos kung ano ang layunin ng laro. Nakasalalay na sa manlalaro para madiskubre ito nang mag-isa o dapat ay may kaalaman ka na sa paglalaro ng Carrom. Dahil sa offline mode nito, posible itong laruin kahit walang internet connection kaya tamang-tama ito kung nais na magpalipas ng oras habang naghihintay sa labas.

Maraming manlalaro ang nagsasabi na halatang bots ang nakakalaban nila sa laro dahil kaya nilang tapusin ang laro ng wala pang isang minuto. Isa pang indikasyon na bot ang kalaban ay hindi na nila kailangang puntiryahin ang target na pucks ngunit tagumpay pa ring naipa-pocket ito. Bukod sa hindi patas ang laban, madali pang mabawasan ng coins ang manlalaro tuwing natatalo. Isa pa sa cons ng laro ang napakadalas na error tuwing gusto kong manood ng ads para makatanggap ng extra coins. Palagi na lamang No Ads Found ang lumalabas sa screen. Gayunpaman, may karanasan naman ang iba kung saan may biglang lumalabas na ads pagkatapos nilang manalo sa laro.

Konklusyon

Nais mo bang balikan ang iyong nakalakihang Carrom board game? Huwag nang mag-alala pa dahil maaari mo na itong laruin gamit ang iyong mobile phone sa Carrom Friends: Board Game. Ito ay real-time at family-friendly na online Carrom board game kung saan maituturing itong replica ng tradisyunal na Carrom. Kahit na unang beses mo pa lang itong lalaruin at wala ka pang sapat na kaalaman dito, hindi ito magiging sagabal upang ma-enjoy ang paglalaro. Madaling matutunan ang gameplay at mechanics nito kaya siguradong mapapatagal ang iyong paglalaro dahil hindi mo mamamalayan ang oras. Asahan nga lang ang pakikipaglaban sa bots dahil talamak itong nararanasan ng maraming manlalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...