Top Football Manager 2022 Review

Sa larong tatalakayin ng Laro Reviews, mararanasan ng manlalaro ang maging isang manager ng football team! Patuloy na basahin ang article para malaman ang tungkol dito.

Ang Top Football Manager 2022 ay isang sports game na may 3D graphics mula sa Gamegou Limited. Kung pangarap mong maging coach ng 11 star players na ang layunin ay maging champions, ito na ang iyong pagkakataon! Bukod sa pag-train ng kasalukuyang players, tungkulin ng manlalaro bilang manager ang maghanap at mag-recruit ng players na kakailanganin ng team. Kabilang dito ang pag-bid para makuha ang mahusay na player na nais mong mapabilang sa inyo.

Gameplay ng Top Football Manager 2022

Ang bawat level sa League ay binubuo ng 14 teams na maglalaban-laban sa isa’t isa. Kasama ang iyong team sa makikipaglaban sa isang League Match kada araw. Importante ang mapanatili ang mataas na rankings sapagkat sa pinakadulo ng League season, ang Top 7 clubs ang tanging mapo-promote sa susunod na league. Kapag naman ang average abilities ng iyong 11 na pinakamahusay na players ay mahigit pitong stars, magiging daan ito para ma-promote ang iyong team sa higit sa isang league level. Ang mga makakasama sa Champions League ay ang teams na kabilang sa Top 4 sa League. 

Makikita sa League Info ang impormasyon sa League Match fixtures o ang oras kung kailan gaganapin ang laban. Nakalagay rito ang dalawang teams na maglalaban pati ang date at ang partikular na oras kung kailan ang kanilang match. Pagdating naman sa team management functions, pindutin ang papel na button sa kanang itaas ng screen. Makikita mo rito ang listahan ng tasks na dapat mong gawin bilang manager. Kapag nakumpleto na ang isang task, doon mo na pwedeng i-claim ang rewards nito. Pagkatapos nito ay ang susunod na task naman ang gagawin mo. Pindutin ang Go button para gawin ang bawat task.

Saan Pwedeng I-download ang Top Football Manager 2022?

Dito ituturo ng Laro Reviews kung saan at paano i-download ang Top Football Manager 2022. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS devices at PC. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Ayan, pwede ka nang magsimula sa paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Top Football Manager 2022 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gamegou.football

Download Top Football Manager 2022 on iOS https://apps.apple.com/us/app/top-football-manager-2020/id1068396437

Download Top Football Manager 2022 on PC https://www.gameloop.com/game/sports/top-football-manager-2021-on-pc

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang bilang ng stars ang indikasyon kung gaano kagaling ang isang player. Kapag mas maraming stars, ibig sabihin ay mas malakas ang abilities nito. May ilang players ding nagtatangi ng special skills. Kapag pinindot ang Formation sa Team, dito mo isasagawa ang iyong tungkulin bilang manager. Maaari mong i-adjust ang Formation at Tactics. Para mag-substitute ng players, i-hold at i-drag ang player papunta sa bago niyang posisyon. Huwag kalimutang i-save ito sa pamamagitan ng check button sa kanang ibaba ng screen para ma-update ang bagong formation ng squad. Nakakatulong ang substitution para gawing priority sa lineup ang mga magagaling na player. Halimbawa, may makita kang magaling na player na nasa bench, mainam na ilagay siya sa starting lineup. Ang dami ng stars ang magiging indikasyon sa galing ng bawat player. I-substitute kaagad ang 3-star player na nasa bench at ilipat siya sa pwesto ng isang 2-star player. 

Tignan ang training interface. Makikita mo ang dalawang bar na kulay berde at dilaw, kung saan ito ang Energy at Progress. Mababawasan ang energy ng player kapag sumailalim siya sa training. Napakahalaga ng papel ng energy dahil kapag mababa ang energy ng isang player, magreresulta rin ito sa mahinang performance sa matches. Bukod pa rito, hindi mo rin maaaring i-train ang player na may energy na mas mababa sa 30%. Pagkatapos ng training, mapapansing tataas ang training progress ng player. Kapag umabot ito ng 100%, makakatanggap ang player na iyon ng ability bonus. Napakadali lang ang pag-train sa players, kailangan mo lang i-click ang Train button sa ibaba ng screen kapag nasa maayos na kondisyon ang lahat.

Maaari kang mag-bid ng ibang player sa Market upang makakuha ng karagdagang players at palakasin ang team. Kapag nakahanap ka ng magaling na player na babagay sa iyong squad, mainam na maglagay ng bid sa kanya. Makukuha mo ang player na iyon kapag ikaw ang pinakamataas na bidder hanggang sa matapos ang countdown.

Para sa mga bagong manlalaro, importanteng pagandahin ang iyong team para magkaroon ng interes na makipaglaban sa inyo ang mga manlalarong nasa mas mataas na level. Ang posibleng solusyon dito ay ang pag-sign in ng players na may mas maraming stars, tulad ng 4-star players. 

Makikita mo ang partikular na oras kung kailan magsisimula ang match. Bago ka sumabak sa kahit anong laro, siguraduhin mo munang mataas ang Energy at Morale ng players. Habang nakikipaglaban sa match, may pagkakataon kang gumawa ng tatlong substitutions sa buong laro. Gawin ang nais na adjustments sa Formation button. Pakinabangan din ang pagkakataong tignan ang impormasyon tungkol sa kalaban, nang sa gayon ay may batayan ka para sa gagawing plano sa magiging tactics ng team. Kaya mahalagang i-adjust ang Tactics. Kabilang dito ang Mentality, Passing Style, Defensive Aggression, Formation Width, Defense Line, Attack Direction, at Attack Pattern.

Pros at Cons ng Top Football Manager 2022 

Labis na nakakatulong ang tutorial sa simula ng laro. Kaya kahit wala kang masyadong kaalaman sa football, partikular na sa pagiging team manager, madali mong matututunan ang kailangan mong gawin. Malinaw ang pagkakatalakay at napasadahan ang lahat ng parte. Maganda rin ang 3D graphics nito pati ang sound effects ng laro. Nakakatuwa rin ang feature nito kung saan maaari mong i-customize ang badge at jersey ng team. Ikaw ang bahala sa paggawa ng badge para sa iyong squad! Gawin ang style nito sa pamamagitan ng pagpili ng shape, pattern, icon, at ang kulay ng badge. Bukod pa rito, maaari mo ring i-customize ang disenyo ng magiging jersey ninyo. Sisimulan mo sa pagpili ng style, pattern, at color combination nito.

Narito ang mga cons na mapapansin sa laro. May konting grammatical errors sa English language dito. Inaangal din ng mga manlalaro ang maraming bugs nito. May pagkakataon kung saan kusang nagbabago ang team kaya walang choice ang manlalaro kundi ibalik ito sa dati sa tuwing binubuksan niya ang app. Bagaman nakaka-enganyo itong laruin, masyadong mahal ang halaga ng players. Hindi rin nagustuhan ng ilan ang pagiging limitado sa isang match ang pwedeng laruin kada araw. Hindi lamang ito, pahirapan ang pagkakaroon ng coins. Bukod pa rito, may mga kaso kung saan biglang nawala ang progress ng manlalaro sa kanyang account. Pagdating naman sa match, may mga pagkakataong kahit nakakaranas ng fouls ang players na naging sanhi ng injuries, hindi nabibigyan ng card ang opponents nila. Dahil sa mga nakasaad na cons, nagtutulak ito sa ilang manlalaro para i-uninstall ang app sa kanilang mobile devices.

Konklusyon

Ang Top Football Manager 2022 ay isang simulation game ng pagiging manager ng football team. Layunin ng manlalaro ang bumuo ng mahuhusay na star players para tanghalin bilang champions sa bawat League. Kung ang sport na ito ang iyong hilig, tamang-tama sa iyo ang larong ito! Malaki ang potensyal nito dahil nakaka-enganyo itong laruin at tunay na nakakatulong ang tutorial nito kumpara sa ibang mga laro. Gayunpaman, maraming mga isyu ang nararanasan ng mga manlalaro kaya mainam kung ikokonsidera ito ng game developers na ayusin.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...