Pro Pool 2022 Review

Kung naghahanap ka ng mga larong bilyar, ang karamihan sa mga resulta ay nagpapakita ng 8-pool games. Casual offline man o competitive online games, karamihan ay may katulad na rules. Gayunpaman, hinigitan ng developer na iWare Designs Ltd. ang ibang mga developer sa pamamagitan ng pagsasama ng pitong uri ng pool games sa isang application na pinangalanang Pro Pool 2022.

Hindi tulad ng ibang mga laro, kung saan maaari ka lang maglaro ng 8-Ball pool, ito ay nakakatulong sa iyong malaro ang 9-Ball pool, 10-Ball pool, Black Ball pool, World 8 Ball pool, 14.1 Continuous pool, at 61 Rotation pool. Wala itong pangunahing layunin kundi ang sundin ang mechanics ng larong bilyar sa totoong buhay. Bilang karagdagan, ang mga tampok nito ay nagpapahintulot sa mga manlalarong laruin ito kasama ng kanilang mga kaibigan o kanilang pamilya.

Features ng Pro Pool 2022 

Practice Game – Ikaw lang ang manlalaro sa mode na ito, kaya walang AI o iba pang naglalaro sa halos lahat ng oras. Walang anumang mga patakaran sa kung anong bola ang dapat mong i-pot muna. Ang layunin nito ay pahusayin ang iyong accuracy at mga skill sa pagpuntirya.

Quick Play Game – Maaari itong magkaroon ng hanggang dalawang manlalarong maglalaban sa isa’t isa sa isang round. Gayunpaman, makikipaglaro ka sa isang AI kung pipili ka ng isang manlalaro.

Tournament Event – Ikaw at ang iba pang labinlimang AI na manlalaro ay lalaban sa isang 1v1 na labanan. Ang mga talunang kalahok ay aalisin, at ang mga nanalo ay magpapatuloy sa susunod na round. Ang mga knockout round ay magpapatuloy hanggang sa maglaro ang dalawang manlalaro laban sa isa’t isa. Ang huling manlalarong nanalo sa final round ang unang pwesto. Maaaring i-save ang event at maaari kang magsimula ng bagong paligsahan. Gayunpaman, kakailanganin mong manood ng isang ad upang laruin ang iyong susunod na laban.

League Event – Sa mode na ito, lahat ng manlalaro ay maglalaro laban sa isa’t isa sa bawat round. Ang bawat isa sa kanilang mga score ay bibilangin sa dulo, at kung sino ang makakuha ng pinakamataas na score ang mananalo. Katulad ng Tournament Event, maari mong i-save at simulan mo ang League. Bukod dito, maaari ka lamang maglaro sa susunod na laban kung manonood ka ng isang ad.

Online at Multiplayer – Maglaro laban sa iba pang mga manlalaro sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang mga mode nito.

  • Pass & Play – Nakakatulong ito sa iyong maglaro ng bilyar kasama ang iyong mga kaibigan o pamilya gamit ang isang device lang.
  • Online Game – Ipagmalaki ang iyong galing habang nakikipaglaban ka sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo sa pamamagitan ng internet.
  • Network Game – Hindi tulad ng Online Game, magkakaroon ka ng laban sa pamamagitan ng isang local network.

Saan pwedeng i-download ang Pro Pool 2022?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Pro Pool 2022 sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lamang ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaring ma-download ang laro:

Download Pro Pool 2022 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.iwaredesigns.propool2012

Download Pro Pool 2022 on iOS https://apps.apple.com/us/app/pro-pool-2022/id556429076

Download Pro Pool 2022 on PC https://www.gameloop.com/game/sports/com.iwaredesigns.propool2012

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Maaari kang mahirapan sa paglalaro, lalo na kapag wala kang anumang karanasan sa paglalaro ng bilyar. Kaya gamitin ang mga tip na ito upang maiwasan ang paggawa ng illegal moves sa iyong susunod na gameplay.

Tingnan ang iba’t ibang mga anggulo.

Makakatulong ito sa iyong kalkulahin at hanapin ang landas ng mga bola. Ang top-down perspective o ang bird’s eye view ay ang pinakamagandang anggulo.

Laging i-chalk ang cue stick.

Mapipigilan nitong madulas ang iyong cue stick. Maiiwasan din nito ang mga bigong shot at miscues. Ugaliing i-click ang chalk button pagkatapos ng iyong mga turn upang hindi mo makalimutang gawin ito.

White outlines.

Maaari kang makakita ng isang mensaheng nagsasabing gumawa ka ng isang illegal move. Nangyayari ito dahil ang iba’t ibang mga laro sa pool ay may iba’t ibang rules. Tingnan ang outlines ng mga bola kung wala kang ideya kung anong bola ang susunod mong i-cue. Pagkatapos nito, patamaan sila kung mayroon silang mga puting bilog at iwasan sila kung mayroon silang mga pulang bilog.

Mag-practice ng iyong pag-aim.

Ang pinakapangunahin ngunit pinakamadaling gawing tip upang mapahusay ang iyong mga skill. Matututo ka pa tungkol sa paggamit ng control dahil ikaw lang ang naglalaro sa mode na ito.

Pros at Cons ng Pro Pool 2022 

Hindi nagsisinungaling ang mga developer nang nangako silang magkakaroon ng makatotohanan at playable na pool game. Nagmimistula kang naglalaro ng billiards sa totoong buhay dahil sa high-end graphics nito. Bilang karagdagan, maaari mo ring i-customize ang pool, ang cue stick, at ang style ng iyong mga bola. Pagod ka na ba sa makalumang pool table na may berdeng baize at brown na riles? Kung gayon ay magdagdag ng thrill sa pamamagitan ng pagpili ng iyong nagustuhang mga kulay at materyales. Kung gusto mo ng higit pang mga hamon, maaari mong baguhin ang hugis ng table. Hindi kailanman magkakaroon ng dull moments dahil masisiyahan ka sa iba’t ibang mga disenyo nito.

Ang laro ay may mas direktang mga kontrol, kaya ang mga bagong manlalaro ay matututong laruin ito. Ang feature na ito ay nakakatulong sa iyo upang laruin ito kasama ng iyong mga kaibigan o pamilya kahit na hindi sila magaling sa paglalaro ng billiards. Bukod dito, ang pagsasaayos kung gaano kalakas ang pagtama mo sa cue ball ay nagpapadali sa paglalaro.

Hindi nakatagpo ng anumang mga problema o pag-crash ang Laro Reviews sa laro. Ito ay maayos na tumatakbo kahit na ito ay nasa mataas na graphics. Gayunpaman, malaki ang tsansang matalo ang mga bagong manlalaro kung maglalaro sila laban sa AI. Kahit na piliin mo ang amateur para sa difficulty, ang iyong kalaban ay maaari pa ring mag-pot o maglagay ng bola sa pocket nang tatlo o higit pang mga turn. Kaya naman mas maganda kung aayusin nila ang kakayahan ng AI.

Konklusyon

Sa kabila ng maliit na drawback, ang Pro Pool 2022 ay isang larong bilyar na maaaring laruin ng sinuman. Wala itong kumplikadong kontrol, kaya tatagal lamang ng ilang minuto upang matutunan kung paano ito laruin. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito para sa mga manlalarong naghahanap ng mga pool game na may mataas na graphics at simpleng mechanics. Maaari mo itong malaro offline, ngunit ang multiplayer mode ay nangangailangan ng isang stable internet connection.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...