Catch Zombies Alive Review

Sumali na sa amin sa nakakatuwang pakikipagsapalaran na ito sa mundo ng Catch Zombies Alive! Mangolekta tayo ng mga bagong gamit sa pangangaso at barilin ang lahat ng nakakatakot na zombie na nasa harap natin. I-upgrade at pagsamahin ang mga armas upang maging mas malakas; gumamit ng mga bitag at props para tulungan ka sa mahihirap na level, at gamitin ang mga zombie para gumawa ng masarap na fruit milk tea at ihain ito sa mga gutom na customer sa iyong bagong negosyong drive-through milk tea! Mayroong ilang mga nakatutuwang aktibidad na maaari mong gawin dito, at huwag mag-alala; lahat ay madali at hindi kumplikado! I-tap lang at i-slide para tumira. Oo, iyon lang. Kaya bilisan mong kunin ang iyong sandata, at tayo na!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay madali lamang. Ang kailangan mo lang gawin ay i-clear ang bawat wave ng mga zombie para i-clear ang stage. Sa buong laro, nakatayo ka sa isang area na may dalang sandata, naghihintay para sa mga zombie na umahon mula sa lupa. Sila ay may iba’t ibang anyo. Habang nilalabanan mo ang mga halimaw na ito, nangongolekta ka ng mga item tulad ng mga bitag, props, at anumang bagay na makakatulong sa iyong manalo. Ito ay unti-unting magiging mas mapanghamon, kaya maging alerto. Kung ayaw mong mamatay, wag mong hayaang makalapit sila sa iyo! Lumaban para sa iyong buhay at mabuhay!

Paano ito laruin?

Ang pagsisimula sa larong ito ay sobrang simple. Kunin ang iyong device at dumiretso sa lokal na app store na available sa iyong device. Pagkatapos ay i-download at i-install ang laro. Ito ay isang free-to-play na application na maaaring laruin kahit na walang koneksyon sa internet. Maaari kang maglaro kaagad nang wala nang anumang aksyon. Sasanayin ka nitong gamitin ang mga simpleng kontrol, na simpleng pag-tap at pag-slide ng iyong daliri lamang ang pangunahing kontrol para mag-target. Ang iyong karakter ay mananatiling nakatayo habang may hawak na sandata, at siya nga pala, ang iyong unang sandata ay parang pistol, na may kaunting bala lamang.

Awtomatiko itong magre-reload kapag nagamit mo na ang lahat ng mga bala, o maaari mo itong manu-manuhing i-reload kung gusto mo. Ito ay isang idle na laro kung saan dapat mong asahan na mayroong maraming mga feature ng automation. Kusa kang bumabaril, nangongolekta ng mga item, at nagre-reload. Maaari kang mag-fuse ng mga magkatulad na armas para mapahusay ang kalidad ng iyong baril. Posible rin dito ang pag-upgrade ng mga armas. Ito ang mga pangunahing bagay na dapat mong malaman upang makapagsimula rito. Ito ay talagang madali at maaari mong matututunan ang lahat kahit na walang tutorial. Subukan ito ngayon at tingnan natin kung hanggang saan ang iyong makakaya.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Catch Zombies Alive sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Catch Zombies Alive on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bibiboom.catchzombiesalive

Download Catch Zombies Alive on PC https://www.99images.com/apps/casual/com.bibiboom.catchzombiesalive/download-for-pc-windows-mac

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Catch Zombies Alive

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Catch Zombies Alive. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Catch Zombies Alive!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Catch Zombies Alive 

Sa bahaging ito, itatampok ng Laro Reviews ang ilang mahalagang tips upang tulungan kang matalo ang napakalaking hukbo ng mga zombie na papalapit sa iyo. Sa pangkalahatan, lahat ng mga ito ay karaniwang mga diskarte na maaari mong gawin sa larong ito. Maaari mong matutunan ang mga ito habang dumadaan ka sa mga yugto at labanan ang iba’t ibang mga kaaway. Gayunpaman, patuloy naming ibabahagi ang mga ito upang matulungan ka!

  1. I-upgrade ang iyong mga armas. Ito ay isang mabisang paraan upang maging mas malakas dito. Ang iyong armas ay ang iyong partner, kaya siguraduhing pagbutihin ito sa tuwing mayroon kang pagkakataon.
  2. Ang pagsasanib ng mga magkatulad na armas ay nagbibigay-daan sa iyo upang mapabuti ang kalidad ng iyong armas.
  3. Gumamit ng mga bitag, props, at iba pang kagamitan sa pangangaso nang maingat. Ang mga item na ito ay may partikular na gamit na dapat mong malaman. Ang ilan ay mahusay laban sa ilang mga kaaway, at dapat mong maunawaan kung kailan at paano gamitin ang mga ito nang tama.
  4. Maaaring gamitin ang mga diamante upang mabuhay muli.
  5. Manood ng advertisement para makakuha ng mas maraming reward.
  6. I-enjoy ang buong laro at huwag masyadong ma-stress. Ang lahat ay madali, kaya magpakasawa ka sa saya.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Catch Zombies Alive 

Ang Catch Zombies Alive ay isang kaswal na action-adventure na laro na idinisenyo upang magbigay sa iyo ng masaya at kapanapanabik na karanasan habang ginagalugad mo ang mundo nito. Mayroong iba’t ibang mga mapa upang i-unlock, pati na rin iba’t ibang uri ng mga zombie na makakaharap mo sa iyong nakakabaliw na paglalakbay, tulad ng mga panatiko sa prutas, propesyonal na musikero, manlalaro ng basketball, ekspertong DJ, at marami pa. Ito ay isang sobrang nakakaaliw na konsepto upang makita ang lahat ng mga iba’t ibang uri ng mga zombie. Ang ilan ay nagsusunog sa kanilang sarili, nagtatago sa mga palumpong, o naglalagay ng mga kalabasa sa kanilang mga ulo. Lahat sila ay mukhang napakasaya at kaibig-ibig. Sa katunayan, ang laro ay parehong madali at mahirap.

Bakit mahirap ang laro? Ito ay dahil itatapon ka sa isang hukbo ng mga zombie, at kakailanganin mong labanan sila gamit ang iyong sandata, props, bitag, o anumang iba pang bagay na maaaring makapinsala sa kanila. Maaari kang gumamit ng mga Molotov cocktail upang sunugin ang mga palumpong kung saan nagtatago ang mga zombie. Ito ay talagang nakakaaliw, at pagdating sa visuals, maaari nating sabihin na ito ay hindi masyadong nakakaakit o masyadong matamlay, katamtaman o sapat ang mga ito upang bigyang-buhay ang laro. Ang mga sound effect sa larong ito ay hindi masyadong dramatiko o matindi; puro ungol ng zombie at putok ng baril ang maririnig dito.

Aminado kami na ang laro ay nakakahumaling. Marahil dahil ito ay isang idle na laro kung saan simple lamang umatake. Mananalo ka sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga yugto, pag-upgrade ng mga armas, at pagkolekta ng mga bagay na magbibigay sa iyo ng kalamangan. Habang sumusulong ka sa laro, mas tumitindi ang labanan. Ang mga zombie ay nagiging mas malakas, at ang kanilang bilang ay dumarami rin. Bilang resulta, dapat kang gumawa ng mga taktika at pagbutihin ang iyong kakayahan. Hindi ba ito ay sobrang saya? Tuwang-tuwa ang Laro Reviews na matuklasan ang larong ito, na isang magandang paraan upang magpalipas ng oras.

Konklusyon

Mabilis kang mahuhumalang dito dahil mayroon itong intuitive na gameplay at mga kontrol. Ito ay isang mainam na laro para sa mga abalang manlalaro na gustong gugulin ang kanilang oras sa paglalaro at pagkakaroon ng kaunting kasiyahan sa maikling oras. Maaari mong ganap na maunawaan ang lahat nang mag-isa at madaling mahanap ang lahat ng mga feature nito. Nalalaro rin ito offline, kaya tara na at subukan na natin ito!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...