Dynasty Heroes: Samkok Legend Review

Ang Dynasty Heroes: Samkok Legend ay isang role-playing game (RPG) na dinevelop ng EskyfunUSA. Upang muling mabago ang kasaysayan ng Samkok, diskubrihin ang iba’t ibang Heroes mula sa tatlong magkakaibang kaharian! Nakatuon ang larong ito sa pagpapalakas ng makakapangyarihang combo at pagbuo ng pinakamalalakas na hanay. Nakatuon ang laro sa pakikipaglaban at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga kaharian. Naglalaman ang laro ng iba’t ibang kakayahan ng Heroes, Auto Travel, at iba pang mga feature. Mayroon itong nakakaengganyong aksyon sa pakikipagdigma. Nagkakainitan ang pwersa sa pagitan ng tatlong kaharian at kung hindi ka mamamagitan, patuloy lamang mananaig ang tensyon. Kinalaunan ay maaari itong magdulot ng isang malaking giyera. Halina’t siyasatin ang Heroes na posibleng ma-recruit at ang karangyaan ng mga kaharian!

Features ng Dynasty Heroes: Samkok Legend

Multiple Legendary Hero Biographies – Tuklasin ang istorya sa likod ng mga potensyal na Heroes na maaari mong ma-recruit at maging parte ng iyong faction. Tinatayang humigit kumulang 140 ang bilang ng Heroes na pwede mong maanyayahan. Nangangahulugan lang ding ito ang bilang ng kwentong maaari mong malaman na lahat ay may koneksyon sa kasaysayan ng Samkok. 

Legion System – Pataasin ang iyong kabuuang ranking mula sa kahindik-hindik na arena battles! Subukin ang kakayahan kung sapat na nga ba ito kung ikukumpara sa ibang manlalaro. Ipakita rin ang iba-ibang combos at pormasyon ng Heroes na nabuo para epektibong magapi ang mga katunggali. 

Auto Travel – Kahit offline ay maaari ka pa ring makalikom ng bultong bilang ng Ingots. Hindi na kailangang pagurin pa ang sarili sa pag-grind. Gamit ang feature na ito, hindi na magiging kumplikado pa ang pangongolekta ng isa sa currencies na ginagamit sa pag-upgrade ng Heroes. 

Saan Pwedeng I-download ang Dynasty Heroes: Samkok Legend?

Free-to-play (F2P) ang laro kaya hindi kailangang magbayad para mai-download ito. Pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users gamit ang iyong mobile phone. I-search ang Dynasty Heroes: Samkok Legend at hanapin ito sa search results. Pindutin ang Get o Install button para mai-download ito. Hintaying matapos ang pagda-download tsaka buksan ang app. Kumpletuhin ang mga kailangan sa sign-in details. ‘Pag nagawa mo na ang lahat ng ito, maaari mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links mula sa Laro Reviews kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Dynasty Heroes: Samkok Legend on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dynasty.hero.an

Download Dynasty Heroes: Samkok Legend on iOS https://apps.apple.com/us/app/dynasty-heroes-legend-samkok/id1495152527

Download Dynasty Heroes: Samkok Legend on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/dynasty-heroes-legend-of-samkok-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Dynasty Heroes: Samkok Legend, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ay ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong mai-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Dahil nanaig ang pay-to-win sa Dynasty Heroes: Samkok Legend, mahalagang maging masinop sa resources at palitan ang taktikang gagamitin lalo pa’t kung ikaw ay F2P. Sa halip na punan ang anim na officer slots, mas mainam na maglagay lamang ng apat na opisyales. Kung matatandaan, hindi maaaring tanggalin ang isang slot kapag nagdagdag ka na ng officer. Dahil nga limitado lang ang resources, mas mabubuhos ang buong atensyon sa pagpapalakas ng naturang apat na opisyales sa iyong hanay. Sa apat na slots, tiyaking mayroon kang isang pangunahing karakter na nais gamitin, isang DPS, at dalawang Support. Kung iyong mapapansin ay bagama’t hindi napunan ang anim na slots, balanse pa rin at epektibo ang ganitong grupo dahil natutugunan ang iyong opensiba at depensiba. Isang halimbawa ng nabanggit na komposisyon ng team ay si Zhang He na responsable sa invincibility. Samahan pa ito ni Zhang Liao para sa combo attack. Bilang panghuli, si Xiao Qiao ang magsisilbing buff ng buong grupo. 

Ang sunod naman na kailangang ibalangkas ay ang plano kung paano pagtatagumpayan ang iba’t ibang levels sa laro. Sa umpisang bahagi ng paglalaro ay tiyaking hindi muna gagastusin ang Ingots sa pag-recruit ng mga panibagong opisyales. Kunin din ang mga libreng pagkakataon lalo pa’t mapagbigay pa ang laro sa ganitong bahagi. Gastusin ang nalikom na Ingots sa pagbili ng mga 50% na discounted items. I-enable din ang Auto Travel para makakuha pa rin ng experiences at slivers nang wala masyadong ginagawa. Kung maaari, mainam kung makasasali ka sa Legion sa madaling panahon. 

Kung gusto mo namang tumaas ang iyong ranking sa Arena, maghandang maglabas ng aktwal na pera. Dahil bagama’t ikaw ay mayroon nang dalawang Legendary officers, hindi pa rin ito sapat kumpara sa mga nagwe-whale para makakuha ng items at karakter na may magagandang stats. Huwag ding kaliligtaang mag-farm at ipunin ang shards para sa Legendary officers ng iyong hanay. Hangga’t maaari din ay iwasan din ang paggastos ng Ingot lalo na’t wala ka namang balak magpalit ng team. 

Pros at Cons ng Dynasty Heroes: Samkok Legend

Marahil kung mahilig ka sa anime aesthetic ay magugustuhan mo ang graphics ng Dynasty Heroes: Samkok Legend. Makulay at nakakahumaling laruin ang mga karakter. Tunay ngang mae-enganyo ka sa paglalaro lalo na’t nabubusog din ang iyong mga mata. Isama mo pa ang background music na ginamit. Bagama’t hindi ito ang may pinakanakakahumaling na tunog, sapat pa rin ito para bigyan ng karagdagang kagalakan para sa mga manlalaro. Simple lang din ang gameplay kaya kung ikaw ay naghahanap ng larong pampalipas ng oras o kaya naman ay pantagal ng stress ngunit hindi kumplikado ang kabuuang mechanics, isa ang Dynasty Heroes: Samkok Legend sa larong mairerekomenda ng Laro Reviews. Hindi lamang ito, marami ring pagkakaibigan ang namuo mula sa komunidad ng manlalaro. Iba pa rin sa pakiramdam ang makakilala ng ibang taong may parehas na hilig ng tulad sa iyo. At sa pagkakataong ito, maaaring humingi ng tulong kung nahihirapang tapusin ang adventures, battles, at quests.

Sa kabila ng mga positibong aspeto ng laro, may mga negatibo rin itong aspeto. Kagaya na lamang ng malawakang pay-to-win system ng laro. Sa madaling salita, hindi ito mainam para sa mga F2P. Hindi lamang ito, sa bawat update ay bumababa ang drop rate ng item. Paliit nang paliit ang tsansang makuha ang mga rare item. Nagiging paulit-ulit na rin ang ginagawa sa laro habang tumatagal. Dahil walang panibagong content na ino-offer ang laro, nagiging routine at monotonous tuloy ang takbo ng laro. Mula daily quest hanggang events, ito na lamang ang tanging maaaring gawin. Mas maganda kung pagtutuunan ito ng game developers upang hindi tuluyang mawala ang mga matagal nang manlalaro. 

Konklusyon 

Sa Dynasty Heroes: Samkok Legend, matutuklasan mo ang iba’t ibang istorya sa likod ng Heroes na may koneksyon sa Samkok. Sila rin ang mga potensyal mong makakasama sa layuning mapagbuklud-buklod ang tatlong kaharian. Kung hindi mo alintana ang talamak na pay-to-win scheme para magtagumpay sa larong ito, simulan nang i-download ang Dynasty Heroes: Samkok Legend! 

Comments
  1. KazkzrdDop

    very interesting, but nothing sensible

  2. KzkazgoG

    interesting post

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...