Epic Heroes War: Super Heroes Review

Hasain ang iyong kakayahang makapagbuo ng mabilisang estratehiya upang manalo sa bawat laban! Alamin kung aling heroes at weapons ang dapat mong i-upgrade at palakasin. Ang Epic Heroes War: Super Heroes ay isang real-time strategy game, online side-scroller defense, at may halong role-playing game (RPG) na nilikha ng DIVMOB. Sa larong ito, maraming game modes ang naghihintay sa’yo kaya pwede kang magpalit ng mode na nilalaro sa kahit anong oras mo gusto. Alamin ang iba pa nitong features at karagdagang detalye rito sa article na gawa ng Laro Reviews!

Features ng Epic Heroes War: Super Heroes

Multiple Game Modes – Napakaraming game modes ang maaaring ma-enjoy ng manlalaro rito. Bukod sa Campaign Level na binubuo ng maraming levels sa bawat lokasyon, pwede mong piliin ang Boss Pantry, Hell Dungeon, Super Bosses, Domination, at Nations War. Bukod pa rito, mayroon ding online player-versus-player (PvP) para makipaglaban ka sa ibang mga manlalaro. Gayundin, parte rin sa laro ang Arena at Guild kung saan malayang-malaya kang lumahok sa mga ito.

Collection – I-click ang Collection na nasa Summon Temple. Dito mo makikita ang items na iyong nakolekta sa buong panahon ng iyong paglalaro. Iba’t ibang klase ang maaari mong makolekta sa armor, accessories, weapon, o heroes. Makakatulong ang mga ito para mas palakasin ang iyong gagamiting karakter sa laban. I-click lamang ang item kung nais mong makita ang detalye sa stats at deskripsyon nito.

Gacha System – Sa Summon Temple, makikita rito ang tatlong uri ng summon na maaaring gamitin ng manlalaro, ang Normal Summon, Heroic Summon, at Holy Summon. Una, ang Normal Summon ay para sa mga white hanggang blue items. Hindi katulad ng dalawa, ito ay mabubuksan mo nang walang bayad. May pagkakataon kang buksan ito nang libre sa loob ng limang beses kada araw. Sunod, ang Heroic Summon naman ay para sa green hanggang golden items. Nangangailangan naman ito ng 30 gems para mabuksan ito. Samantalang ang Holy Summon namang nagkakahalaga ng 250 gems bago makapagbukas nito. Dito kabilang ang blue at purple heroes hanggang platinum items.

Saan Pwedeng I-download ang Epic Heroes War: Super Heroes?

Narito ang Laro Reviews upang ituro kung paano i-download ang Epic Heroes War: Super Heroes. Kasalukuyang available ang laro sa Android, iOS, at PC devices. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pagda-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos nito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Epic Heroes War: Super Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.divmob.ageofheroes.braveheroes.battleheroes.epicheroeswar.epicheroes.en

Download Epic Heroes War: Super Heroes on iOS https://apps.apple.com/us/app/id1530763834

Download Epic Heroes War: Super Heroes on PC https://app.kiwi/apk/com.divmob.ageofheroes.braveheroes.battleheroes.epicheroeswar.epicheroes.en/Epic-Heroes-War-Action-RPG-Strategy-PvP

Tips at Tricks sa Paglalaro

Sa umpisa ng laro, magkakaroon ng tutorial upang maituro sa iyo ang controls nito. Madali lamang ito dahil ang kailangan lang gawin para pagalawin ang karakter ay sa pamamagitan ng pag-click at pag-drag ng dalawang buttons sa kaliwang ibabang bahagi ng screen. Gamit ito, pwede mo nang pagalawin ang karakter papunta sa kanan o kaliwa. Dagdag pa rito, pwede mo ring i-click ang screen para awtomatikong maglalakad ang karakter sa kaliwa o kanang direksyon nito.

Parating i-check ang Daily Rewards na matatagpuan sa Menu na nasa kanang bahagi ng screen. Makikita mo rito ang rewards na maaari mong makuha sa bawat araw para sa buwan na iyon. Siguraduhing nakukuha mo araw-araw ang reward galing dito dahil malaki ang maitutulong nito lalo na’t pwede kang makatanggap ng libreng gold, gems, skills, at iba pa. Kung may mga araw mang hindi kakayaning makapaglaro ka nang matagal, okay lang ito ngunit mas mainam kung magbibigay ka ng kahit kaunting oras para mag-log in sa laro at i-claim ang Daily Rewards.

Kapag pinindot ang Campaign, makikita mo sa kanang itaas na bahagi ng screen ang Suggest button. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng ideya kung ano ba ang magandang gamitin upang tumaas ang tsansang manalo sa kasalukuyang level na iyon. Halimbawa, ang nakalagay rito ay para sa tatlo mong heroes, ang suggestion nito ay i-upgrade ang mga ito hanggang sa Level 5. Mainam na sundin ang ganitong suggestion sapagkat magiging mas mabisa ang iyong progress sa laro dahil dito.

Pros at Cons ng Epic Heroes War: Super Heroes 

Maraming wika ang maaaring pagpilian ng mga manlalaro, kabilang ang mga sumusunod: English, Vietnamese, Portuguese, Russian, Deutsch, Thai, Indonesia, French, Chinese, Korean, Japanese, at Turkish. Dahil dito, mas nagiging malawak ang range ng audience na pwedeng abutin ng larong ito. Ang maganda rin sa larong ito ay tuluy-tuloy mong mae-enjoy ang paglalaro sapagkat wala itong energy system. Kaya naman hindi ka limitado sa kung ilang laro ang pwede mong makumpleto sa isang upuan. Bukod pa rito, napakaraming game modes ang pwede mo pang i-explore sa laro kaya hindi ka madaling maiinip sa paglalaro ng Campaign mode.

Bagaman napakaraming heroes ang maaari mong kolektahin, ang mga nagbabayad lamang ng aktwal na pera ang may kakayahang makakuha ng magagandang heroes. Kitang-kita ang kalamangan ng pay-to-win (P2W) na mga manlalaro kumpara sa mga F2P. Kung ang nais mo lang ay casual na laro, hindi ito ang nababagay sa iyo sapagkat kailangan ng puspusang pag-grind sa larong ito. Lalo na’t daily at time-based ito dahil may mga bagay kang pwede lamang magawa sa partikular na mga araw. Gayundin, may mga bagay kang pwede lamang magawa sa tiyak napagkakataon  (time window) at kung nalagpasan mo ito, kailangan mo muling hintayin ang nasabing oras.

Konklusyon

Pumasa ba sa iyong panlasa ang real-time strategy, online side-scroller defense game na sinamahan din ng pagiging RPG nito? Kung gayon, mainam na subukang laruin ito. Bigyan ito ng pagkakataon kung tuluyan mo bang mae-enjoy ang paglalaro. Wala rin namang mawawala sa iyo sapagkat hindi mo kailangang magbayad bago ito mai-download. Marami ka ring game modes na pwedeng i-explore. Para rin ito sa mga manlalarong naghahanap ng mga larong nangangailangan ng lubusang pag-grind. Gayunpaman, asahan ang mga nabanggit na isyu sa cons section kung itutuloy mo ang iyong paglalaro.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...