Game of Khans Review

Ang Game of Khans ay isang role-playing game na dinebelop ng Mechanist Internet Technologies Co., LTD, kung saan gaganapin mo ang papel ng isang Khan na nakatadhanang bumuo at mamuno sa tinaguriang pinakamalaking imperyo sa kasaysayan. Bilang isang Khan, gagalugarin at dadanasin mo ang nomadikong pamumuhay sa Asya, habang nakikipag-sagupaan sa mga epikong labanan at pakikipagsapalaran sa pagbuo ng iyong kaharian. Ipinapangako nitong RPG na ipararanas sa’yo ang aksyon, kapinsalaan at pag-ibig sa pagtungtong mo sa malapantasyang mundo ng mga Khan. Handa ka na bang sakupin ang buong Eurasia? Basahin ang artikulong ito hatid ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Magsisimula ang laro na ikaw ay isang Khan na ang layon ay bumuo ng pinakamalaking imperyo na sasakop sa kabuuan ng Asya at Europa. Upang mapaunlad ang iyong imperyo, mangangailangan ka ng resources: silver coins, warriors at meat. Ang silver coins ay para sa pagpapa-upgrade ng mga advisor, meat para sa papaunlad ng village level, at warriors bilang panlaban sa mga kalaban. Bilang pinuno, kailangan mong lumaban at sumakop ng mga village, at ang iyong mga nasakop ay idadagdag sa iyong resources na makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong imperyo. May ekstrang resources din, ang Diamond. Magagamit ito sa pagbili sa shop ng mga premium resources. Mahalaga ang mga advisor dahil sila ang mamamahala sa mga nasakop ng village, lalaban sa mga kalaban, at ang kanilang panlahat na kapangyarihan ay nakakaapekto sa kabuuan ng imperyo.

Bilang Khan, pwede ka ring makakita ng mga consort at regaluhan sila ng mga bulaklak, na tinatawag na dating. Ang madalas na dating ay tutulong sa’yo na lumevel-up hanggang mapangasawa mo sila at makabuo ng mga tagapagmana. May mga quest rin sa larong ito na pwede mong lahukan tulad ng campaign at decree na makakatulong sayo upang makakalap ng resources. Pwede ka ring gumawa o sumali sa horde na kung saan magkakaroon ka ng access sa mga special event at horse battles. Sa bawat nasakop na village, napakasalang consort, natapos na quest at napanalong labanan ay makakapagtamo ka ng EXP na makapagtataas ng iyong Khan level at magpapalapit sayo sa pagsakop ng buong mundo.

Paano i-download ang Game of Khans?

Napakadaling i-download ng larong ito. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin itong mga hakbang. Kung ikaw ay Android user, maaari mo itong i-download sa Google Play Store. Buksan lang ang nasabing app, hanapin ang larong ito at i-click ang install. Para sa iOS, pareho lamang ang proseso ngunit sa halip na Google Play Store, i-download ito sa App Store. Kung ikaw naman ay gumagamit ng PC, kinakailangan mo munang mag-download ng Bluestacks emulator, hanapin ang larong ito sa emulator at i-install. Para sa mas mabilis na pag-access, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba.

Download Game of Khans on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dc.gok.google

Download Game of Khans on iOS https://apps.apple.com/kg/app/game-of-khans/id1459071612

Download BlueStacks on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/game-of-khans-on-pc.html

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Sa paglalaro nitong Game of Khans ay dapat na maging maalam sa bawat tampok ng larong ito at bawat bahagi ng interface nito. Narito ang ilan sa mga tips na siguradong makakatulong sayo sa paglalaro hatid ng Laro Reviews. 

Una, kilalanin ang mga advisor. Isa sila sa mga pangunahing tauhan na tutulong sa’yo sa pakikipag-sagupaan sa mga labanan. Sila rin ang malaking salik sa iyong Khan/empire power. Sa laro, makukuha mo sila sa Proving Ground gamit ang Summoning Seal na makukuha mo mula sa daily quest, world map, store at achievements. Dapat mo silang palakasin gamit ang upgrades para sa kanilang strength, charisma, intellect at survival stats. Isa pa sa mga dapat mong kilalanin sa laro ay ang mga consort. Makukuha mo sila sa flower market sa pamamagitan ng Sovereignty, sa login reward at sa iyong VIP level. Gawin ang prosesong Dating sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak sa kanila hanggang maabot mo ang romance stage— at hanggang dumating kayo sa inyong kasalan. Bisitahin mo ang mga napakasalang consort sa harem, pataasin ang kanilang level, at bumuo ng mga bata o tagapagmana.

Upang mas mapagaling pa ang iyong imperyo, laging bigyang pagkakataon ang lahat ng mga quest, campaign at decree. Ang bawat natapos mong quest ay makapagbibigay sa iyo ng diamonds, warriors at iba pang in-game items. Karagdagan pa, sumali sa horde. Pwede mo itong pasimulan o di kaya’y makisali sa mga nabuo nang horde. Makakagastos ka ng diamond sa pagbuo ng horde, pero ang pagsali rito ay makapagbibigay sa iyo ng access sa mga horde events at functions. Panghuli, gawing mas matibay at magaling ang iyong Khan sa pamamagitan ng pakikipagdigma sa mga kalaban sa world map, pagtatapos ng daily quests o paghawak sa mga decrees. Huwag kalimutang likumin ang mga resource sa world map, sakupin ang mga village, at bisitahin ang throne building upang ganapin ang mga decree.

Kalamangan at Kahinaan

Napakahusay ng graphics at napakaayos ng gameplay mechanics ng Game of Khans— isang handog biswal para sa mga manlalaro nito. Ang bawat tauhan ay maganda at talagang maayos na dinisenyo. Makikita mo ito sa mga makikisig na advisor, chieftain at mga marilag na consort sa pagpapatuloy mo sa laro. Ang malalawak na luntiang kapatagan, magagandang nayon at mga maringal na palasyo ay isa mga kahanga-hangang tampok sa laro, kabilang ang mga makatotohanang hayop at nakakamanghang tanawin ng mga bundok. Kahali-halina ang graphics nitong laro, na siyang repleksyon sa kabuuan nitong laro.

Madali lamang ang controls at sa pagsisimula mo sa paglalaro ay may tutorial na malaking tulong para sa mga baguhan ng mga larong ito. Maraming mga menu at opsyon sa loob ng laro na minsan ay nakakalito habang mas umuunlad ang laro. Pero bukod sa mahirap itong laruin sa una, wala nang kapuna-kapuna sa larong ito, sapagka’t habang tumatagal, mas magiging hasa ka na sa laro.

Konklusyon

Kahanga-hanga ang storyline at may solidong gameplay ang Game of Khan, na mas pinabuti pa ng maganda nitong graphics at animations. Subalit, may disadbentahe rin ito gaya ng pagka-ekstensibo nito at ang kakailanganing kaunawaan sa paglalaro nito. Pero kahit pa na mahirap intindihin ang larong ito sa una, sa pamamagitan ng patuloy lang na paglalaro ay unti-unti mo itong maintindihan. Ang Game of Khans ay isang napakagaling na RPG na bibigyan ka ng nakakaengganyo at makatotohanang karanasan sa RPG, na wala sa ibang laro. Kaya, kung gusto mong pumasok sa mundo ng sinaunang Eurasia at bumuo ng iyong sariling imperyo, i-download na ang Game of Khans!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...