Mighty Party Review

Sa tingin mo ba ay kaya mong pamunuan ang isang team at dalhn sila sa rurok ng tagumpay? Kung ganun, para sayo itong laro. Ang Mighty Party ay isan idle online game na ginawa ng PANORAMIK GAMES. Kung mahilig ka sa role-playing at idle games, tiyak magugustuhan mo rin itong laro, halika at tunghayan natin ang mga tampok nitong laro. Basahin itong artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang gameplay ng larong ito ay pinaghalong RPG at auto-chess. Upang laruin ito, kailangan mo munang bumuo ng isa lineup ng mga hero pagkatapos ay ihahanay mo ang mga hero sa field. Ang field ay may hugis ng katulad sa chess board, mayroon itong maliliit na kahon pahaba at pahalang. Ang layunin ng laro ay talunin ang kalaban sa pamamagitan ng pagubos ng life points nito at para magawa ito, kailangan mong i-deploy ang iyong mga hero sa field at atakihin ang mga hero ng kalaban. Kung sa isang hanay ay mayroong makalabang hero, maglalaban muna ang dalawang hero pagkatapos ay kung sino ang matatalo, siya ang mababawasan ng life points. Ngayon ay tatalakayin naman natin ang mga pangunahing tampok nitong laro. Mayroon itong tatlong pangunahing mode; Journey, PvP at ang Turf War. Ang Journey ay ang main mode nitong laro, dito ay makakalaban mo ang mga non-player character o kilala sa tawag na NPC at dito mo rin malalaman ang istorya ng laro. Mayroon itong 9 na pangunahing stages at bawat stage na iyong matatapos ay makakatanggap ka ng reward. Mayroon din itong auto grind kaya hindi ka mauubusan ng resources. Ang PvP nman ay katulad lang ng journey ngunit online player ang iyong makakalaban imbes na NPC. Sa mode na ito, makakatanggap ka ng chest bilang reward ngunit mayroon itong takdang oras bago mabuksan o kung gusto mong mapadali ang pagbubukas ng chest, pwede mo itong bilhin gamit ang gems. Ang Turf War naman ay isang Guild battle na kung saan makakalaban mo ang ibang mga guild. Upang laruin ito, kailangan mo lang mag deploy ng mga hero sa field pagkatapos pumili kung anong gusto mong gawin, kung sasakupin mo ba ang kampo ng kalaban o depensahan ang inyong teritoryo. Mayroong dalawang uri ng monetary itong laro, ang gold coins at gems. Ang gold coins ay ang normal na monetary ng laro at makukuha mo ito kahit saan ngunit mas makakakuha ka nito sa gold mine. Ang gems naman ang siyang espesyal na monetary. Ginagamit ito upang mag summon ng bagong hero o bumili ng mga premium items. makukuha lamang ito sa Quest tulad ng daily login at journey rewards. Ngayon ay talakayin naman natin ang ibang mode nitong laro, ang colosseum. Ang mode na ito ay may kakaibang gameplay dahil hindi mo magagamit ang iyong mga hero dito. Upang laruin ito, kailangan mo i-deploy ang mga stick figure na archers at pigilan ang daluyong ng kalabang umaatake. Kapag naipasa mo ito, makakakuha ka ng gems at rare na hero soul.

Paano i-download ang Mighty Party?

Ang larong ito ay hindi na nangangailangan ng anumang login account upang laruin ngunit kung gusto mong bumili ng mga premium items dito, mas mainam na i-bind ang iyong gmail o facebook account sa laro upang kung sakaling mawala ang iyong laro, maaari mong ma-retrieve ang iyong account at hindi masayang ang iyong mga biniling premium items. upang i-download ito sa Android at iOS, pumunta sa Google Play Store para sa Android at App Store para sa iOS pagkatapos i-type sa search bar ang pangalan ng laro at i-click ang download. Para naman sa PC, i-download muna ang Bluestacks emulator pagkatapos ay hanapin itong laro sa emulator at i-download. Para sa mabilis na pag access, maaaring i-click ang link sa ibaba.

Download Mighty Party on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.panoramik.mightyparty

Download Mighty Party on iOS https://apps.apple.com/us/app/mighty-party-battle-heroes/id1163805393

Download Mighty Party on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/mighty-party-clash-of-heroes-on-pc.html

Tips at Tricks para sa Baguhan

Ang larong ito ay hindi na nangangailangan ng mga magarbong strategy at tactics, ang kailangan mo lang gawin ay palakasin ang bawat hero at bumuo ng isang malakas na lineup. Ngayon ay ibabahagi ng Laro Reviews ang kanyang kaalaman kung paano mapalakas ang iyong hero sa mas mabilis na paraan. 

Bago mo ma-upgrade ang isang hero, dapat mabuo mo muna ang kinakailangang hero soul ng isang tiyak na hero. Makakakuha ka ng hero souls mula sa mga chest na makukuha sa PvP at Journey. Mayroong apat na uri ang hero: common, rare, epic, at legend. Mas mainam kung mayroong legend hero sa iyong lineup dahil mayroon silang mga skills na magbibigay sayo ng kalamangan sa laban. Tiyakin din na parehong class ang iyong lineup upang ma-maximize mo ang skills ng mga hero. Halimbawa, ang ronin na hero ay mayroong skills na nadadagdagan ang kanyang health at attack points sa bawat order class na hero sa field. Ibig sabihin, mas maraming Order class sa field, mas magiging malakas ito. 

Hindi mo na rin problema ang pag-grind dahil mayroon itong auto grinding system na siyang magbibigay sayo ng mga resources kahit na hindi ka naglalaro. Kaya imbes na gugulin ang panahon sa pag-grind, ituon ang iyong oras sa pag-kumpleto ng mga Quest. Ang special events ang dapat mong pagtuunan ng pansin, bukod sa ito ay limited-time, nagbibigay din ito ng mga magagandang rewards tulad ng epic hanggang legend na hero souls. Hindi naman gaanong komplikado itong laro, basta lagi mo lang tatandaan na i-upgrade ang mga hero at tiyaking lumahok sa mga special events.

Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Pagdating sa graphics, ito ay nasa 2D ngunit mayroon itong malalim na detalye kaya napakaganda at cute parin ng mga character kahit nasa 2D ito. Ang gameplay ay hindi gaanong komplikado dahil ito ay idle at kung tinatamad kang maglaro ng mga larong may komplikadong gameplay, tiyak na para sa iyo itong laro. Ang resource gathering system naman ay napakaganda dahil napapanatili nito ang daloy ng iyong mga resources kahit hindi ka naglalaro. Ito ay sa tulong ng auto grind. 

Nagustuhan ko rin ang buong konsepto ng laro, bukod sa iba’t-ibang uri at class ng hero, mayroon din itong mini games na pwede ding mapagkukunan ng mga hero souls, gems at gold. Kung ikukumpara ito sa ibang idle games, ang pagkakaiba nito ay ang online friend system. Itong friends system ay makakatulong upang mas lalong pagtibayin ang pagkakaibigan ng mga manlalaro online at pwede rin kayong magtulungan sa pagpapalakas ng bawat isa gamit ang request feature. Ang request feature naman ay isang tampok na nagbibigay sa iyo ng kakayahang humingi ng hero souls o gems sa manlalarong nasa iyong friendlist. 

Kung mayroon man akong hindi nagustuhan sa larong ito, ito ay ang pagiging pay-to-win nito. Dahil habang tumatagal ka sa paglalaro, mas nagiging mahal ang pag-summon ng mga hero at ang Journey ay mas nagiging mahirap. Kasabay ng pagtaas ng difficulty ng bawat stage, mas nagiging mahirap makakuha ng mga gems at dahil dito mapipilitan kang bumili ng mga premium items ng laro ngunit, kung tanging libangan lang naman ang habol mo dito sa laro, pwedeng huwag na bumili ng mga premium items ngunit kailangan mong ulitin ng maraming beses ang isang stage bago mo ito maipasa.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 3.6 sa Google Play Store at 4.3 naman sa App Store. Mababa ang rating nito dahil sa pagiging pay-to-win nito ngunit hindi naman ito nangangahulugang hindi na ito magandang laro. Kung ang gusto mo lang ay maglibang, nakakaaliw pa rin ito. Kaya kung gusto mo ng bagong libangan, i-download na ang Might Party ngayon!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...