Idle Heroes Review

May hinahangaan ka bang hero? Hindi maikakailang nakakamangha ang tapang at lakas ng heroes na gumawa ng mabuti para sa kapwa. Sa kanilang gilas sa pakikipaglaban at natatanging kapangyarihan, tila ba’y hindi sila masusupil ng kahit anong dumating na laban at balakid. Minsan ay mapapaisip ka na lang kung ano kaya ang pakiramdam na maging isang hero. 

Sa paglalaro ng Idle Heroes, mararanasan mong makipaglaban kasama ang iba’t ibang grupo ng heroes. Ang larong ito ay isang mobile action role playing Game (RPG) ng DH GAMES na kung saan ang layunin ng manlalaro ay palakasin ang mga karakter at bumuo ng estratehiya para maging malakas ang team. Mayroong humigit kumulang 200 heroes na may natatanging skills na kabilang sa iba’t ibang factions. Kaya talagang hihimukin nitong lawakan ang pag-iisip ng manlalaro kung paano mapapalakas ang heroes. 

Nahahati sa limang klase ang heroes, ito ang Warrior, Mage, Ranger, Assassin, at Priest. Ang bawat hero ay may hanggang limang initial star levels. Kapag mas mataas ang star level, mas mataas din ang basic stats at mas malakas ang spells nito. Mayroon ding anim na hero factions, kabilang na ang Dark, Light, Forest, Shadow, Fortress, at Abyss. 

Idle Heroes - Laro Reviews

Idle Heroes – Laro Reviews

Features ng Idle Heroes

Multiplayer Guild Battles – Labanan ang ibang mga manlalaro sa buong mundo. Sumali ng Guild at sa Worldwide Arena!

Idle System – Patuloy na gumagana ang laro kahit hindi ito laruin. Pwedeng i-set na nag-eensayo ang heroes habang wala ka. Bilang resulta, ang iyong heroes ay magiging mas malakas, magkakaroon ng bagong abilidad, at magiging mas handa sa laban kapag naglaro kang muli.

Multiple Adventures – Binubuo ang laro ng maraming lugar at adventures na maaari mong puntahan. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng battlegrounds, dungeons, heroic quests, mysterious towers, arena, at guild. 

Worldwide Leaderboard – Pataasin ang ranking sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa arena. Makakakuha ng rewards ang mga manlalarong may pinakamataas na ranking.

Idle Heroes Events – Iba’t ibang events ang pwedeng salihan na makakatulong sa magiging progreso sa laro. Mayroong weekly, monthly, special, at login bonus events na matatagpuan sa home screen. Sa weekly events, kabilang dito ang Heroic Summon, Wishing Fountain, Heroic Miracle, Hero Exchange, at ang Gray Dwarves’ Blessing events. Samantalang sa monthly events naman ay ang Fighters’ Competition na nahahati sa Tavern Quest, Fusion, Broken Spaces, Special, at Login Bonus events.

Saan Pwedeng I-download ang Idle Heroes?

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users, at ilagay sa search bar ang Idle Heroes. Wala itong bayad kaya diretso mo nang mada-download ang laro. Matapos i-download, kumpletuhin ang sign-in details para makapaglaro.

Idle Heroes - Laro Reviews

Idle Heroes – Laro Reviews

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Idle Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.droidhang.ad&hl=en_GB&gl=PH

Download Idle Heroes on iOS https://apps.apple.com/us/app/idle-heroes-idle-games/id1153461915

Download Idle Heroes on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/idle-heroes-on-pc.html

Kung sa PC mo napiling maglaro ng Idle Heroes, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang website. Sa Bluestacks ay ginanagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Maging pamilyar sa game mechanics at map system na ituturo bilang tutorial sa simula ng laro. Kabisaduhin ang bawat lokasyon, tulad ng Summon Circle kung saan maaaring magsummon ng makapangyarihang heroes, Battle Area para makipaglaban, at ang Marketplace kung saan pwedeng makipagkalakalan at bumili ng goods. Sa labanan, ipwesto ang heroes na may matataas na stars sa back-line dahil mas may pagkakataon silang umatake ng kalaban nang matagal. Hindi sila agarang mamamatay sapagkat ang front-line heroes ang magtatamo ng maraming damages. Mula sa pagkakalikha ng laro, marami na ang naging updates dito, kabilang na ang star system ng heroes. Kaya kailangang maging mabilis ang manlalarong mag-adapt at mag-level up ng skills. Narito ang ilang tips at tricks na inihanda ng Laro Reviews para tulungan ka.

Makakatulong ang pagsali sa Discord server ng Idle Heroes para malaman ang pinakabagong guides ng laro. Dahil malaki rin ang komunidad ng mga manlalaro nito, maaasistihan ka ng ibang tao mula sa Reddit pati na rin ng content creators. Magsisilbing gabay ito para maiwasan ang kadalasang pagkakamali ng karamihan bilang bagong manlalaro. Kabilang dito ang paggamit ng sariling Heroic Summon Scroll para makumpleto ang Daily Quests. Ang maipapayo ko sa iyo ay huwag nang gamitin ito kapag nagkaroon ka na ng team na binubuo ng 5 star-heroes. Mula rito, kumpletuhin mo na lang ang lahat ng Daily Quests kada dalawang araw para makatanggap ng libreng Heroic Summon Scroll muli. Mahalagang ipunin ang Heroic Summon Scrolls para sa Heroic Summon Events. Isa sa pangunahing layunin ng halos lahat ng manlalaro ay makaipon ng items bilang paghahanda sa events ng Idle Heroes. 

Related Posts:

Revived Witch Review

Azur Lane Review

Ang magiging puhunan sa larong ito ay resources at time. Mahalagang hindi sayangin ang gold, lalo na sa simula, dahil kakailanganin mo ito sa marami pang iba’t bang bagay, tulad ng pag-upgrade ng Guide Techs, Stones, Pets, at pag-level up ng heroes sa mid game. Dahil rito, dapat ang paggagamitan mo lang ng gold sa Marketplace ay ang pagbili ng Arena Tickets at ng 3-star at 4-star Hero Shards. Huwag ding mag-upgrade ng items na hindi kailangan. I-forge lamang ang pinakamurang items para sa Blacksmith Quest. Pag-isipang mabuti kung papataasin ang level ng iyong heroes. Tandaan na hindi kailangang agaran at sabay-sabay ang kanilang pag-level up. 

Idle Heroes - Laro Reviews

Idle Heroes – Laro Reviews

Paano palakasin ang heroes? Pataasin ang level ng heroes sa pamamagitan ng paggamit ng Spirit. Kapag naabot na ng hero ang level limit, gumamit ng Hero Promotion Stones para tumaas ang kanyang tier. Kung umabot ang hero sa level limit at tier nito, pwedeng i-promote ang star-rank sa Creation Circle. Makakakuha ng matataas na attributes ang heroes na may mas mataas na star-rank, ngunit mananatili lamang ang equipment at tier nito. Dagdag pa rito, pwedeng gamitin ang material heroes para sa awakening ng 6-star o higit pang heroes. Magreresulta ito para ma-promote ang star-rank, attributes, at passive skills ng hero. Makakakuha ka rin ng Spirit kapalit ng isinakripisyong material hero. Maaari mo ring gamitan ng equipment at artifact para palakihin ang BP ng hero. Mas maraming BP ang makukuha ng hero, mas mataas ang star level at kalidad ng equipment at artifact nito. Isa ring paraan upang palakasin ang power ng hero ay ang pag-upgrade at pag-convert ng kanilang Stone. Kailangan mong gumastos ng Magic Dust at Gold para magawa ito.

Pros at Cons ng Idle Heroes

Walang bayad ang paglalaro ng Idle Heroes kaya madali lang itong i-download. May option din na ma-adjust ang bilis ng battle. Pwedeng ibahin at gawing 1x, 2x, o 3x speed. Hindi na kailangang mag-antay nang matagal para tapusin ang laban. Nagkaroon ng maraming features at updates sa loob ng nakaraang mga taon kaya patuloy na nagiging challenging habang tumatagal. Bukod pa rito, strategic at nakakaaliw ang laro dahil sa samu’t saring characters, mechanics, stats, at items ang makikita rito. Hindi nagiging boring at paulit-ulit na lang ang paglalaro. 

Walang itong offline mode kaya kailangang nakakonekta sa internet o mobile data bago maglaro. Nakadepende rin ang pagiging smooth ng iyong laro sa pagkakaroon ng stable internet connection. Kaya nagiging balakid sa paglalaro kapag biglaang nagkaroon ng problema sa network o kaya naman ay hindi malakas ang signal habang kasalukuyang naglalaro. Marami ring pagkakataon na hindi makapag-login sa laro kahit na walang problema sa internet connection. Bukod pa rito, pahirapan din ang maganda at mabilis na progreso sa laro kung hindi bibili ng in-game items para magkaroon ng advantage kumpara sa iba. Maituturing na kawalan kung hindi mo nais na bumili ng mamahaling items. 

Konklusyon 

Ang hatol ng laro Laro Reviews, maituturing na isa sa magagandang mobile RPG ang Idle Heroes. Hinihikayat nito ang mga manlalaro na mag-isip ng kakaibang mga estratehiya at maging madiskarte sa paglalaro. Bagamat malaking advantage ang pagbili ng in-game items, posible pa rin ang pagprogreso kung magiging masipag at matiyaga rito. Magandang irekomenda ito sa mga naghahanap ng larong pangmatagalan, lalo na at maraming kaabang-abang na events kada linggo at buwan, pati na rin tuwing special occasions.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...