Revived Witch Review

Basahin ang pagsusuri ng laro mula sa Laro Reviews. Ang Revived Witch ay isang larong adventure RPG na may pixel-style graphics. Kung madalas kang maglaro ng classic games noon kagaya ng Zelda games na talagang pumatok, nakatitiyak akong maghahatid ng nostalgia ang larong ito.

Nagsimula ang istorya matapos magising ang isang witch mula sa mahabang pagkakatulog. Nang siya ay bumangon, sinuot niya ang kanyang sumbrero, kinuha ang kanyang staff, at nagtungo sa spiral tower. Binati siya ng isang babaeng nagsabing matagal na siyang naghihintay. Natuklasan ng witch tila’y may nawawala siyang mga alaala at dito na nagsisimula ang kanyang paglalakbay na hanapin ang mga ito sa pamamagitan ng pagkolekta ng shards. Mula rito, isasabuhay mo na ang witch. Kasama ng summoned dolls, simulan ang paglalakbay tungo sa sariling pagkakakilanlan! 

Features ng Revived Witch

Pool System – Mula sa Soul Summon Pool, kunin ang iyong mga doll na magagamit sa paglalaro. May apat na uri ng pool:

  • Awakening Summon – Nagkakaroon nito kapag walang ibang events. Mayroon itong rate-up dolls;
  • Soul Summon – Permanenteng pool na walang rate-up dolls;
  • Exclusive Summon – Nagbubukas lang tuwing event at mayroon ding rate-up dolls. Matapos ang event, pansamantalang hindi magiging available ang rate-up doll sa ibang mga pool; at
  • Dreamland Summon – Nagkakaroon nito tuwing events at mayroong rate-up dolls. Matapos ang event, ang rate-up doll ay magiging available sa Awakening Summon, Soul Summon, Exclusive Summon, at Dreamland Summon. 
Revived Witch - Laro Reviews

Revived Witch – Laro Reviews

Playable Dolls – May malawak na pagpipilian ng dolls na may iba’t ibang uri ng disenyo, elements, at attributes. Maaaring bumuo ng anim na dolls para makagawa ng isang Formation na kung saan tatlo rito ay deployed dolls at ang natitira ay kasama sa backup dolls. Kapag natalo ang iyong deployed dolls, mapapalitan sila ng backup dolls. Kahit hindi nagamit ang backup dolls sa labanan, kasama pa rin silang magli-level up. 

Auto Combat – Gamit ang feature na ito, kusang makikipaglaban ang dolls sa iyong active party. Magagamit ito sa tuwing ikaw ay may ibang ginagawa o gusto lang pagmasdan ang effect ng skills mula sa dolls. Ngunit, maaari itong i-off kung gustong makaranas ng dagdag na hamon habang nakikipaglaban sa main boss at mga kaaway. 

Saan Pwedeng I-download ang Revived Witch?

Basahing maigi mula sa Laro Reviews kung paano. Pumunta sa Google Play Store para sa mga Android user at App Store naman para sa mga iOS user. I-type sa search bar ang Revived Witch at pindutin ang icon ng app. Dahil free-to-play (F2P) ang larong ito, hindi mo na kailangang magbayad para lang makapag simula. I-click ang install o get button at hintaying ma-download. Dahil may kalakihan ang file, matatagalan ang pag-download depende sa bilis ng iyong internet connection. Matapos nito, pindutin ang app, kumpletuhin ang sign-in details, at simulan nang maglaro! 

Narito ang mga link kung saan pwedeng ma-download ang laro: 

Download Revived Witch on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.YoStarEN.RevivedWitch&hl=en_US&gl=US

Download Revived Witch on iOS https://apps.apple.com/app/revived-witch/id1554968811

Download Revived Witch on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/revived-witch-on-pc.html

Kung sa PC mo naman napiling maglaro ng Revived Witch, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang official website. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play Store.

Revived Witch - Laro Reviews

Revived Witch – Laro Reviews

Tips at Tricks Para sa mga Bagong Manlalaro 

Matapos makolekta ang limang Shard of the Irminsul Mirror, maa-unlock ang Summon, ang gacha system ng laro, na kung saan pwedeng makakuha ng iba’t ibang karakter na iyong magagamit. May apat na uri ito ng rarities: R, SR, SSR, at UR. Mabibigyan ang mga bagong manlalaro ng libreng pagkakataong makapag-pull sa unang beses. May 100 kang chance para makapag-pull ng 10 summons. Maganda kung mag-reroll lang nang mag-reroll hanggang makakuha ng 1 UR at 1 SSR sa isang set ng pag-summon. Ngunit nakasalalay pa rin sa iyo kung may natipuhan kang iba pang dolls na hindi alintana ang kanilang rarity. Ang Souls ang main currency ng gacha system na iyong makukuha sa iba’t ibang mga quest, main stories, at paglalakbay sa Mirror of the Otherworld. Maaari ring bumili gamit ang mga bundle na inaalok ng laro. Bawat pag-summon ng dolls ay nagkakahalaga ng 200 Souls. Sa madaling sabi, ang isang set ng draw ay umaabot ng 2,000 Souls. Samantalahin ang diskwento na binigay para sa mga bagong manlalaro na kung saan sa unang pull ay may 50% na discount. Mula 2,000, ang magagamit lang ay 1,000 Souls. Bukod sa Souls, mayroon ding Soul Cryolite at Big Soul Cryolite na iyong magagamit sa pag-summon ng dolls. Maaaring makapag-draw ng isang beses para sa bawat Soul Cryolite at, isang set o 10 draw naman para sa bawat Big Soul Cryolite. 

Ang mga doll ay nahahati sa tatlong elemento: Mercury, Saltstone, at Brimstone. Ang aking iminumungkahing komposisyon ng team para sa mga F2P player ay gamitin ang elemento ng Mercury bilang pinaka core nito. Ang Mercury ay maituturing na malakas na elemento at tunay na magiging epektibo sa kabuuang takbo ng laro, lalo na sa PvP. Mabuti na lang at karamihan sa core units na ating gustong makuha ay available sa libreng unang pull na aking nabanggit kanina. Si Afallen, isang UR doll, ang isa marahil sa pinakagustong makuhang doll sa lahat ng UR na mayroon. Bukod sa damage at depensa na kanyang nagagamit sa mga kalaban, ang unang skill ni Afallen ay maituturing na meta dahil may kakayahan siyang tanggapin sa loob ng dalawang segundo ang lahat ng damage na binabato ng kalaban sa kanyang team. Dahil dito, mas tataas ang chance na tumagal ang survivability ng iyong grupo tuwing nakikipaglaban. 

Bukod kay Afallen, ang sunod na karakter na ating gustong makuha mula sa pag-reroll ay sina Ushpia at Mayahuel. Bagamat sila ay mga SSR doll, masasabing kaya nilang makipagsabayan sa ibang mga UR doll dahil sa kanilang angking skillset. Maituturing na malakas na DPS si Ushpia dahil sa kanyang abilidad na lasunin at i-stun ang mga kalaban. Malaki ang magiging ambag ng mga nabanggit na kakayahan ni Ushpia sa kinalaunang parte ng laro. Mapapabagal nito ang oras ng kalaban bago i-cast ang susunod na atake na iyong magagamit sa pag-counterattack. Sa kabilang banda, kung sa tingin mo ay mahihirapan kang tumagal sa mga labanan, masasabi kong mas magandang option si Mayahuel. May kakayahan siyang pagalingin ang lahat ng party members batay sa kanyang attack value. Mas tuluy-tuloy din ang kanyang damage output kumpara kay Ushpia dahil kailangan pang mag-stack ni Ushpia ng lason para ma-maximize ang kanyang abilidad. 

Related Posts:

Azur Lane Review

88 Fortunes Slots Casino Game Review

Mula sa login rewards, makukuha nang libre si Arcana, isang SSR type na doll. Kasama ng kanyang buffs at healing, may kakayahan siyang mapabilis ang pag-reregenerate ng order at chaos energy. Dahil dito, mas magkakaroon ng chance ang iyong team na makapag-cast ng kani-kanilang atake. Bibilis din ang pag-abot sa fever mode na makapagdudulot ng malaking damage sa iyong kalaban. 

Pros at Cons ng Revived Witch

Tunay na nakakabighani ang graphics at visual ng laro. Kung mahilig ka sa anime aesthetic, malamang ay magugustuhan mo rin ito. Mula sa malawak na disenyo ng mga karakter hanggang sa iba’t ibang uri ng skillset, tiyak ay mayroong papatok sa iyong panlasa. Kung hindi mo masyadong tipo ang mga babae, may mga lalaki ring dolls na siguradong nakaka-enjoy laruin. Mayroong dagdag na feature ang laro na kung saan makikita mo ang mga sinasabi at opinyon ng ibang manlalaro tungkol sa isang partikular na karakter. Mababasa rito ang mga ideya na makakatulong sa iyo para bumuo ng sariling team. Kung hindi naman ay mag-simp lang kasama ang ibang mga manlalaro. 

Revived Witch - Laro Reviews

Revived Witch – Laro Reviews

Bukod sa mga nabanggit, sinamahan pa ito ng 2D pixel-style na mas nagbigay dagdag-kagandahan sa kabuuang visual ng laro. Makakaramdam ka ng nostalgia mula sa mga classic video games na nilalaro noon. Bukod sa mga nabanggit, nilangkapan pa ito ng mahuhusay na Japanese voice actors at actresses na mas nagbigay buhay sa pagkakaroon ng anime aesthetic. Maganda rin ang mga musikang ginamit na nagbigay diin kung mahikal o intense ang atmospera ng laro. Patuloy na umuusbong ang daloy ng istorya kung kaya’t marami pang aabangangan ang mga manlalaro. 

Ngunit sa kabila nito, kailangan pang ayusin ng game developer ang touch gameplay ng Revived Witch. Sa tuwing ginagawa ang main quest, may mga pagkakataong hindi ito nagiging swabe at kailangan pang magpaulit-ulit na tantiyahin ang lokasyon bago mabuksan ang chests o iba pang mga bagay na may interaksyon sa karakter. Mainam din kung aayusin ang isyu ng bugs na nagdudulot ng biglang pagka-crash ng app nang hindi inaasahan.

Konklusyon

Bilang pagbubuod, ang Revived Witch ay isang nakahuhumaling na laro – mula sa makukulay at anime aesthetic na visual, hanggang sa background music at lore nito. Bukod pa rito, sinamahan pa ng nakaka-miss na 2D pixel-style na disenyo na tiyak ay nagdulot ng nostalgia sa mga manlalaro. Kung sa tingin mo ay handa ka nang iligtas ang mundo at tuklasin ang katotohanan sa iyong pagkatao, i-download na ang Revived Witch!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...