Infinity Kingdom Review

Ang Infinity Kingdom ay isang napakalaking multiplayer game na nasa strategic at decision making category ng mga laro. Ito ay binuo at dinevelop ng Youzu (Singapore) Pte. Ltd at Youzu Games Hongkong Limited. Una itong inilabas noong Enero 13, 2021 at mayroon na ngayong mahigit sa 1,000,000 user-installations. Ginawa ng Infinity Kingdom ang kanilang pinakabagong update sa laro noong Enero 12, 2022 at ito ay may kasalukuyang bersyon na 1.8.2. Sa ngayon, nakakuha ang Infinity Kingdom ng 4.4/5 na rating sa Google Play Store at 4.8/5 na rating naman sa Apps Store. Ang Infinity Kingdom ay may estilong cartoon at isang pangmaramihang laro o multiplayer online game. Kilala rin ito bilang “MMORTS”. Ang mga manlalaro ay mararanasan ang pagiging isang panginoong madiskarte at may layuning protektahan ang kanilang lupain ng Norheim laban sa mga masasamang gnome at panatilihing protektado ang kanilang sarili mula sa mga pag-atake ng iba pang mga manlalaro. Ang kwento ay nagsimula sa kung ano ang nangyari ilang taon na ang nakalipas, kung saan ang mga gnome ay pinasabog ang depensa sa hilagang nagresulta sa mga hukbo upang magsimula ng digmaan.

Ano ang Layunin ng Laro?

Kailangang makontrol ng mga manlalaro ang bawat lungsod para mahanap ang Infinity. Sila ay kailangang maging isang maparaan, matalino at malakas na pinuno para maging malakas at matatag ang kaharian laban sa lahat ng mananakop at talunin ang mga masasamang gnome at ibalik ang kapayapaan sa buong kaharian.

Infinity Kingdom - Laro Reviews

Infinity Kingdom – Laro Reviews

Paano laruin ang Infinity Kingdom?

Sa simula ng paglalaro ng Infinity Kingdom, darating ang mga manlalaro sa sarili nilang kaharian at gagampanan ang papel bilang isang hari. Ang unang bagay na gagawin ng manlalaro ay tuklasin ang buong kaharian at maging pamilyar sa lahat ng mga lugar at pag-aralan kung paano gumagana ang mga bagay sa bawat lugar. Ang unang layunin ng manlalaro ay magkaroon ng mas mahusay at mas malakas na mga defensive wall na ang ibig sabihin ay kailangang i-upgrade ng player ang mga pader para sa mas mahusay at mas matatag na proteksyon laban sa mga mananakop. Ang pangalawang gawain ng player bilang isang hari ay i-upgrade ang iyong mga dragon para maging mas malakas ang mga ito para sa mga labanan. Pagkatapos nito, kailangang suriin ng hari ang mga mandirigma nito at palakasin din sila at gawing bihasa sa larangan ng pakikipaglaban. Ang manlalaro ay pipili kung anong elemento ang magiging kapangyarihan o lakas ng kanyang magiging mandirigma. Ang mga opsyon sa elemento ay tubig, apoy, hangin, liwanag at lupa. May isang seksyon sa kaharian na tinatawag na Helen of Troy – Matchless Beauty kung saan ang mga nakalistang gawain bawat araw na dapat kumpletuhin ng mga manlalaro upang makuha ang reward na makakatulong sa kaharian ay mag-upgrade at maging mas malakas. Ang mga manlalaro ay magkakaroon din ng pagkakataong makakuha ng mga reward sa araw-araw na pag-sign in. Sila ay maaaring sumali sa isang aktibong alyansang makakatulong sa kanila at sa oras na ang kaalyansa nila ay online, pwede silang tulungang pabilisin ang mga gawain o misyon sa kaharian sa pamamagitan ng pagpindot sa help button. Sa parehong paraan ng paglalaro, maaari rin nilang tulungan ang kanilang mga kasama. Ang pagsali sa isang alyansa ang magbibigay-daan sa mga manlalarong magkaroon ng access sa alliance shop kung saan sila makakabili ng mga bagay o sandata para sa kaharian. Kapag ang mga manlalaro ay nag-upgrade ng kanilang mga kastilyo, sila ay magkakaroon din ng mas maraming tulong mula sa alyansa at ito rin ay makakatulong sa pag-upgrade ng iba pang lugar sa kaharian.

Paano Mag-download ng Infinity Kingdom?

Ayon sa Laro Reviews, ang Infinity Kingdom ay libreng laro na pwedeng i-download ng lahat. Para sa sinumang gustong maglaro ng Infinity Kingdom maaari nila itong i-download sa kanilang mga device mapa-Android man o iOS. Para sa mga gumagamit ng Android mobile phones, hanapin lamang ang laro sa Google Play Store at para naman sa mga iOS user, hanapin ang laro sa Apps Store. Dahil ito ay isang libreng laro, hindi na kakailanganin ng mga customer na gamitin ang kanilang credit card para i-download ito. Ngunit sa Infinity Kingdom, may mga item na mabibili sa laro na matutulungan ang mga manlalarong gumawa ng higit pang mga gawain.

Download Infinity Kingdom on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gtarcade.ioe.global

Download Infinity Kingdom on iOS https://apps.apple.com/us/app/infinity-kingdom/id1487451427#?platform=iphone

Infinity Kingdom - Laro Reviews

Infinity Kingdom – Laro Reviews

Mga Hakbang para Gumawa ng Account sa Infinity Kingdom

Sa sandaling nai-download na ang laro at nagsimulang maglaro nito, hihilingin sa user na mag-sign up o mag-log in sa kanilang account. Para sa lahat ng user ng Android, maaari silang gumawa o mag-log in sa kanilang Google Play Store account habang para sa mga iOS user naman ay maaaring gumawa o mag-log in sa kanilang Apple ID account.

Para sa mga Android user, ang kanilang mga device ay dapat na may version na 5.0 o mas mataas at ito rin ay dapat na may sapat na storage para sa 93 MB na size ng laro.

Related Posts:

Counter:Side Review

Lotsa Slots – Casino Games Review

Para naman sa mga gumagamit ng iOS, ang kanilang mga device ay dapat na may version na 9.0 o mas bago at may storage na 1.6GB.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

May mga tip para tulungan at gabayan ang mga manlalaro sa paglalaro ng Infinity Kingdom ayon sa Laro Reviews. Ang unang tip ay sundin ang misyon ng kabanata kung saan ang kaharian ay may mga gawain at layunin upang matiyak na magiging abala ang mga manlalaro sa tuwing magla-log in sila sa laro. Ang pagsunod sa misyon ng kabanata ay makakatulong sa mga manlalarong magtuon sa mga bagay na makakatulong sa kaharian upang umunlad. Isa pang tip ay ang maging handa at magsanay gumawa ng mga bagay nang sabay-sabay o multitasking. Ito ay dahil ang pagiging hari ay maraming responsibilidad sa pamamahala ng isang buong kaharian. Ang hari ay maraming mga gawain tulad ng pag-a-upgrade ng linya ng mga hukbo at pagsasanay sa mga mandirigma. Ang susunod na tip ay makakatulong sa manlalarong pabilisin ang mga bagay o gawain sa kaharian, at iyon ay ang pagsali sa aktibong alyansang makakatulong sa kaharian ng manlalarong pabilisin ang proseso sa pag-a-upgrade ng mga lugar sa kaharian.

Infinity Kingdom - Laro Reviews

Infinity Kingdom – Laro Reviews

Pros at Cons ng Infinity Kingdom

Ang graphics ng Infinity Kingdom ay mahusay at nakamamangha. Ang mga kombinasyon ng kulay at ang kinis ng itsura nito ay talagang maganda. Dumagdag pa ritong ang laro ay libre at pwede sa lahat ng devices. Ang laro ay maraming magagandang features na talagang kinagigiliwan ng marami, gaya ng pagpayag sa mga manlalarong magkaroon ng mga opsyon kung anong elemento ang ilalapat sa kanilang mga hukbo na isang cool feature na wala sa ibang laro. Maraming manlalaro ang natutuwang maglaro nito dahil sa ito ay madaling maunawaan at laruin. Masayang malaman na ang laro ay available o pwede sa mga mobile phone dahil dito ay mararanasan ng mga manlalaro ang pagiging isang panginoon sa isang kahariang hindi kailangang magbayad para rito. Sa kabilang banda, mayroon ding ilang bagay na hinihiling ang mga manlalaro sa Infinity Kingdom tulad ng mas kaunting oras sa pag-upgrade, dahil literal na tumatagal ng isang araw o higit pa ang proseso ng pag-a-upgrade. Kung gumawa sila ng isang update, marami ang umaasa na ang pag-usad ng pag-a-upgrade ay matugunan ang mga inaasahan ng lahat. Ang isa pang isyu ay kapag sinusubukang makipag-ugnayan sa customer service kung saan ay tumutugon lang sila gamit ang copy-paste responses at hindi talaga nagbibigay ng aksyon sa isyu na ini-report sa kanila. Marami ang umaasa na ang Infinity Kingdom ay magkakaroon ng mas mahusay na serbisyo para sa lahat ng kanilang mga customer at talagang gumawa ng ilang mga aksyon upang matulungan ang bawat manlalaro. Maliban doon, ang Infinity Kingdom ay isang mahusay na laro at ito ay kagiliw-giliw.

Ang Pangkalahatang-ideya ng Laro

Ang Infinity Kingdom ay isang libreng strategic at multiplayer na larong kinagigiliwan ng marami lalo na’t para sa mga teenager na mahilig maglaro ng multiplayer. Ito ay nagbibigay-daan sa kanilang makipaglaro kasama ang kanilang mga kaibigan. Ang mga feature ng laro ay nakakaengganyo sa mga manlalaro. Ang Infinity Kingdom ay pinupukaw ang interest ng bawat manlalaro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...