PUBG MOBILE: Arcane Review

Magagawa mong maglaro bilang mga bayani ng Arcane sa bagong PUBG Mobile mode na ito. Ang Tencent ay nagpapakilala ng bagong mode sa PUBG Mobile na nagpapahintulot sa mga manlalaro na makidigma tulad ng mga kampeon sa League of Legends. Ang battle royale game na ito ay nakianib sa Riot’s Arcane animation series para mailagay ang Runeterra sa PUBG Mobile. Ang unang pagsilip sa bagong mode na ito ay mula sa isang post sa social media. Sa kalye ng Piltover at Zaun, magagawa mong gumanap bilang Jinx, Vi, Caitlyn, at Jayce. Inilalarawan din ng laro na ang bawat kampeon ay may kakaibang kapangyarihan na ginagamit nila kapag nakikipaglaban sa isa’t isa.

Hindi malinaw kung ang mga bagong feature ay ipapasok sa battle royale mode o kung magiging available lang ang mga ito sa mas maliit na format tulad ng TDM. Hindi na kailangan pang maghintay ng matagal ang mga manlalaro dahil magiging available na ito sa PUBG Mobile version 1.7 mula pa noong Nobyembre 15.

Samantala, maaari mo nang panoorin ang anim na episodes ng Arcane, na nangunguna ngayon sa Netflix rankings sa buong mundo. Ang pangalawang yugto ng serye na inilunsad kamakailan lang ay pinapurihan dahil sa natatanging galing ng pagkakagawa nito. Samantala, ang pangwakas o final act ay ipinalabas naman noong Nobyembre 20.

PUBG MOBILE Arcane

PUBG MOBILE Arcane

Netflix Hot Series

Ang League of Legends ay nasa PUBG Mobile na! Upang gunitain ang premiere ng Riot Games at Netflix’s League of Legends animated series na Arcane, maraming karakter at kagamitan mula sa Runeterra realm ang idinagdag sa mobile battle royale game. Ang pagsasanib-pwersa na ito ay inihayag kamakailan lang sa pamamagitan ng isang clip na nagtatampok ng PUBG Mobile characters na may Arcane-style animation.

Ang mga character, artifact, game mode, at mga lugar mula sa Arcane at League of Legends universes ay isasama sa PUBG Mobile bilang bahagi ng susunod na pangunahing update sa content ng laro. Ang anunsyo para sa PUBG Mobile ay hindi nagsasaad kung ano ang magiging features ng larong ito, ngunit batay sa mga larawang naka-display, mukhang si Jinx, Vi, Jayce, at Caitlyn – na pawang mga  pangunahing karakter sa Arcane – ay papunta na sa Erangel.

Ang PUBG Mobile ay nagkaroon ng maraming partnership at crossovers sa buong taon, mula sa mga cartoons hanggang sa mga K-Pop idols. Ang mga crossover sa pagitan ng League of Legends at iba pang mga laro, sa kabilang banda, ay medyo hindi pangkaraniwan. Ang mga laro ng Riot ay may cross over na rin, ngunit hindi pa naipapakita ang mga bagong gaming worlds hanggang sa kasalukuyan.

Ang lahat ng bagong nilalaman ng Arcane ay inaasahang kasama sa PUBG Mobile na may game patch na 1.7, na nagsimula noong Nobyembre 16. Kung handa ka nang umpisahan ang laro, i-download mo na ito gamit ang sumusunod na links:

  • Download PUBG MOBILE: Arcane on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tencent.ig&hl=en&gl=US
  • Download PUBG MOBILE  Arcane on iOS https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tencent.ig&hl=en&gl=US
  • Download PUBG MOBILE  Arcane on  PC http://safariforwindows.online/app/1330123889/pubg-mobile-arcane
PUBG MOBILE Arcane

PUBG MOBILE Arcane

Paano laruin ang PUBG Mobile: Arcane?

Inilagay ng PUBG Mobile sa mobile devices ang lahat ng gusto mo mula sa orihinal na laro. Habang nananatili ang karamihan sa pangunahing gameplay, mayroong ilang mga kapansin-pansing pagbabago. Halimbawa, mayroong auto-looting, na lalong nagpapakita ng pangkalahatang tema ng laro na nakatuon sa isang action-oriented gameplay. Hindi lang iyan! Mas pinatindi pa ang aksyon sa bagong Arcade Mode ng laro, na nililimitahan ang bilang ng mga manlalaro sa bawat laban – hanggang 28 lamang.

Ang Arcade Mode ay may isang mas makitid na espasyo, kung saan ang kinatatakutang blue zone ay magpapakita nang mas mabilis, pagkatapos ay mabilis ding maglalaho bago pa man ito lumapag. Dahil ang mga laro ay mas pinaikli sa puntong ito, mas kakaunti ang pagkakataon para makadilihensiya ng mga loot. At dahil mas maliit na ang play area, mas maraming beses na maghaharap-harap ang mga manlalaro, kaya’t ang pagiging agresibo at paglipol sa mga kalaban ay mahalaga. Kung ihahambing sa isang Classic Mode game, ang Arcade Mode ay mas angat dahil hinihikayat nito ang mga manlalaro na maging mas matapang at malakas ang loob upang manalo.

PUBG MOBILE Arcane

PUBG MOBILE Arcane

PUBG MOBILE: Arcane Review

Sa paglabas ng PUBG: New State (link) para sa iOS at Android, ang PUBG Mobile (free) ay patuloy na nakakakuha ng mga pangunahing update at pagpapahusay sa feature, kabilang na ang 1.7 patch ngayon. Para sa iOS devices, kailangang maglaan ng 1.68GB para sa PUBG Mobile 1.7, habang 690MB naman kapag ida-download ang update sa Android. Ang bagong Mirror World, kung saan pinagsama ang dalawang dimensyon ay isa sa mga atraksyon ng laro. Maaari kang makipaglaban bilang Arcane characters tulad nina Jinx, Caitlyn, Vi, Jayce, at iba pa, gamit ang mga bagong armas at nadiskubreng talento. Ang Royale Pass Month 5: Mirror Realm ay magiging available mula Nobyembre 19 hanggang Disyembre 19. Kasama sa mga nagbabalik na mode ang Vikendi, Metro Royale, Runic Power, at marami pang iba.

Related Posts:

Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game Review

Lords Mobile: Tower Defense Review

Sa kabuuan, totoo naman ang mga nakamamanghang bagay sa laro tulad ng ipinapakita sa teasers nito. Narito rin ang karamihan sa mga features na hinahanap ko sa PUBG. Dahil popular ang larong ito sa mga gamers, inaasahan ko na makaranas ng mas pinatinding laban at hindi naman ako nabigo. Isa lang siguro ang maipupuna ko. Nakakadismayang malaman na napakaraming pasaway na manlalaro na pumapatay sa sarili nilang mga kasamahan sa koponan. Sana ay mapansin ito ng developers at permanenteng ma-ban ang kanilang mga account.

Huli na rin nang matuklasan kong kapag umalis ka sa laro o na-close mo ang app pagkatapos mong  mamatay sa laro ay hindi ka makakakuha ng credit kahit ano pang galing mo (sa pagpatay, paninira, pagpapagaling sa sarili, atbp.) sa huling laro. Ang tanging paraan para makatanggap ng credit ay manatili at manood hanggang sa mamatay ang pinakahuling miyembro ng squad. Bakit naman kailangan pang mag-antay ng 20-30 minuto para makuha ang reward ng mga nagawa mo sa laro? Ang saklap!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...