PUBG: New State Review

Ang PUBG:New State ay isang multiplayer online battle royale video game na may futuristic na tema. Ginawa ito ng PUBG Studios at ipinakilala ng Krafton. Noong Nobyembre 11, 2021, inilunsad ang laro para sa iOS at Android sa pamamagitan ng App Store, Google Play Store, at Galaxy Store.

Ang PUBG: New State ay may layuning magbigay sa mga manlalaro ng isang kakaiba at hindi malilimutang karanasan sa paglalaro. Ang PUBG Studios ay pinili ng Krafton, isang South Korean publisher, para gumawa ng PUBG: New State. Dati, ipinakita ng kumpanya ang potensyal nito sa orihinal na PUBG: Battlegrounds para sa mga PC at console. Gayunpaman, upang makipagkumpitensya sa PUBG: New State sa India, ang Krafton ay nagkaroon ng eksklusibong pamagat – ang Battlegrounds Mobile India (BGMI).

Kahit na ang setting sa PUBG: New State ay nakatakda sa taong 2051, ang gameplay ay walang halos ipinagkaiba sa PUBG Mobile at BGMI. Gayunpaman, ang ito ay puno ng mga bagong armas pati na rin ng mga sasakyan na inaasahang makikita sa hinaharap, tulad ng mga de-kuryenteng sasakyan at drones.

Sa ilang aspeto, tila isa itong isang reduced version ng PUBG para sa PC na inilabas noong 2017. Ang PUBG: New State ay may upgraded visuals na nangangailangan ng sapat na kakayahan mula sa iyong smartphone. Gayunpaman, walang tinukoy na anumang pangunahing mga detalye ng hardware para sa app, at ito ay theoretically compatible sa lahat ng devices na may Android 6.0, iOS 13, o iPadOS 13.

PUBG NEW STATE

PUBG NEW STATE

Nabuo ang PUBG: New State ng mahigit isang taon matapos i-ban ng gobyerno ng India ang PUBG Mobile. Nagkataon ding ilang buwan lamang noon nang magpasya ang Krafton na ibalik ang battle royale experience para sa Indian gamers sa pamamagitan ng BGMI – iyon nga ay ang PUBG Mobile. Kung gusto mo ring maranasan at mamangha sa mga bagong features nito, maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod:

  • Download PUBG: New State on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.pubg.newstate&hl=en&gl=US
  • Download PUBG: New State on iOS https://apps.apple.com/us/app/pubg-new-state/id1542727626
  • Download PUBG: New State on PC https://newstate.pubg.com/en/promotions/2021/newstatestyle

Ano ang mga bagong feature?

  1. Graphics na sobrang makatotohanan at sumusubok sa hangganan ng kayang gawin sa mobile gaming

Hinigitan ng PUBG: New State ang anumang naabot ng iba pang kakumpitensya nito pagdating sa mobile game  visuals dahil sa “global lighting” technology. Kaya ito ay mas kaaya-aya tingnan at laruin. Sobrang ramdam mo rin na nasa loob ka ng combat zone at isa ka na ngayong matikas at makapangyarihang mandirigma.

Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, isang malaki at makatotohanang open-world battleground na tanging PUBG Studios lamang ang makakagagawa ang nabuo. Maraming tao ang naniniwala na ang PUBG: New State ay may taglay na makabagong henerasyon ng PUBG visuals.

Bukod sa ultra-realistic visuals, marami pang paandar ang nasa laro. Heto na ang pagkakataong maranasan mo ang ultimate gaming experience sa PUBG. Hindi lang yan, dahil sa Vulkan(API) nagiging consistent ang takbo ng laro na may mas pinahusay na performance at optimization.

  1. Gunplay na mas makatotohanan at maaksyon

Ang PUBG: New State ay ganap nang na-optimize para magamit sa mobile devices. Mae-enjoy mo na anumang oras ang PUBG gunplayTM. Gamit ang natatanging weapon attachment system ng PUBG, maaari mo na rin ngayong i-personalize ang iyong armas upang maging akma sa nais mong paggamitan.

Ito na ang may pinakamatinding ibubuga pagdating sa gaming, isang makabagong era para sa paglalaro ng PUBG. At hindi pa riyan natatapos ang lahat. Inaasahang mas mapapaganda pa ng husto ang laro sa susunod. Damhin ang bangis ng gunplay kahit pa sa bahay lang naglalaro.

PUBG NEW STATE

PUBG NEW STATE

  1. Action-based interactive games na makabago at nagpapakita ng mga bagay sa hinaharap

Ito ang paborito ko sa mga naidagdag na features ng PUBG: New State. Alam na nating nasiyahan ang mga tao sa PUBG dahil sa pagtangkilik na natanggap nito mula sa buong mundo, ang pagkakaroon ng feature na ito sa bagong PUBG ay lalo pang nakadagdag sa mga dahilan ng pagkahumaling ng mga naglalaro nito.

Ang dodging, drone calls, at paghingi ng tulong ay kabilang sa mga bagong elemento na itinatampok sa PUBG: New State. Dahil sa mga ito ay mas nadagdagan pa ang intensity at kasiyahan sa paglalaro.

Sa PUBG: New State, maaari kang mabilis na makapag-navigate sa buong 8×8 open environment sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong sasakyan na tanging dito mo lamang makikita. Ang cool, hindi ba? Bukod pa riyan, mas nakakaengganyo para sa lahat ang karanasan sa paglalaro ng PUBG dahil sa maraming in-game goals na papabor sa mga manlalaro.

  1. Ang orihinal na mundo ng PUBG ay mas pinalawak.

Ilang dekada matapos mailabas ang unang PUBG, ang mga bagong grupo ay nabuo ng taong 2051 kung saan magulo ang paligid. Ang survival game ng bagong PUBG ay mas pinalawak pa sa pagdadagdag ng mga bagong terrain at lugar.

  1. Ang PUBG: New State ay hudyat ng simula para sa isang panibagong karanasan sa PUBG gaming

Ang PUBG: New State ay isang battle royale na ginawa ng PUBG gamers, para sa mga masugid na sumusubaybay sa PUBG. Ang PUBG: New State ang nagpauso ng prangkisa sa mobile devices at nanguna sa pagsisimula ng makabagong gaming era.

Ang mga tampok sa pinakabagong laro ang naging kalamangan nito. Ang lahat ng may gusto sa PUBG ay dapat mag-download at maglaro ng bago at mas pinahusay na bersyon ng laro. At sa mga hindi pa nakakasubok nito, huwag nang magpatumpik-tumpik pa! Sigurado akong maho-hook ka kaagad kapag sinubukan mo ito at magtatawag ka pa ng mga kasama para mas tumodo ang kasiyahan. 

Related Posts:

PUBG MOBILE: Arcane Review

Pubg Mobile: Resistance Review

PUBG NEW STATE

PUBG NEW STATE

Mga Pagsusuri para sa PUBG: New State 

Ang PUB: New State ay gumamit ng makabagong teknik at rendering technology para mapantayan ng mobile gaming experience ang anumang kayang ibigay ng PC version nito, kasama na ang mga features tulad ng global illumination, auto-instancing at auto-exposure. Hindi lang users na may matataas na uri ng mobile devices ang makikinabang sa mas pinagandang visuals ng laro. Ayon sa Krafton, ginawan nila ng paraan na ma-optimize ang laro para maabot ang lahat ng may nais sumubok nito. Para sa iPhone users, basta’t nasa iOS 13 o higit pa at gamit ang iPhone 6S ay maaari nang makapaglaro. Para sa Android naman, OS 6 sa kahit anong device na mayroong 2GB RAM pataas ang kailangan para mapagana ito.

Ilang manlalaro ang nagsabing nagkaka-lag ang laro matapos itong mailabas sa publiko. Sinubukan itong apulahin ng publisher at agad na naglabas ng update para matugunan ang isyu. Gayunpaman, nalampasan ng PUBG: New State ang isang milyong downloads sa Google Play wala pang isang linggo mula nang ilabas ito. Ipinapahiwatig lang nito na pangalan pa lang ay sapat na upang masundan nito ang naging tagumpay ng PUBG Mobile at BGMI.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...