Ang Pusoy dos lang naman ay isa sa paboritong larong baraha ng mga tao. Kahit saan ay makakakita ka ng mga taong naglalaro nito aktwal man o sa elektronikong paraan. Mas lalo pa nga itong naging sikat ng ito ay dinala na sa mga mobile device para laruin. Ngayon, marami ng gambling app ang nagtatampok ng Pusoy dos kung saan maaari ka na rin tumaya at manalo ng totoong pera. Kaya hindi na nagdalawang-isip ang Laro Reviews na tuklasin kung paano ito laruin at kumita! Ibabahagi namin sa artikulong ito lahat ng kaalaman na kailangan mong malaman tungkol sa Pusoy dos.
Contents
- 1 Ano ang Pusoy dos at bakit ito paborito ng maraming tao?
- 2 Detalyadong tagubilin kung paano laruin ang Pusoy dos
- 3 Tips sa paglalaro ng Pusoy dos na siguradong magpapanalo sa iyo!
- 4 Mga aplikasyon na mayroong Pusoy dos
- 5 Bakit hanggang ngayon paborito pa rin ng marami ang tradisyunal na larong Pusoy?
- 6 Konklusyon
Ano ang Pusoy dos at bakit ito paborito ng maraming tao?
Paano ba naman kasi hindi maaaliw ang mga tao sa larong Pusoy dos, e sobrang dali lang nitong laruin. Ang iba ay nilalaro ito bilang pampalipas-oras lamang at ang iba naman ay sinasamahan ito ng taya upang mas nakakaengganyo ang bawat round. Ang Pusoy dos ay kilala rin sa tawag na Filipino Poker, Chikicha, o Sikitcha at ito ay makikitang nilalaro hindi lamang sa lugar ng Asya kundi sa buong mundo.
Ito ay nilalaro gamit ang karaniwang 52 card deck na maaaring laruin ng 2-4 players. Ang Pusoy dos ay may sinusunod na pointing system kung saan nakabatay ang lakas ng baraha sa pagkakaayos at ranggo ng iyong hawak na baraha. Kaya naman sobrang mapaghamon ang larong ito dahil mahahasa talaga ang kakayahan mong bumuo ng diskarte habang naglalaro.
Detalyadong tagubilin kung paano laruin ang Pusoy dos
Sa seksyong ito matatagpuan ang kabuuang mekaniks ng how to play Pusoy dos. Ito ay kumpletong tatalakayin ng Laro Reviews kaya basahin mabuti ang bawat impormasyon na aming ibabahagi.
Number of players:
Ang Pusoy dos ay maaaring laruin ng 2, 3, o 4 players. Ang layunin ng Pusoy.dos ay paunahan maubos ang hawak na baraha upang manalo sa round. Kung walang makakagawa ng unang layunin, ang pangalawang dapat gawin ay magkaroon ng kaunting baraha hangga’t maaari. Ang mga baraha ay maaaring laruin nang hiwalay o sa ilang mga kumbinasyon gamit ang poker hand rankings.
Deck of cards:
Ito ay ginagamitan ng karaniwang 52 card deck. Tandaan, ito ay may sinusunod na suit order kung saan diamond ang pinakamataas na ranggo at club naman ang pinakamababa.
Suit order:
2 ang pinakamataas at 3 naman ang pinakamababang baraha.
How to distribute cards:
Sisimulang balasahin ng dealer ang deck at pagkatapos ay ibabahagi ang mga baraha alinman sa clockwise o counter-clockwise na paraan hanggang sa bawat player ay maglaroon ng 13 na baraha. Kapag tatlong manlalaro ang kasali, alinman sa 39 o 51 na baraha ay maaaring ibigay (13 o 17 baraha bawat manlalaro). Sa ilang mga variation, ang deck ay dapat na balasahing muli kung sinumang manlalaro ang magkakaroon ng lahat ng apat na barahang 2, 2 2 2 2.
How to play:
Magsisimula ang laro kapag ang manlalaro na may hawak ng pinakamababang baraha ay ginamit ang barahang 3 o isang valid na kumbinasyon ng baraha kasama ang 3 Ang mga baraha ay dapat na nakataob sa gitna ng table at pagkatapos ang laro ay magpapatuloy sa clockwise o counterclockwise na paraan.
Ang susunod na manlalaro ay dapat maglaro ng mas mataas na kumbinasyon ng parehong bilang ng mga baraha o magpasa kung walang mga baraha. Kapag nagpasa ang isang manlalaro, hindi sila makakabalik hanggang sa magsimula ang isang bagong round. Kung magpasa ang lahat ng manlalaro, ang taong huling naglagay ng kumbinasyon ng baraha ay magsisimula ng bagong round sa pamamagitan ng paglalaro ng anumang baraha o valid na kumbinasyon ng baraha.
Pusoy dos rules
Ang bawat manlalaro ay dapat sundin ang Pusoy dos rules. Ito ang sinusunod upang maging maayos at patas ang bawat round sa paglalaro ng Pusoy dos.
Ang laro ay matatapos lamang kapag ang unang manlalarong maubos ang lahat ng kanyang mga baraha. Ang unang manlalarong makakagawa nito ay ang mananalo. Kung hindi ka man ang unang makagawa nito, ang layunin mo ay magkaroon ng kaunting baraha hangga’t maaari sa pagtatapos ng laro. Sa ilang variation ng Pusoy dos online, nagpapatuloy ang paglalaro hanggang sa isang tao na lang ang may hawak na baraha.
Isa pang patakaran na dapat sundin; Ang lahat ng mga manlalaro ay may karapatang malaman ang bilang ng mga card na hawak ng bawat manlalaro anumang oras, at dapat kang sumagot nang totoo kung tatanungin.
Tips sa paglalaro ng Pusoy dos na siguradong magpapanalo sa iyo!
Sundin lamang ang tips na ito mula sa Laro Reviews upang manalo at maging epektibong manlalaro ng Pusoy dos.
Ayusin nang maayos ang mga baraha
Kapag naglalaro ng anumang larong baraha, importante ang pagkakaroon ng organisadong ayos ng mga baraha. Ito ay upang maiwasan ang pagkalito sa gitna ng laro at para mas maging malinaw ang mga diskarteng gagamitin mo. Kung magulo ang pagkakaayos ng mga baraha magdudulot lamang ito ng pagkalito at maaaring mali-mali pa ang paggamit mo ng mga baraha. Hindi mo nagagamit ang advantage ng mga baraha mo kung hindi mo aayusin ang iyong mga baraha.
Huwag hahayaan na ang mga mahihinang baraha ay maging kahinaan mo
Kapag hindi kagandahan ang mga barahang napunta sa iyo, huwag kabahan agad. Sa halip, mag-isip kung ano ang mga posible mong magawa gamit ang mga barahang iyon. Tandaan na hindi mo lagi kasama ang swerte. Sa paglalaro ng anumang larong baraha, hindi lang diskarte ang sangkot kundi swerte rin. Gayunpaman, kahit nasa alanganing sitwasyon ka importanteng kalma ka lang habang naglalaro at huwag hayaan na maging kahinaan mo ito sa laro.
Obserbahan mabuti ang mga baraha ng kalaban
Sa Pusoy dos how to play posibleng malaman mo ang mga barahang hawak ng kalabang manlalaro. Paano? Simple lang obserbahan mo ang mga baraha na ibinababa niya. Kung magaling kang kumabisado ay mas magiging madali ito sa iyo. Isa ito sa pinaka-advantage mo sa paglalaro ng Pusoy dos na magdadala sa iyo sa tagumpay.
Gumamit ng mga espesyal na deck
Magiging advantage mo rin ang paggamit ng mga espesyal na deck. Malaki ang puntos na makukuha mo rito at maaaring makatulong sa iyo upang manalo. Huwag palalagpasin ang pagkakataong magamit ito para ng sa gayon malagay mo sa alanganing sitwasyon ang iyong mga kalabang manlalaro.
Huwag maglaro nang mabilis
Huwag magmamadali sa paglalaro at maglaro lamang ng may katamtamang bilis. Kailangan mong mag-isip sa bawat pagkakataon, sa ganitong paraan ay maayos mong nagagamit ang mga baraha na hawak na angkop sa diskarte na iyong gagawing. Kung magmamadali ka palagi, maaaaring mapadalas ang mga maling desisyon na magagawa mo. Kaya mag-iingat sa pagbaba ng mga baraha at pag-isipan ito nang mabuti. Gamitin ang nakalaan na oras sa pag-iisip dahil malaki ang tyansa mong manalo kung bawat pagkakataon na ibibigay sa iyo ay magagamit mo nang tama at maayos.
Alamin ang tamang diskarte
Maganda ang pagkakaroon ng maraming diskarte ngunit mas epektibo kung magkakaroon ka ng tamang diskarte sa angkop na sitwasyon. Nagiging mabisa lang ang isang diskarte kung nagagamit ito sa tamang sitwasyon. Kaya naman, magpatuloy lamang sa pag-eeksperimento para malaman mo ang iba’t ibang posibilidad na maaaring mangyari at matutukoy mo kung ano ang pinakamabisang diskarte sa lahat.
Magkaroon ng konsentrasyon sa paglalaro
Sa paglalaro ng Pusoy dos, hindi na dapat mawala ang pagkakaroon ng pokus. Kapag tama ang takbo ng iyong isip at nakatuon lamang ito sa paglalaro ng Pusoy dos mas lumalaki ang tyansa mong manalo. Makakatulong din ito upang maobserbahan mo ang mga galaw at baraha ng kalaban.
Mga aplikasyon na mayroong Pusoy dos
Sa panahon ngayon hindi mo na kinakailangan pang lumabas ng bahay para lang laruin ang Pusoy dos kasama ang mga kaibigan. Ngayon, marami ka ng masusubukang online Pusoy dos sa device tulad na lamang ng mga aplikasyong Pusoy dos Go at Pusoy dos zingplay.
Ngunit may isang mairerekomenda ang Laro Reviews na mas magugustuhan mo, ang Big Win Club. Ang Big Win Club ay kumpleto sa larong sugal at maaari mong subukan ang Pusoy dito. Sobrang user-friendly ng interdace kaya madali mo itong maiintindihan. Bukod pa rito ay maaari kang manalo ng totoong pera mula sa paglalaro ng mga tampok nito. Maraming gantimpala ang naghihintay sa iyo sa Big Win Club, kaya subukan mo na ito ngayon!
See more:
Bakit hanggang ngayon paborito pa rin ng marami ang tradisyunal na larong Pusoy?
Marahil isa ka sa mga nagtataka kung bakit marami pa rin ang tumatangkilik sa larong Pusoy kahit marami na ang larong makikita at masusubukan online o sa mga app store. Ito ay dahil sa kadahilanang hindi matutumbasan ng ibang larong elektroniko ang sayang binibigay ng larong Pusoy. Bukod pa rito, ito ay tradisyunal ng nilalaro ng mga tao sa maraming taon kaya hinding-hindi na ito maaalis pa sa kultura. Patuloy pa rin itong nagiging popular sa kabila ng maraming laro na ang nasa modernong konsepto na. Gayunpaman, hindi pa rin naman magpapahuli ang Pusoy at patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng magandang karanasan sa paglalaro at nakakatuwang libangan para sa lahat.
Ngayon kung isa ka sa napukaw ang interes ng larong Pusoy, maaari mong subukan ang Big Win Club. Sa Big Win Club marami kang masusubukan na larong sugal kabilang na ang larong Pusoy. Ang aplikasyon na ito ay nag-aalok ng mapagkakakitaan sa mga tao kaya maaari mo itong maging side job. Maaari kang manalo ng totoong pera mula sa paglalaro. Alam mo ba kung ano pa ang magandang balita? Walang limit withdrawal sa Big Win Club hindi tulad ng ibang gambling app. Hindi rin ito nakabatay sa VIP level ng manlalaro kaya malaya kang ilabas lahat ng pera sa laro papunta sa iyong payment account. Marami ka pang matutuklasan sa Big Win Club at ilan lamang ito sa pahapyaw na impormasyon kung gaano kaganda ang Big Win Club. Kaya subukan na ito ngayon na!
Konklusyon
Ang Pusoy dos ay sobrang nakakaaliw na laro na talagang nakakapawi ng pagod at umay sa ating pang-araw-araw na gawain. Lubos na nagpapasalamat hindi lang ang Laro Reviews kundi ang maraming tao na ang larong ito ay nananatili pa rin sa panahon ngayon. Kaya naman kung gusto mong sumubok pa ng ibang laro bukod sa Pusoy, i-download mo na sa iyong device ang Big Win Club.Sa Big Win Club, hindi ka lang malilibang, kikita ka pa ng totoong pera! Kumpleto ito sa mga larong sugal kaya hinding-hindi ka mababagot na paglaanan ito ng oras. Marami pang pa-premyo at gantimpala ang naghihintay sa iyo rito, kaya tara na!
- 0 Comment
- Casino Game Apps, Casual Game Apps
- April 4, 2023