Pusoy Dos: Rules, Strategies, and best app to play

Pusoy Dos. Isang card game na kilala rin sa tawag na Filipino poker, chikicha, o sikitcha. Nagsimula lamang ito sa Calauag, Quezon Province at sumikat na rin sa buong Pilipinas matapos ang ilang taon. Kalimitan itong nilalaro ng apat na players at paghahatian nila ang limampu’t dalawang cards. Kaya naman bawat isa sa kanila ay mayroong labintatlong baraha. Sa turn based game na ito, kailangan mong maunahang maubos ang iyong baraha. Gayunpaman, magagawa mo lamang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa iyong table.

Paano laruin ang Pusoy Dos?

Babalasahin ang mga baraha at ibibigay sa bawat player. Ang napagdesisyunang mauunang manlalaro ang siyang unang maglalagay ng kanyang card, at kailangan itong sundan ng susunod sa kanya. Hindi ka basta-basta makakapaglagay ng iyong baraha dahil kailangang mas mataas ang ranggo nito kaysa sa nauna. Ngunit kung wala kang mailalagay, kailangan mong mag-pass at ang kasunod mong player ang maglalagay ng kanyang cards. Magpapatuloy ang paglalaro, subalit matatapos ito oras na may maubusan ng baraha. 

Pusoy Dos: Rules, Strategies, and best app to play

Rules sa laro

Kung ikukumpara mo ang Pusoy Dos sa ibang sikat na card games, may makikita kang pagkakatulad. Gayunpaman, mayroon rin itong kaunting pagkakaiba.

Mayroong mga pagkakasunud-sunod na dapat mong sundan sa paglalagay ng iyong cards. Ang pinakamababang suit sa lahat ay ang Clubs, at mataas naman ang Spades. Sa kabilang banda, mas mataas sa kanila ang Hearts at pinakamataas naman ang Diamond sa lahat. Sa numero naman, ang pagkakasunud-sunod ng pinakamababa hanggang pinakamataas na ranggo ay ang 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, Jack, Queen, King, Ace, at 2. 

Maaari kang maglagay ng isang card lamang kung ikaw ang mauunang manlalaro o kung ito lamang ang card na mailalagay mo. Sa kabilang banda, mayroong iba’t ibang kumbinasyon ng cards na pwede mong ilagay tulad ng:

  • Pair o two-of-a-kind – Dalawang cards na may magkaparehong value at maaaring manggaling sa magkaibang suit.
  • Three-of-a-kind – Tatlong magkakatulad na cards mula sa magkaibang suits.
  • Four-of a-kind – Apat na magkakatulad na cards na may kasamang Kicker o naiibang card. 
  • Flush – limang cards na may magkakaparehong suits.
  • Full House – Kumbinasyon ng Pair at Three-of-a-kind.
  • Straight – Limang magkakasunud-sunod na barahang may iba’t ibang unit.
  • Straight Flush – Limang magkakasunod na barahang mula sa iisang unit.
  • Royal flush – Binubuo ito ng Jack, Queen, King, Ace, at 2 mula sa iisang unit

Big Win Strategies na Maaari mong Gamitin

Big Win Strategies na Maaari mong Gamitin

Kung inaakala mong swertihan lamang ang paglalaro ng Pusoy Dos, nagkakamali ka. Tulad ng iba pang card games, kailangan mo ng magandang diskarte para upang manalo sa ganitong klaseng mga laro. Kaya naman sundan lamang ang ilang tips na ibibigay sa iyo ng Laro Reviews.

Alamin ang kumbinasyon ng cards at ranking ng mga ito.

Isa ito sa mga pinakasimple ngunit pinakaimportante mong dapat gawin. Malaki ang advantage kapag alam mo kung anu-anong kumbinasyon ng mga baraha ang ilalagay mo sa iyong table dahil hindi sa lahat ng oras ay epektibo ang paglalapag ng isa o isang Pair na card. Bukod rito, kailangan mo ring malaman ang ranking nila upang makapagdesisyon ka kung anong baraha ang iyong ilalagay o iipunin sa iyong deck.

Huwag hayaang makapaglatag ang iyong kalaban.

Kung nakapaglaro ka na ng sikat na card game tulad ng UNO, maraming maiinis sa iyo kung gumamit ka ng Block card o anumang barahang magpipilit sa kanilang kumuha pa ng panibagong card. Imbes na mabawasan ang kanilang card, mas lalo pang madaragdagan ang mga ito. May pagkakahalintulad rin ito sa larong Pusoy Dos. Kung ikaw ang mauunang maglalapag, ilagay mo na ang kumbinasyon ng card na may pinakamataas na rank. Dahil dito, malaki ang tyansang mag-pass ang mga kalaban mo. Gayunpaman, may mga pagkakataon ring mayroon silang mailalatag at ikaw naman ang mawawalan ng ilalagay. Kaya gawin lamang ito ng may back up plan.

Tipirin ang cards.

Kung gusto mo namang maglaro ng Pusoy Dos game sa mas safe na paraan, maaari kang maglapag ng isa o Pair na cards. Siguraduhin lamang na huwag isama ang cards na maaari mong ilagay sa mga kumbinasyong tulad ng Straight, Flush, Full House at iba pa.

Pusoy Dos mobile apps

Pusoy Dos mobile apps

Ngayong nalaman mo na kung ano ang Pusoy Dos, paano ito laruin, at ang ilan sa mga diskarteng pwede mong gamitin, hindi na nakapagtatakang maghanap ka ng mga larong tungkol rito. Kaya narito ang ilang mobile games na inirerekomenda ng Laro Reviews para sa iyo.

Pusoy Dos Go – Free strategy Card Game!

Isa itong competitive multiplayer Pusoy Dos online game mula sa Spirejoy kung makakalaro ka ng Pusoy Dos kasama ang iba pang players. Bilang karagdagan, maaari mong malaro ang iba’t ibang features nito tulad ng Gold Mode, Home Table, Special Bonus, Hitpot, at iba pa. 

Pusoy Dos Zingplay

Mula naman ang mobile app na ito sa VNG ZingPlay Studio. Ang parehong developer ng mobile games tulad ng Pusoy ZingPlay – Chinese poker 13-card game online, Farming Paradise – Sky Garden, Pool ZingPlay Ultimate, at iba pa. Tulad ng naunang app, maaari kang makipaglaro sa ibang players sa real-time. Bilang karagdagan, pwede mo rin silang i-add sa iyong friend list.

Pusoy Dos Offline

Kung wala ka namang stable internet connection, maaari mong i-download ang mobile game na ito. Malalaro mo ito offline kaya maa-access mo ang Pusoy Dos Offline kahit saan. Bukod rito, maganda rin itong gamitin kung gusto mong magsanay sa paglalaro dahil mga AI ang makakalaban mo.

Big Win Club – Tongits Pusoy

Nababagay naman ang mobile casino game na ito kung naghahanap ka ng cashout app na maaari mong pagkakitaan. Ito ang unang laro ng developer na Andrew STD HK, ngunit mayroon na itong mahigit isandaang libong downloads. Bilang karagdagan, lumalaki na rin ang community nito at marami na rin ang nananalo rito. Isa ito sa mga real money betting game center dahil maaari mo itong pagkakitaan. Hindi lamang Pusoy Dos ang malalaro mo rito dahil pwede mo ring subukan ang Tarzan’s Treasure, Baccarat, Tongits, Pusoy, Color Games, at iba pa.

Konklusyon

Marami mang nahuhumaling sa mga Pusoy Dos app, ngunit mas sikat pa rin ang Tongits, Pusoy, at Lucky 9. Mas madaling matutunan ang mga larong ito at kadalasan itong nilalaro ng mga Pinoy. Gayunpaman, nasa tao pa rin ang desisyon kung anong laro ang pipiliin nila. Kaya parating maging responsable sa paglalaro ng anumang gambling games.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...