Para sa mga naghahanap ng larong may kakaibang konsepto subalit may kapana-panabik na hamong naghihintay sa iyo kada level, sigurado akong magugustuhan mo ang isang ito. Ito ay nilikha ng Devsisters Corporation, isang kumpanya mula sa South Korea na gumagawa ng mobile entertainment at gaming apps game developer na nagsimulang maitatag noong 2007. Kung nais mong laruin ang isa sa mahusay na larong kanilang ginawa, subukan mo ang Tape it Up! Limang taon na ang nakalilipas simula ng opisyal nilang inilabas ang larong ito noong Abril 2017.
Ang Tape it Up! ay isang casual at action game na may single-player mode. Ang graphics na ginamit sa larong ito ay pixelated. Ito ay isang digital art form kung saan ang mga imahe at pagkaka-edit ng laro ay base sa pixel art. Ito rin ang libre mong maida-download mula sa Google Play Store, App Store at kahit sa iyong personal computer o PC. Bukod sa libre mo itong makukuha offline game rin ito. Ibig sabihin hindi mo na kailangan ng data o internet connection para makapaglaro nito. Kahit nasaan ka mang lugar o anong oras mo pwede mo itong laruin.
Ang larong ito ay tungkol sa pagsasaayos mo ng mga kahong bukas gamit ang tape. Kailangan mong sarhan ang mga kahon sa pamamagitan ng iyong karakter bilang isa tape. Kakaiba man subalit puno ng aksyon kada level ang larong ito. Sigurado akong magugustuhan mo ang larong ito gaya ng iba kapag natutunan mo na kung paano ito laruin. Nasasabik ka na bang maglaro? Kung oo, basahin ang buong artikulo upang malaman ang iba pang detalye na makakatulong sa iyong paglalaro.
Contents
Features ng Tape it Up!
Iba’t ibang karakter – Maaari kang gumamit ng iba’t ibang karakter sa larong ito. Ang ilan sa pwede mong pagpilian ay ang Golden Tape, Red, Duct Tape, Purple, Mighty Duct, Kitty Cat at marami pang iba. Mayroon itong mahigit 40 na karakter at 30 background themes. Subalit ang ilang item ay hindi mo makukuha ng libre o gamit ang coins sa laro, kailangan mong bilhin ito gamit ang totoong pera.
Photo – Maaari ka ring kumuha ng larawan sa larong ito at ibahagi ito sa iba. Pindutin lang ang share button at kusa na itong kukuha ng sariling litrato kung nais mong maitala ang iyong paglalaro.
Gifts – Sa larong ito maaari kang ring makakuha ng iba’t ibang regalo. Possible itong naglalaman ng coins o mga item na magagamit mo sa laro. Maglaro lang at ipanalo ang bawat laban dahil may naghihintay na iba’t ibang premyo para sa iyo.
Misteryosong kahon – Sa larong ito, maaari kang makakita at makakuha sa iyong paglalaro ng mga kahong naglalaman ng kakaibang item. Maaaring may laman itong coins o dalhin ka nito sa ibang level.
Saan pwedeng i-download ang Tape it Up!?
Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download Tape it Up! on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.devsisters.icepixel.tapeit
Download Tape it Up! on iOS https://apps.apple.com/us/app/tape-it-up/id1147622827
Download Tape it Up! on PC https://www.gameloop.com/ph/game/casual/com.devsisters.icepixel.tapeit
Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ang Tape it Up!.
Tips at Tricks kung nais laruin ang Tape it Up!
Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Tape it Up!, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sa tutorial mode, ituturo sa iyo kung paano mo kokontrolin ang iyong karakter at kung ano ang mga dapat mong kunin sa laro. Sundin at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Sa ganitong paraan, mabilis mong matututunan kung paano laruin ang Tape it Up!.
Madali lang laruin ang Tape it Up! dahil simple lang ang mechanics at gameplay ng laro. Gagampanan mo ang karakter ng isang tape na layuning sarahan ang mga kahong nakabukas. Ang setting ng laro ay nasa loob ng isang pagawaan o isang factory. Trabaho mong ayusin at sarhang mabuti ang mga kahong nakabukas. Kapag nagawa mo iyon maaari kang makakuha ng mga coins. Iwasan lang na mahulog mula sa kahon upang hindi ka mataya. Isa lang ang iyong buhay kaya hindi ka pwedeng mataya agad kung nais mong makarating sa dulo ng level.
Ang bawat level ng larong ito ay magkakadugtong. Habang ikaw ay naglalaro nakakarating ka na rin sa iba’t ibang level. Kaya kapag napanatili mo ang iyong buhay ng matagal, makakarating ka hanggang level 10 o higit pa. Subalit kapag ikaw ay nataya, magsisimula ka uli sa level 1 ng laro. Maaari ka ring gumamit ng ibang karakter kung nais mong mas lumakas at tumibay ang iyong tape. Mayroong Duct Tape, Golden Tape, Mighty Duct at marami pang iba na maaari mong gamitin sa laro.
Kung nais mong ma-save ang progreso na nagawa mo sa laro, ikonekta lang ito sa iyong Facebook Account. Para kapag tapos ka ng maglaro, maaari mong balikan ang level kung saan ka natapos. Pati na rin ang dami ng coins na iyong nakolekta at naipon ay hindi mawawala. Makakakuha ka pa ng Tabby Cat kapag nag-log in ka gamit ang iyong Facebook.
Ilan lamang ito sa tips na dapat mong tandaan sa paglalaro ng Tape it Up!. Kung nais mo pa ng ibang gabay, maaari kang manood ng tutorial videos sa YouTube. Gamitin ng tama ang larong ito bilang isang libangan at hindi para magdulot ng masamang epekto sa iyo.
Pros at Cons ng Tape it Up!
Para sa Laro Reviews, ang Tape it Up! ay isang mahusay na laro. Nakakapukaw ang kakaibang konsepto ng larong ito kumpara sa ibang casual game. Hindi mo ito karaniwang makikita sa ibang laro. Maganda rin ang graphics ng laro dahil gumamit sila ng pixel art. Maayos at malinaw rin ang sound effects at background music na inilapat sa laro.
Dagdag pa rito, ang larong ito ay maaari ring laruin ng mga batang edad tatlo pataas. Wala itong anumang marahas na nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng mga bata, kabataan o matatanda. Libangan at kasiyahan lang ang hatid nito sa mga manlalaro. Kaya sigurado akong masisiyahan ang kahit na sino sa paglalaro ng Tape it Up!
Nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews ang larong ito sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang larong ito at ang kalidad ng graphics. Maganda rin daw ito dahil isa itong offline game. Tinawag rin ng iba ang larong ito na “work of art”, “amazing game”, at “cute and aesthetic”. Marami ang nagbigay ng 5 at 4 stars sa ratings nila sa laro. Subalit may mga nagkomento na nagkakaproblema raw sa pagda-download ng laro at pagbubukas nito. Palagi rin daw itong nagla-lag at nagiging paulit ulit na lang ang mga level.
Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app products gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱44 hanggang ₱130 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting sa pagbili kung ayaw mong gumastos.
Konklusyon
Sa ngayon, mayroon na rin itong 4.4/5 stars ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 1 milyong downloads ang larong ito at may mahigit 46,000 reviews ang naitala. Mayroon lamang din itong 31MB kaya hindi mo kailangan ng malaking space storage para makuha ang larong ito. Kaya kung nais mong masubukan itong laruin at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na ang Tape it Up! sa iyong device!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 25, 2022