The Farm : Sassy Princess Review

Nangangarap ka rin ba ng simple at mapayapang buhay sa nayon? Sa pamamagitan ng The Farm: Sassy Princess, pwede mong ma-enjoy ang matiwasay ngunit nakakalibang na pamumuhay na ito. Ito ay isang single-player simulation game na inilabas ng Daerisoft noong 2020.

Ang game plot ng larong ito ay tungkol sa isang prinsesa na iniwan ang kanyang marangyang buhay para makipagsapalaran at mamuhay sa isang mapayapa at simpleng bayan. Ang layunin ng mga manlalaro rito ay gampanan ang papel ng prinsesang ito at tulungan siyang mamuhay at palaguin ang kanyang farm. Para kumita ng sapat, kailangan nilang tuparin ang iba’t ibang farming tasks tulad ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga simple at de-kalidad na uri ng pananim. Maaari rin silang maglalakbay para mangisda at kumpletuhin ang iba’t ibang quests para makatulong sa mga taga-nayon. 

Paano I-download ang Laro?

Maaaring i-download ang game app na ito sa Android o iOS devices mula sa Play Store o kaya ay sa App Store. Sa kabilang banda, kung gusto mong laruin ito sa isang computer device, maaari mong i-download ang app at gumamit ng isang Android emulator upang ito ay i-run. Kung gusto mo ng mas madaling paraan upang mai-download ang laro, i-click lang ang mga link sa ibaba:

Download The Farm: Sassy Princess on Android https://laroreviews.com/the-farm-sassy-princess-review/

Download The Farm: Sassy Princess on iOS https://apps.apple.com/us/app/the-farm-sassy-princess/id1492424300

Download The Farm: Sassy Princess on PC https://www.gameloop.com/ph/game/adventure/the-farm-sassy-princess-on-pc

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Kung ikaw ay isa sa mga tagahanga ng mga kilalang farming game tulad ng Farmville at iba pa, oras na para subukan mo naman ang larong ito. Ipinagmamalaki nito ang bago at natatanging game plot, visuals, game characters at pamilyar nitong gameplay. Ito ay tungkol sa kwento ng isang prinsesa na iniwan ang kanyang kaharian at marangyang buhay upang mamuhay ng simple sa pamamagitan ng pagsasaka.

Handa ka na bang magtanim at magkaroon ng masaganang ani? Lahat ng baguhang manlalaro ay maaaring maglaro bilang isang guest. Pwede rin silang mag-sign in sa laro sa pamamagitan ng pag-link sa kanilang Google Play account. Lubos na iminumungkahi ng Laro Reviews na gawin mo ito dahil sa pamamagitan nito ay masi-save ang iyong game data. At kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan, pwede mong maibalik ang iyong game progress sa kahit na anong gaming devices. 


  • Gameplay

Sa larong ito, gagampanan mo ang karakter ng isang prinsesa na nagsisimula pa lamang sa kanyang farming adventure. Ang game currency na ginagamit dito ay tinatawag na Pam. Alalahanin na kung gusto mong makapagpatuloy sa larong ito, dapat kang maglaro ng madalas hangga’t maaari. Patuloy din kasing tumataas ang rent sa laro. Kinakailangan mong kumita ng sapat na halaga ng Pam dahil kung hindi, ikaw ay mapapaalis ng may-ari. Bagaman walang umiiral na rank system dito, ang featured rent system na ito ang nagsisilbing challenge sa mga manlalaro. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan nilang mag-level up. 

  • Game Characters

Bago magsimula ang aktwal laro, kailangan mong mamili ng character stats na iyong gagamitin. Ang lahat ng uri ng character stats dito ay may pros at cons na maaaring makaapekto sa iyong pangkalahatang gameplay. Mahalagang piliin ang opsyon na bagay sa iyong gaming style. Ang mga sumusunod ay ang apat na uri ng character stats na maaari mong pagpilian: 

STR – Ang character stats na ito ay may mataas na HP na pwede mong gamitin upang mas mapadali ang iyong farming activities. 

INT – Ang uring ito ay mainam piliin upang makagawa ng mas maraming tasks. Kapag ginamit mo kasi ito ay mabibigyan ka ng mas mahabang oras upang matapos ang kinakailangan mong gawin. 

LUK – Kung nais mong magkaroon ng mga high-grade na pananim, makakuha ng special items at de-kalidad na mga binhi, ito ang kailangan mo. 

Balance – Ito ang itinuturing na pinakamainam na character stats sa lahat dahil sa balanse nitong katangian. Kung nais mong makapagsimula ng maayos sa laro, piliin ito. 

Bago ka pa man makapagsimula sa farming activities, makikilala mo na ang non-playing characters na tampok sa larong ito. Ang una mong makakasalamuha dito ay ang village elder na si Pablo. Siya ang kinakailangan mong lapitan para malaman ang lahat ng tungkol sa farming. Maria naman ang pangalan ng game character na s’yang nagsisilbing tagapamahala ng farming tools shop. Siya ang dapat mong lapitan kung nais mong bumili ng kagamitan sa pagsasaka. Samantala, si Sam naman ang nagbibigay ng quests na kailangan mong kumpletuhin upang makakuha ng Pams.


  • Game Controls

Ang game controls sa The Farm: Sassy Princess ay simple at madaling gamitin. Ito ay isang simulation-adventure game kung saan kinakailangan mong pagalawin ang game character patungo sa isang partikular na lokasyon o kaya ay palapit sa mga NPC para makipag-ugnayan. Maaari mong makita ang control icons upang mapagalaw ang prinsesa sa nais mong direksyon sa kaliwang bahagi ng gaming screen. Upang makipag-usap naman sa NPC, dapat mo itong ilapit sa mismong character at i-tap ang OK button na nasa kanang bahagi ng gaming screen.

Pros at Cons ng The Farm: Sassy Princess

Maraming manlalaro ang napabilib dito dahil sa simple nitong konsepto ngunit nakakahumaling na gameplay. Mayroon din itong kaibig-ibig at kaakit-akit na game designs at graphics. Ang paggamit nito ng pixelated animation ay nagbibigay ng bago ngunit pamilyar na game theme. Tulad ng karaniwang farming games, mayroon itong simpleng mechanics at features na may kakaibang twists. Dahil sa rental system, hindi ito nagiging pangkaraniwan at boring tulad ng iba. Talagang susubukin nito ang galing mong kumita ng sapat na halaga ng in-game currency. Ang game controls nito ay gumagana ng maayos at smooth gamitin. Bukod pa rito, libre ring maida-download at malalaro ang gaming app.

Sa kabilang banda, hindi lahat ng mga manlalaro ay nasiyahan sa rito. Mayroong din itong technical issues tulad ng biglaang pagka-crash ng app. Tuwing nangyayari ito, maraming mga manlalaro ang nakakaranas ng biglang pagkawala ng kanilang game progress. Ang pagkakaroon nito ng bugs ay sumusubok din sa pasensya ng marami dahil nagdudulot ito ng pagkawala ng items at resources sa kanilang inventory. Nakakainis din ang madalas na paglabas ng ads sa laro. Gayundin, hindi lahat ay pabor sa rental system nito. Sa halip kasi na gawing mas challenging ang gameplay ay tila nagsisilbi itong parusa sa iba upang mapilitan silang maglaro ng mas madalas. Bukod dito, may mga pagkakataon ding nagiging masyadong sensitive ang game controls na negatibong nakakaapekto sa paglalaro. 

Konklusyon

Ang larong ito ay nakapagtala ng average rating na 4.3 stars mula sa halos 20,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda mayroon naman itong 4.6-star rating mula sa mahigit 100 reviews sa App Store. Kung nais mong sumubok ng kakaibang uri ng casual farming game, iminumungkahi ng Laro Reviews na huwag mo itong palampasin. Tandaan lamang na ang mga ganitong uri ng laro ay nagiging boring din sa katagalan kaya huwag mag-expect ng sobra. 

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...