Top Eleven Be a Soccer Manager Review

Maraming football management games sa mobile games ngayon. Sa paglipas ng panahon, para bang nasasapawan na ang mga naunang mobile games. Hindi natin maitatanggi na sa ebolusyon ng teknolohiya, maaaring magmukhang outdated ang mga lumang football manager games. Subalit, ang pioneers at classics sa genre na ito ay hindi mawawala. 

Ngayon, ang tatalakayin natin sa Laro Reviews ay isa sa mga naunang mobile games kung saan maaari kang maging isang manager ng isang football club. Sa artikulong ito, sasariwain natin ang katangian ng Top Eleven Be a Soccer Manager at kung ano ang features ng larong ito na sadyang kinagiliwan ng football fans sa lahat ng sulok ng mundo. 

Top Eleven Be a Soccer Manager

Ang Top Eleven Be a Soccer Manager ay isang football simulation game na ni-release ng Nordeus noong 2010. Isa ito sa mga unang mobile games tungkol sa pagiging isang football manager at naging available rin ito noon sa Facebook. Ginawa ang larong ito dahil walang gaanong football management games sa social media. 

Sa paglalaro mo ng Top Eleven Be a Soccer Manager, parang kang nagkaroon ng isang universe ng soccer leagues na matatangay mo kahit saan. Isang award-winning soccer game ang Top Eleven Be a Soccer Manager kung saan gagawa ka ng sarili mong football club, magdidisenyo ka ng football jerseys, hahanap ng advertisers, ia-upgrade ang iyong teritoryo, at mag-aasikaso ng mga manlalaro. 

Game features ng Top Eleven Be a Soccer Manager

May ilang icons sa game interface ng Top Eleven Be a Soccer Manager at lahat ng ito ay may kanya-kanyang silbi. Una rito ang News kung saan mo makikita ang mga available na sponsorships para sa football teams, mga players na patapos na ang kontrata, at mga players na nagretiro o magreretiro sa football pagkatapos ng kasalukuyang season. 

Ang pangalawang feature ng larong ito ay ang Squad. Sa icon na ito mo pwedeng buuin ang lineup, tactics, at formation ng iyong team. Bukod sa pagbuo ng plano para sa mga football games, sa tactics mo rin pwedeng makita ang skill line-up at komprehensibong character map ng iyong player upang malaman ang kanilang tactics, stats, health, at contract status. 

Samantala, maaari mong sanayin ang skills at tactics ng iyong mga manlalaro sa Training screen ng Top Eleven Be a Soccer Manager. Dito ka rin magtatalaga ng personal trainers para sa kanila. Ang personal trainers ang magbibigay ng ehersisyo at practice match sa mga manlalaro. Sa fixtures mo naman makikita ang oras at araw ng inyong football game. 

Kung gusto mong malaman ang team standings, resulta ng matches, top scorers, at iba pa, maaari kang pumunta sa Competitions. Samantala, sa Transfers mo naman makikita ang status ng mga manlalarong binenta mo sa ibang teams. Sa Finances screen, maaari mong i-manage ang iyong pera, sponsorship, at ticket prices para sa inyong football games kapag kayo ay nasa homecourt. 

May Stadium screen din sa larong ito kung saan mo pwedeng pataasin ang spectator capacity ng iyong stadium at maglagay ng maraming facilities. 

Saan maaaring i-download ang Top Eleven Be a Soccer Manager? 

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Top Eleven Be a Soccer Manager on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=eu.nordeus.topeleven.android

Download Top Eleven Be a Soccer Manager on iOS https://apps.apple.com/US/app/id459035295?mt=8&at=1l3vtpm&ct=te2015-direct

Download Top Eleven Be a Soccer Manager on PC https://www.microsoft.com/en-us/p/top-eleven-2022-be-a-soccer-manager/9n2ckl7x976c#activetab=pivot:overviewtab

Tips at Tricks para sa Top Eleven Be a Soccer Manager

Sa paglalaro ng Top Eleven Be a Soccer Manager, kailangan mong bumuo ng isang all-around na squad. Hindi mo kailangan ng isang team na sobrang galing, pero kung maaari, magkaroon ka dapat ng team na nasa 90% pataas ang rating. Mas mataas din ang probability ng iyong team na manalo kapag ikaw, ang manager, ay nasa attendance ng mga matches. 

Pagdating sa formation at mentality, kailangan na magkaroon ng isang balanced na formation at normal mentality ang iyong team. Kung mas nakatuon sa attacking o defending ang kanilang formation, dapat na nakalinya rin dito ang kanilang mentality. Para sa mga baguhang manlalaro, inirerekomenda ko ang hard attacking at hard defending. 

At kung gusto mong mas lalong gumaling ang iyong mga manlalaro, dapat ay laging sumasailalim ang iyong mga manlalaro sa training kung may pagkakataon. Sa Top Eleven Be a Soccer Manager, may tatlong uri ng training na pwedeng gawin ang iyong players. Ang mga ito ay match training, stretching, at cardio. 

Pros at Cons ng Top Eleven Be a Soccer Manager

Ang Top Eleven Be a Soccer Manager ay isang basic ngunit nakakahumaling na online version ng Football Manager na maaaring laruin on-the-go, at pwedeng isingit kapag may break sa trabaho. Nagbibigay ito ng detalye sa football na kamakailan lamang nagsimulang itampok tulad ng pagdidisenyo ng sarili mong stadium at pagli-link sa iyong mga kaibigan at kasamahan para maglaro ng friendly games. 

Pagdating sa visuals, sobrang positibo ng reception sa Top Eleven Be a Soccer Manager at nararapat lang na ibigay ang reception na ito sa developers ng laro. Sobrang detalyado ng texture ng stadiums, mga manlalaro, football, at iba pang elemento ng laro. Maaari mong ikumpara ang interface ng Top Eleven Be a Soccer Manager sa interface ng FIFA 2007-2010. 

Ang Top Eleven Be a Soccer Manager ay isang masaya at nakakaaliw na football manager game! Magtatrabaho ka bilang isang coach at organizer, at isang ganap na manager ng team. Maaari mong tingnan ang listahan ng iyong sariling koponan sa pangunahing menu ng laro, na maaari mong i-edit kung kinakailangan. Ang mga manlalaro na may mas mahusay na mga kasanayan ay maaaring mabili, ibenta, at mabuo.

Mula noong nasa Facebook pa lang ang Top Eleven Be a Soccer Manager hanggang ngayong nasa mobile na ito, masasabi mo na mahusay ang pagkakagawa sa larong ito. 

Konklusyon 

Sa pangkalahatan, ang laro ay dapat mong subukan kung mahilig ka sa mga laro kung saan ikaw ay nagiging isang football manager. Nag-aalok din ito ng real-time na pag-iiskedyul ng matches, na nagdaragdag ng pagiging totoo sa laro at, sa ilang mga paraan, iniiwasan ang pagpilit o gimping ng mga manlalaro na sobrang mag-focus dito.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...