Parte ba ng iyong pagkabata ang paglalaro ng Zuma na isang tile-matching puzzle game noong 2003? Kung gayon ay pwedeng-pwede mo nang balikan ang iyong nakaraan sa larong tatalakayin sa article na ito. Alamin kung ano ang inihanda ng Laro Reviews tungkol dito.
Ang Violas Quest: Marble Blast ay may gameplay na katulad ng Zuma kaya tiyak na mae-enjoy mo itong laruin. Ito ay isang match-3 marble shoot game na ginawa ng game developer na Two Desperados Ltd. Sila rin ang gumawa sa mga laro tulad ng Marble Woka Woka: Jungle Beast at Nono Crossing. Tulad ng ibang match-3 marble shoot games, magkapareho lang din ito ng gameplay at mechanics kaya hindi ka na mahihirapang mag-adjust kung pamilyar ka sa ganitong laro. Gayunpaman, marami itong handog na features na nagbibigay excitement at enjoyment sa manlalaro. Handa ka na ba sa challenge na subukan ang koordinasyon sa pagitan ng iyong mga kamay at mata?
Contents
Features ng Violas Quest: Marble Blast
Exciting Levels – Bukod sa napakaraming levels ang nakaabang na ito ay iyong laruin, iba-iba rin ang matutunghayan mo habang pataas nang pataas ang nararating mo sa laro. Dagdag kasiyahan ang dala ng bawat panibagong type ng level dito. Kaya walang duda na ang magiging nakakaadik ang quest pagdating sa pagiging challenging at enjoying.
Magical Garden – Hindi ka lang limitado sa pakukumpleto ng match-3 marble shoot game levels dahil maaari ka ring magdisenyo ng iyong garden. Kasabay ng paglalaro, pwede mo ring ipamalas ang iyong pagiging creative sa art! Kaya mahalagang malampasan mo ang bawat level para magawa ito.
Offline Mode – Dahil hindi na nito kailangan maging konektado sa Wi-Fi o mobile data para malaro, mae-enjoy pa rin itong laruin kahit nasaan ka man. Makikita pa rin ng manlalaro ang maganda nitong graphics kahit walang internet connection. Kaya walang hadlang upang patuloy mong i-explore ang realm ni Viola sa bawat panalo mo rito. Gayundin, tuluy-tuloy ang pag-unlock mo ng bagong chapters sa quest na ito!
Saan Pwedeng I-download ang Violas Quest: Marble Blast?
Sa bahaging ito ng article ituturo kung saan at paano i-download ang Violas Quest: Marble Blast. Available ang laro sa Android at iOS devices at para rin sa iyong PC. Gamit ang iyong mobile phone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman sa iOS users. Ilagay sa search bar ang pamagat ng laro. Kapag nahanap na ito, pindutin ang Install o Get button at hintaying matapos ang pag-download. Hindi na kailangang magbayad para i-download ang laro dahil free-to-play (F2P) ito. Buksan ang app at kumpletuhin ang lahat ng kailangan sa sign-in details. Pagkatapos ang lahat ng ito, pwede mo nang simulan ang paglalaro!
Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:
Download Violas Quest: Marble Blast on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.twodesperados.violasquest
Download Violas Quest: Marble Blast on iOS https://apps.apple.com/us/app/violas-quest-marble-blast/id1294293455
Download Violas Quest: Marble Blast on PC https://pcmac.download/app/1294293455/viola-s-quest-marble-blast
Tips at Tricks sa Paglalaro
Mayroon kang makikitang spiral path na dinadaanan ng marbles na may iba’t ibang kulay. Patuloy lamang ang paggalaw nito hanggang sa dulo ng linya. Ang layunin ng manlalaro ay mai-release ang mga dragonfly nang hindi umaabot sa dulo ang marbles. Kapag umabot ito sa dulo nang hindi mo pa nakukumpleto ang goal sa level, ibig sabihin ay natalo ka sa level na iyon. Huwag mag-alala kung nag-fail ka sa level dahil pwede ka ulit mag-retry pagkatapos nito. Gayunpaman, kung gumamit ka ng booster para sa level na iyon, mas mabuting ipanalo mo ang level na iyon. Huwag mo hayaang matalo ka lamang dahil kung hindi, masasayang lang ang ginamit mong boosters.
Para magawa ito, kailangan mong i-match ang magkakaparehong kulay na marbles. Gamit ang marble sa shooter na nakapwesto sa gitna ng spiral, gagamitin mo ito para i-shoot sa dalawa o higit pang marbles na may kapareho nitong kulay. Dagdag pa rito, makikita mong may dalawang marbles sa shooter sapagkat pwede mo itong i-switch sa pamamagitan ng pag-tap sa shooter.
Mas mahirap tanggalin ang frozen marbles dahil kailangan munang sirain ang yelo nito. Kapag nakakakita ka ng marable na nababalot sa yelo, ang kailangan mong gawin ay tirahin ito ng marble na may kaparehong kulay. Unang masisira ang yelo at pagkatapos, tirahin mo ulit ito ng parehong kulay na marble para tuluyan na itong ma-eliminate.
Hanggang tatlong stars ang pwede mong makuha batay sa iyong score. Habang naglalaro, makikita mo sa kaliwang itaas na bahagi ang iyong score meter kung saan malalaman mo kung ilang stars na ang iyong nakukuha. Makakatulong ito bilang gabay kung iyong tina-target ang palaging makakuha ng perfect three stars sa bawat level. Kung nais mong makakakuha ng tatlong stars sa bawat level, makakatulong ang paggamit ng boosters na matatagpuan bago magsimula ang level. May tatlo kang pagpipilian at mainam itong gamitin lalo na kapag mahirap ang nilalaro mong level. Nang sa gayon ay hindi mo lamang malalampasan ang level, sapagkat makukumpleto mo pa ang lahat ng stars.
Pros at Cons ng Violas Quest: Marble Blast
Ito ay may feature na offline mode kaya pwede itong laruin kahit na hindi konektado ang device sa Wi-Fi o mobile data. Hindi na rin hadlang ang pagkakaroon ng mabagal na internet connection. Maganda itong irekomenda sa mga taong naglalaro ng Zuma noon dahil tiyak na mae-enjoy nila ito. Kung hindi naman pamilyar sa ganitong laro, madali mo agad itong matututunan sapagkat mayroon kang madadaanang tutorial sa simula. Isa pang maganda rito ay ang disenyo ng laro kaya marami ring nagagandahan sa graphics nito dahil simple at maayos ito. Hinahasa ng laro ang koordinasyon ng mata at kamay ng mga manlalaro. Kaya kung patuloy mo itong lalaruin, tiyak na mapa-practice ang iyong skills at lalo itong mag-i-improve habang tumatagal.
Gayunpaman, mayroon itong bug kaya madalas na nakakaranas ng pagpi-freeze ang mga manlalaro kapag sinisimulan o patapos na ang nilalarong level. Sa tuwing nangyayari ito, walang ibang opsyon kundi mag-quit sa laro para gumana ito ulit. Ngunit magloloko ulit ang laro pagkatapos lamang ng ilang beses ng ito ay gumana. Bukod pa rito, may mga pagkakataong naka-stuck ang marble sa shooter o kaya naman hindi tama ang pagkabilang sa fireflies kaya hindi matapos-tapos ang level kahit wala nang bolang natitira. May mga oras ding walang epekto kahit natamaan mo ang ice o ghost marbles. Dahil sa mga ganitong isyu, maraming manlalaro ang naiinis at nauuwi sa pag-uninstall ng laro.
Konklusyon
Tamang-tama ang Violas Quest: Marble Blast para sa mga naghahanap ng larong katulad ng classic tile-matching puzzle game na Zuma. Para sa Laro Reviews, nakaka-enjoy itong laruin dahil simple lang ang mechanics nito kaya madaling matutunan ng kahit sino. Pwede mo rin itong laruin kahit na hindi ka konektado sa Wi-Fi o mobile data. Labis na nagiging convenient sa mga manlalaro ang paglalaro kapag may offline mode dahil pwede kang mag-enjoy sa paglalaro kahit saan habang hindi nag-aalala sa pagkakaroon ng stable internet connection. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang pagiging challenging ng levels lalo na habang pataas ito nang pataas. Maganda ang graphics nito at nakakadagdag ang disenyo sa kagandahan ng laro. Bagaman maraming positibong features ang laro, dapat maging handa ka sa mga isyung maaari mong maranasan kung nais mo itong i-download.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 20, 2022